CHAPTER 14

1358 Words

SA LOOB ng ilang araw, napagtanto ni Jane na hindi lang pala gawa-gawa ng mga nobelista at manunulat ng mga pelikula ang tungkol sa kakaibang pakiramdam na dulot ng pag-ibig. Mula nang gabing hinalikan siya ni Charlie, pakiramdam niya ay may nagbago sa paligid. Para bang kay tingkad ng kulay ng mga bagay-bagay. Ang mga trabaho sa production at distribution na dati ay nagiging dahilan ng kanyang stress, ngayon ay walang kahirap-hirap na nagagawa. Para bang walang kahit anong makakasira ng kanyang araw. Bukod doon, okupado rin siya sa pag-iisip kung saan niya dadalhin si Charlie para sa kanilang susunod na date.      Dumating ang sagot, tatlong araw matapos ang gabing nagkita sila ni Charlie. Kararating lamang ni Jane sa opisina mula sa kanilang branch sa Powerplant Mall nang salubungin si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD