Chapter 2

1950 Words
ON HIS WAY back to the hotel, may mangilan ngilang tao na nadadaanan ay napapalingon kay Tae-bin.              "I think I know him?" kinikilig kilig na sinasabi ng isang babae sa katabi nito.              "Oh my God, that's Kim Tae-bin!" ani pa ng isang kumpol ng kababaihang na halos pumukaw na ng sa atensyon ng ibang taong nasa lobby ng hotel.              Hudyat na para bilisan ang paglakad. Inayos ang black cap nito at isinukbit sa ulo ang hood ng kaniyang jacket upang maitago ang mukha. Kung bakit naman of all times ay ngayon pa niya nakalimutang isuot ang kaniyang shades eh expected naman na niyang mangyayari itong sitwasyon niya ngayon. Aist! Halos patakbo itong sumakay sa pinakamalapit na elevator na nakita niya at dali daling pinindot ang up botton bago pa may pumasok na ibang pasahero.              "Thank God it's empty!"              "Whew! That was close!"              Pagdating niya sa kaniyang room ay agad niyang tinawagan sa cellphone si Chen at ibinalita dito na nakita niya ulit ang 'lobby girl' at ang nagawa niyang 'komosyon' kanina habang papasok ng hotel.              "Mwo?! May pagkagikla nitong tanong sa lenggwahe nila. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Kim Tae-bin! Nagpunta tayo dito para magpahinga, mailayo ka sa mga kontrobersyal na kinasasangkutan mo ngayon. Pumayag ako na dito tayo pansamantala mag-stay dahil hindi pa masyadong kilala ang hotel na ito. Pero anong ginagawa mo? Ikaw mismo ang nagpapahamak sa sarili mo. Ikaw mismo ang nagpapahiwatig sa mga tao na nandito ka sa bansang ito at dito ka naka-check-in!" parang machine gun ang bibig ni Chen habang niraratatat sa sermon si Tae-bin gamit pa rin ang sarili nilang lenggwahe.              Pasalamat si Chen wala siya ngayon sa harap ni Tae-bin dahil kung hindi ay kanina pa niya ito nabatukan dahil sa lakas ng boses nito. Pero sa nangingiti rin siya dahil parang nakikita niya ang itsura nito ngayon na pulang pula ang mga tainga sa galit at inis sa kaniya.              "Chen, I want you to look for that girl!" pautos na sinabi nito sa kaniyang manager. "She's still here and I really saw her!" dagdag pa nito na hindi maipaliwanag ang excitement.              "Oh man!" ang nasambit na lang ni Chen sabay sapo sa kaniyang noo dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Tae-bin hangga't hindi niya nahahanap si 'lobby girl' at dahil diyan masisira ang kaniyang bakasyon. Actually, sira na nga. "I'm doomed!" Naibulong na lang nito sa sarili.              Umabot na ng gabi sa paghahanap si Chen. And as expected, naging maligalig ang buhay niya maghapon. Naandiyan na nag-abang sa mga hallways ng bawat floor ng hotel. Sinubukan din niyang sumakay at magpalipat-lipat sa mga elevators nagbabakasakaling makasakyan niya si 'lobby girl'. "Goodness! Nagmumuka na akong tanga nito eh!" naiiling na reklamo sa sarili hanggang sa nakaramdam na siya ng pagkahilo kaya napagpasyahan na lang niya ulit na tumambay sa hotel lobby ngunit bigo siyang bumalik sa kanilang kwarto. Walang anino ni 'lobby girl na nasilayan sa maghapon niyang nag-ala-stalker sa isang babaeng hindi niya lubos maisip kung bakit nakuha ang atensyon ng kaniyang aalaga.              "I give up, okay?" pahayag ni Chen na nakataas pareho ang kamay tanda ng pagsuko sa naging 'tasks' niya sa alaga. Di naman mapigilan sa pagtawa si Paul na naka-akbay kay Tae-bin. Papunta silang magkakaibigan sa bar ng hotel, nagkayayaan para mag-relax.              "Sigurado ka bang sa akin nakatingin niyan? Baka nga sa'yo nagnanasa 'yan eh!" ibinalik ni Louise ang pang-aasar sa bestfriend niya habang nakamasid na sa lalaking topic nila, papalapit sa direksyon nila.              "Best, ayan na siya! Papalapit na dito si Chinito!" kinilig na banggit ni Gelai kay Louise. May kung anong kaba na hindi na maipaliwanag ang nararamdaman ni Louise.              "Wait for me here," pahayag ni Tae-bin sa mga kasama pagtayo nito pagkatapos tunggain ang laman ng kaniyang baso na whisky at tutungo na siya sa kinaroroonan ng dalawang babae na napansin na rin niyang paminsan ay napapatingin sa dako nila magkakaibigan. Nang biglang... "Wae? ---- Nugu? Na?!" sagot nito sa tumawag sa kaniyang cellphone.              "Ginseng!!!" nanlalaki ang mga matang bulalas ng magkaibigang Louise at Gelai sa narinig na sinabi ng lalaking nakalapit na sa pwesto nila. Ginseng ang code name nila sa mga customer nilang Koreano lalo na kung pogi ito at ayaw nilang ipahalata na pinag uusapan nila ito.              "Oh sige na, Best, akyat na muna ako at maaga pa ang presentation ko sa school bukas," pagpapaalam ni Louise kay Gelai habang dinadampot ang mga dokumentong kailangan pa rin niyang pag-aralan para sa sales & marketing naman ng kanilang papaangat na ring negosyo.              "Sh*t she's leaving again! I have to go! Bye!" pagmamadaling paalam ni Tae-bin na hindi na nabigyan ng pagkakataon na makasagot sa kaniya ang kausap sa kabilang linya. Kailangan niyang sundan ang babae. Hindi pwedeng mawala pa niya ito and this time kailangan na niyang makausap at makilala ito.              Ilang minuto na ring naghihintay si Louise na may bumukas na elevator sa tapat niya. Bakas ang pagkairita sa mukha dahil katabi na niya yung lalaking kanina pa sa bar nakatingin sa kanila ni Gelai.  "Ano bang gusto nito? Nakakaloka!" animong bubuyog na bumubulong na siya lang din naman ang nakakarinig sa sinasabi. Nang bigla niya itong narinig na nagsalita...              "Hi! My name's Tae-bin. Kim Tae-bin. What's yours?" pagpapakilala ni Tae-bin kay Louise ngunit sinulyapan lang siya nito saglit at hindi na pinansin. Napapangiti si Tae-bin dahil sa hinuha niya ay hindi siya ito nakikilala. Pero imposible yata yun eh sikat na sikat siya sa iba't ibang bansa ng Asia at maging sa ibang parte ng Europe at America ay may mga fans na rin siya doon. "Hi! Don't you recognize me?" tanong niya ulit kay Louise na lalong nagpairita dito. "Why? Should I know you? Are you some kind of a king that I need to recognize?" pigil na pagtataray ni Louise kay Tae-bin.              At sa dahil nakakaramdam na ng sobrang pagkayamot si Louise dahil sa dinadami dami ng pagkakataon ay ngayon pa hindi nakisama sa kaniya ang elevator kaya napagpasyahan niyang maghagdan na lang. Nagtungo siya sa fire exit at akmang hahakbang na siya paakyat nang marinig niyang may nagsalita. "Is this how you treat all your customers?" ika ni Tae-bin na nakasunod na pala sa kaniya.              Parang nahimasmasan naman bigla si Louise sa naging kilos niya kay Tae-bin. "OA nga lang ba ako? Baka assuming nga lang naman. Customer pa rin pala siya. Besides, paumpisang paangat pa lang itong aming hotel kaya kailangan maging ma-PR ako. Haist mahirap na." 'yan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Louise. Kaya pilit man ay ngumiti siya at nilingon ang lalaki.              "My name is Louise, Sir. Do you need anything, Sir? Maybe I can call one of our staffs to assist you and your needs?" maalumanay na pagkakasabi ni Louise kay Tae-bin na ikinangiti naman ng huli. Ngiting may kapilyuhan. Nagtama ang kanilang paningin kaya hindi nailingid kay Tae-bin ang pag-ikot ng mga mata ni Louise. Napatawa ng mahina si Tae-bin sa tinuran ni Louise.               Nasa ganoong senaryo sila nang biglang may marinig silang mga yabag at tawanan ng mga taong sa tingin nila ay papalapit na sa kanila. Biglang hinawakan ni Tae-bin ang pulsuhan ni Louise at hinila ito pasandal sa pader. Animong ikinulong ito sa kaniyang mga bisig at inilagay pa ang hintuturo sa kaniyang bibig upang senyasan niya itong manahimik. Ayaw niyang may makakita at makakilala sa kaniya habang may kasamang babae dahil ayaw na niyang masangkot ulit sa panibagong eskandalo lalo't si Louise pa ang babaeng iyon. Hindi pwede.              Nang matapat sa kanila ang grupo ng mga babae at lalaki ay narinig nj Louise na may nagsabing, "Ano ba 'yan, dito pa talaga sila sa may hagdanan!" "Get a room, dude!" tinig pang-aasar naman ng isang lalaki. Hiyang-hiya si Louise sa mga narinig. Naramdaman niyang uminit ang kaniyang mga pisngi.              Gustong kumawala ni Louise sa pagkakakulong sa mga bisig ni Tae-bin pero hindi niya magawa dahil inisip din niyang nakakahiya sa mga customers na makakakita sa kaniya sa ganoong akto. Ano na lang ang iisipin nila sa mga nagtatatrabaho sa hotel nila. Kung bakit naman suot pa rin niya ang napagkatuwaang isukat na uniform na kanilang staff. Ayan napagkamalan tuloy siyang isa sa mga staff ng bar & restaurant nila. Hinintay na muna niyang makalagpas ang grupo tsaka siya kakalas dito.              Akmang itutulak na sana ni Louise si Tae-bin nang maramdaman niyang lalong humigpit ang pagkakakulong niya sa mga bisig ng lalaki. "No, I don't want anybody. I want you...and I think...I like you." Marahang bulong nito sa kaniyang tainga. Naramdaman niya ang paglipat ng isang palad nito sa kaniyang baywang at mahigpit na hinapit dahilan upang lalong magdikit ang kanilang mga katawan. Napatda si Louise sa tinuran ni Tae-bin. Bumaba ang mukha ni Tae-bin sa kaniyang mukha. Kung nakailang lunok na ito sa sariling mga laway, ay hindi na mabilang. Dinampian siya ng isang marahang halik sa labi. Natigilan.             Nang mapansin ni Tae-bin na hindi natinag at tila walang pagtutol ang babae sa ginawa niya dito ay dagli niya ulit itong masuyong hinalikan. And this time, it’s more intense. Hinalugad ang dila nito ang loob ng labi ni Louise habang bahagyang pinipisil pisil ang baywang ng babae samantalaang ang isang kamay naman ay nanatiling nakahawak sa pulsuhan nito. "You're mine now," nakangising bulong niya dito matapos niyang siilin ng halik sa labi.             Sa unang pagdapo ng mga labi ng lalaki sa kaniyang mga labi ay ang daming tumatakbo sa isipan ni Louise. Nagugulumihan sa mga nangyayari. She’s having an unexplainable feeling. Gustong magprotesta pero hindi niya magawang ibuka ang mga bibig hanggang sa namalayan na lang niyang dumapo na ulit ang mga labi nito sa mapupula niyang mga labi. Mas masidhi. Mas lumalim. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan niya na nagpagising sa kanyang ulirat.             After that intense kiss from Tae-bin at nang makabalik sa ulirat ay malakas na inapakan ni Louise ang isang paa ni Tae-bin dahilan upang dagli itong mapakalas sa pagkakayakap sa kaniyang baywang, mahinang “ouch” na lang ang narinig niyang naibulalas nito habang nakakapit sa rails ng hagdanan, napapapikit at kagat ang labi dahil batid niyang nasaktan niya ito. "I can never be yours, Kim Tae-bin! Besides, it's a just a kiss and it won't give you enough power to own a girl just like that?!" singhal ni Louise na halos mangiyak ngiyak ngunit ayaw lang magpadala sa inis at galit na nararamdaman.             Mabilis na sumibat si Louise sa harap ni Tae-bin. Sa pagmamadali niya ay sa halip na paakyat ay sa pababang hagdanan siya nagtungo. Nakailang hakbang pa lang pababa ay bumalik siya paakayat then until she realized that her room is in the Penthouse so she went back inside and decided to take the elevator. Good thing there are other passengers waiting outside for the elevator to come down. She smiled naughtily coz she noticed that Tae-bin went back to the fire exit after niya sumilip sa door and saw the crowd.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD