Chapter 1

1200 Words
Agad siyang lumapit sa ate at mama niya at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.Napaluha siya dahil matagal niya na itong kailangan. Ang init ng yakap ng kaniyang ina. "Miss na miss na kita anak" naiiyak na saad ng kaniyang ina at panay halik sa kaniyang noo at ulo. "Miss na miss ko na din po kayo Ma, kayo ni ate" umiiyak na saad niya. "Kadramahan talaga ng mga ito. Halina kayo Mama at bunso" naiiyak ding saad ng ate niya. "Drama ah kaya pala umiiyak ka din" sarkastikong saad niya at niyakap ang ate niya. "I miss you ate Sasa" malambing na saad niya. "I miss you so much bunso" saad ng ate niya na si Alyssa. Pinagtulungan nilang binuhat ang gamit niya at nilagay sa family car nila. Silang tatlo ang nasa backseat at gitna nila ang ina niya. Pareho silang nakayakap sa Mama nila. "Siguro masaya na ang ama niyo dahil nakikita niyang kumpleto na ulit tayo" mahinang wika ng kaniyang ina kaya napangiti siya. "Kung hindi nawala si Papa, hindi niya papayagan na lumayo ang pinakamamahal nating bunso Ma" natatawang wika ng kaniyang ate. " Wag ng ibalik ang nakaraan " mahinang saad niya at pinikit ang kaniyang mata. "Anak gising na" Naalimpungatan si Allison sa malambot na kamay ang humahaplos sa pisngi niya. "Andito na tayo" malambing na saad ng kaniyang Ina kaya inayos niya ang kaniyang sarili. "Tara po" nakangiting saad niya. Nauna na siyang bumaba at pinakatitigan ang bahay nila. "Namiss mo ba ang bahay natin nak" mahinahon na tanong ng Mama niya. "Sobrang namiss ko Ma. I'm really at home. My home" saad niya at nilingon ang kaniyang ina. "Nakahanda na ang hapunan " nakangiting saad ng kaniyang ate. Pumasok siya at hindi niya maiwasan maalala lahat ng nangyari bahay nila, mula ng nagkaisip siya hanggang sa nawala ang kaniyang ama. Nagtungo na siya sa kusina at bumuntong hininga ng nakita ang bakanteng upuan kung saan umuupo ang kaniyang ama tuwing kumakain na sila. Pinilit niyang winaksi ang nasa isip niya at umupo na lamang. Siya ang naglead ng pray bago sila kumain. Katulad ng nakasanayan nila ay walang nag iingay kapag nasa harap ng pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay saka lamang sila nagkwentuhan. "Kamusta ka naman sa USA , anak" tanong ng kaniyang Ina. "Okey lang Ma. Puro trabaho lang, shoot doon, shoot dito ganun Ma. Nakakapagod pero masaya naman" nakangiting saad niya at tumingin sa kanilang dalawa na parang hindi mapakali. Kanina pa siya nagtataka sa kinikilos ng kaniyang ate at mama. Parang hindi sila masaya sa kaniyang pag-uwi. "Okey lang po ba kayo?" nagtatakang tanong niya. "Okey lang nak. Bakit mo naman natanong yan" nakangiting nito. "Masaya po ba kayo na umuwi ako o hindi"deretsong tanong niya. "Anong klaseng tanong yan nak?Masaya ako ,kami ng ate mo na umuwi ka dito" nakakunot noong tanong nito. Tinitigan niya ang kaniyang ate at mama at parang ang weird nilang dalawa. "May hindi ba ako alam?" wika niya sa kanila. "Anong ibig sabihin nak?" pekeng ngiting tanong ng kaniyang ina. "Am I part of this family para maglihim kayo sa akin? " nadidismayang tanong niya. "Sabihin mo na Ma" nakatungong wika ni Alysa. " Anong sasabihin dapat ni mama sakin?" naiinis na tanong niya. "Magpahinga ka muna nak.Bukas ko na lang sasabihin" mahinang saad nito. "Sa tingin mo Ma makakatulog ako lalo na at may kailangan akong malaman ngayon? naiiyak na saad niya. "Anak please lang magpahinga ka muna" nakikiusap na bigkas ng ina niya. " Pakiusap din Ma ,sabihin mo na sakin." nagmamakaawang saad kniya. "May iniwan ag Papa mo na sulat at nabasa ko lang nung isang buwan" saad ng Mama niya. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba. "Ano ang tungkol sa sulat" kinakabaan na tanong niya. Tinitigan siya ng kaniyang ina kaya mas lalo siyang kinabahan. "Handa kana bang malaman ito?" tanong nito sa kaniya at tumango siya. Tumayo ang kaniyang Ina at at may kinuha sa drawer na isang envelope at binigay sa akin.Nangunot ang noo niya dahil puro paper ito na nalalaman ng mga ginastos nila simula nung pinangak siya at ng ate niya hangang sa naapagtapos sila ng pa aaral.Nasa 5 billion ang mga ginastos nila. May nakita siyang isang sobre at binuksan iyon. Nangiginig ang kaniyang kamay na ibuklat ang papel na nadoon at kumunot ang oo iya dahil para sa kaniya ang sulat. Dear Allison, Alam kong nagtataka ka kung bakit may sulat ako sayo nak pero ais ko sanang basahin mo ito at tanggaoin ang aking hilinh at mapatawad ako.Nais kong bayaran mo ang utang natin sa pmilyang Dashwood.Humihingi ako ng tawad sapagkat Ikaw ay ipapakasal sa bunsong anak ng pamilyang Dashwood bilng kabayaran ng mga utang natin.Hindi ko ginusto na mangyayari ito sayo nak pero yun nalang ang tanging paraan para makabayad tayo.Hayaan mo ang iyong anak ang magpaliwanag sayo kung bakit tayo umabot sa ganito.Patawarin mo ako anak, hindi ko sinasadya .Mahal na mahal ko kayonh lahat, lalo kana bunso namin. Namamahal ang iyong ama. Naluluha siyang tumingin sa mama niya na ngayon ay nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil sa kaniyang nalaman . Pero isa lang ang sigurado niya iyon ay nasasaktan siya ng sobra. Natawa na lamang siya na parang baliw. "Hindi ito totoo diba?Prank lang to diba" natatawang saad niya ngunit alam niyang totoo yun. "Totoo yan bunso" saad ng kaniyang ate at tumango tango siya. "May dapat ka pang ikwento Ma" malamig na saad niya. Huminga ng malalim ang kaniyang ina bago siya nagsimulang nagkwento. "Dati akong kasambahay sa pamilya ng Dashwood at driver lang din nila ang Papa niyo.Inoffer ni Mr. Dashwood ang papa niyo na pera para magsimula kami ng Papa mo.Pumayag ang papa niyo at hindi niya naisip kung anong pangbabayad niya at basta niya na lamang tinaggap.Lahat ng ginastos natin sa bahay,sa panganganak ko,sa pag aaral niyo at sa pagpapa opera ko ay utang iyon sa mga pamilyang Dashwood.Bago namatay ang ama niyo ay sinabi ng mga Dashwood na hindi pera ang pangbayad ng ama niyo kungdi ang ipakasal ang isa sa inyo.Mas nagustuhan ka ng mag asawa para sa kanilang anak kaya ikaw ang pinili nila Allison.Sinubukan ng ate mo na sabihin nalang na siya na lang ang ipapakasal pero tumanggi ang mag asawa.Hindi namin agad sinabi sayo dahil alam namin na masasaktan at mabibigla ka. Kaya sana anak maintindihan ang Papa mo.Ginaawa niya lamang iyon upang mabigyan kayo ng magandang buhay"umiiyak na usal ng kaniyang. Para siyang mababaliw sa kaniyang nalaman.Gusto niyang magali pero walang patutunguhan ang kaniyang galit.Ngunit nasasaktan siya sa kaalamang parang binenta siya ng kaniyang ama ng hindi man lang alam. Hindi niya alam kung anong iisipin o gagawin niya.Parang gusto niya na lamang bumalik sa US at takasan ang problema na hinaharap niya. "I don't know what to think or what to say" kunwaring natatawang saad niya. "Hindi ko lalam kung paano ko ito tatanggapin.Para akong binuhay niyo lamang para lang pangbayad sa mga utang" umiiyak na saad niya at napasabunot sa buhok. "Hindi iyan totoo anak.Binuhay ka namin dahil mahal ka namin.Hindi namin alam na ganito ang gustong magging bayad ng pamilyang Dashwood." lumuluhang saad ng kaniyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD