Xavier's POV *BOOOOOOOGSH!* Napada kaming lahat ng may biglang sumabog sa building na nasa gilid lang namin. Maraming nagkagulo at nasugatan sa mga tao dahil sa naganap na pagsabog. Nilingon ko agad sila Gabriel. Naalerto rin sila. "Search the building!" Utos ko sa kanila. Mabilis silang umalis. Ngunit nabigla ako ng may paparating sa aking dagger. Mabuti nalamang ay nakaiwas ako. Hinanap ko kung saan galimg ang dagger na yon. Napansin ko ang isang aninong pumunta sa likod ng garden. Mabilis kong tinungo ang likuran ng garden nang bigla kong naalala si Iziah. Shit! I forgot about her! Bigla nalang akong napahinto sa pagtakbo ng makita ko ang isang babaeng napakapamilyar sakin. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya. Ngunit kahit na ganon ay kilalang kilala ko an

