Xavier's POV
Nagising nalang ako dahil sa ungol na narinig ko mula sa katabi ko. Dinilat ko ang isang mata ko at tiningnan ang taong nasa tabi ko.
I can feel her body touches mine. Mabilis ko siyang tinulak sa tabi ko.
"Stop it." Bored kong sabi. Nakita kong naningkit ang mata niya.
"How dare you!" Mataray niyang sabi at tsaka tumayo. Nakita ko pang dinampot niya ang mga damit niya na nagkalat sa sahig tsaka ako tiningnan ng masama.
Nagtaas lang ako ng kilay at nagsign ng kamay na umalis sya. Nakita ko kung pano mamula ang mukha niya sa inis. Napangisi lang ako.
After 1 year i spent my days with girls. I've become a cassanova for no reason. Simula nun wala na akong sineryosong babae. Nagtataka nga sila Grayson sakin. Kung sino pa daw ang dating matino sya pa ang nagbabago. Natatawa nalang ako sa tuwing naririnig ang sermon nila sakin.
Tumayo ako sa kama ko at nagtungo sa banyo. Ohh s**t!! I forgot may pasok pala ngayon!? -.-
Nagmadali na akong naligo at nagbihis. Mabilis kong tinungo ang big bike ko tsaka mabilis na pinaandar papunta sa school ko. Oo, ako na ang nagmamay-ari ng Ford's University dahil nagpunta na si papa si Japan. Sakin nya iyon pinamahala. Ang sabi niya sakin nun ay may kailangan daw siyang asikasuhin.
***
"Oh! Bat ka na naman na late?! Napuyat kana naman siguro sa babae mo!?" Bungad na sabi agad sakin ni Sam pagkadating ko.
"Di ka na nasanay diyan Bebe." Tugon naman ni Gabriel habang naka akbay sa Bebe niya. Inungasan ko lang sila. Umupo agad ako sa sofa ng HQ namin.
"Nasan sila Amanda?" Tanong ko ng mapansin na wala sila at Dylan.
"Nag mall yata." Alexis habang busy sa pagsubo ng ice cream sa boy friend niya. Natawa na lang ako.
"Sunod tayo." Sabi ko habang nakangiti. Nagsitinginan silang lahat sakin.
"Wag na!! Baka may mabiktima kapa!!" Sabay sabay nilang sabi.
"ULUL!!" Natatawa kong sabi.
***
Someone's POV
"Mama. Anong nangyari!?" Nag aalala kong tanong ng makita siyang pinagpapawisan.
"Nak! Yung dalaga nagising na!" Pagkasabi nya nun ay agad kong tinungo ang kwarto niya. Nakita kong iniiksamina sya ng doctor. Nilapitan ko agad yung doctor.
"Kamusta na po siya?" Tanong ko agad.
"Sa awa ng diyos at nasa maayos na ang lagay niya. Halos isang taon rin siyang na coma. Hindi ko nga rin aakalain na magigising na siya." Nakangiting sabi ng doctor. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Pero ng tanungin ko siya kanina ay wala siyang maalala. Sa tingin ko gawa iyon ng sugat sa ulo niya." Sabi ulit ng doctor.
Napatango nalang ako. "Salamat ho doc."
"Sige. Mauna na ako ijo." Pag kasabi niya nun ay tumango nlang ako. Mabilis kong nilingon ang babaeng tulog sa harap ko. Nakita ko lang siya nun sa batuhan nung naligaw kami ng kapatid ko. Ang buong akala ko ay patay na ito dahil duguan at may parte sa katawan niya ang nalapnos. Mabilis ko agad siyang dinala sa Hospital at sa awa ng diyos ay nabuhay pa sya. Halos 50:50 ang chance niyang mabuhay.
Natigilan ako ng biglang nagmulat ang mga mata niya. Muntik pa anong matumba ng makita ang mata niya. Ngunit ng ipinikit at dinilat ko ang mata ko ay nagbago iyon. Namamalik mata lang siguro ako...
Tiningnan ko ang mukha niya. Walang Emosyon. Kinalibutan ako ngunit tinapik ko siya. Bigla syng napatingin sakin at nagkaroon ng emosyon ang mukha niya.
"Kamusta na ang pakiramdam mo Iziah?" Tanong ko sa kanya. Nakita kong napakunot ang noo niya.
"I-iziah?" Nag aalangan niyang sabi.. Ayy tanga!! Bakit Iziah!??
"A-ahh! A-ano... Yun muna tawag ko sayo." Kinakabahan Kong sabi.
"A-anong nangyari sakin..... B-bakit w-wala a-akong maalala?" Nagtataka niyng tnong hbng nkakunot ang noo.
"Wala rin akong ideya. Natagpuan lang kita sa batuhan ng maligaw ako isang taon na ang nakakaraan." Paliwanag ko sa knya.
"I-isang taon?" Nagtatakang turan niya.
"Oo. Na coma ka kasi." Sagot ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang malakas na pagkulo ng sikmura niya. Napatawa ako. Nakita ko syang napayuko.
"Hahaha.. Ayos lang iyan. Isang taon ka pang hindi kumain kaya kumain kana. Dadalhan nalang kita ng pagkain." Natatawa kong sabi. Nakita kong nagliwanag ang mukha niya.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya sakin.
"Izack." Nakangiti kong sabi....