Akame/Iziah's POV Kinabit ko ang silencer sa pistol ko. Sinuot ko ang maskarang sumisimbolo sa Gang na kinabibilangan ko. Tumingin muna ako sa kanila bago umpisahan ang mission. "Get ready, were moving." Malamig kong sabi sa transmitter. (Roger) sabay sabay nilang sabi. Nasa itaas ako ng puno na malapit sa kwarto ng mag asawang Kushina. Sila ang pangalawa sa Clan Yamazaki. Natapos ko na ang iba pang mga Clan na nasa kamay ng Yamazaki. Ito nalang ang pangalawa. Ang pinaka una ay ang pamilya nila Xavier, ang Takahashi Clan. Ang susunod ay ang pinaka ulo. Ang mag asawang yamazaki. Hindi ako magdadalawang isip na patayin sila.... Alang alang sa sinumpaan kong pangako. Bago ako mamatay gusto kong matapos ang sinumpaan kong pangako sa kanya.... Hindi ko alam kung mapapatawad nila ako pero k

