Chapter 3

1863 Words
Chapter 3 Napabuntong hininga si Elizabeth aka Ely nang manakit ang kanyang batok. Kanina pa kasi siya nakaharap sa computer dahil napakaraming trabahong ibinigay sakanya ng baklitang iyon "Bwisit. Ingit siguro sa ganda ko kaya first week ko palang pinapahirapan na ako." Inis niyang sambit habang iniikot ikot niya pa ang kanyang leeg Nais niyang patunugin ang leeg niya dahil ngalay na ngalay iyon. Idagdag pang antok na antok siya. Mayroon pa kasi siyang jetlag at hindi pa siya nakakapagpahinga ng maayos kahit isang linggo na simula ng makauwi siya mula Italia hindi pa rin nakakapag-adjust ang oras ng tulog niya Napahikab siya at tumingin sa wrist watch niyang kulay puti. It's already pass twelve in the afternoon. Bakit kaya hindi pa nag-lulunch ang baklitang boss niya? Pang limang araw na niya ngayong nagtatrabaho sa kumpanya ni Cody Hoffman. Karaniwan naglulunch ito tuwing alas-dose. Napakasuplada nito. Hindi siya nito pinapansin kahit nagpapapansin siya araw araw dito. Mukhang bakla nga talaga ito at mahihirapan siyang akitin ito Sayang! Napakagwapo pa naman! Hindi parin makapaniwala si Elizabeth na madali niyang napapayag si Cody Hoffman na tangapin siya bilang encoder ng mga sales sa kumpanya nito. Mabuti nalang at bakante ang posisyon ng encoder ngayon kaya wala itong magawa kundi tangapin siya Nahihirapan tuloy siyang makagawa ng paraan para akitin ito. Halos tiisin niya nga ang lamig sa opisina nito para lamang mag-suot ng mahahalay na damit Katulad ngayon halos kakarampot na tela lamang ang suot suot niya. Isang black mini dress iyon na nagpapakita ng malulusog niyang dibdib. Confident naman siyang magsuot ng mga ganito dahil ganito naman talaga siya pumorma noon sa italy. Medyo mas mahahalay na damit nga lang ngayon ang kanyang isinusuot. "Hindi ka ba nilalamig sa suot mong yan?" Napataas ang kilay niya ng marinig ang boses ni Cody. Ang arte arte ng pagsasalita nito parang ngang sinasadya talaga nito gawing pang babae ang boses nito. Kumbaga ay over acting na ito. Nakakapanghinayang talaga ang pagkalalake nito. Bakit nga ba siya nandito sa opisina nito? Nag-umpisa ang kalokohan niyang ito simula ng utusan siya ng kanyang daddy na akitin at gawing tunay na lalake ang nag iisang tagapagmana ng kumpare nito sa negosyo. Malaki daw ang maitutulong ng pamilya nito sa negosyo ng kanyang daddy at kapag nagawa niya daw ang pinag-uutos nito ay bibilib na daw ito sakanya at baka sakaling mahalin siya nitong muli kaya heto siya ngayon at ginagawa ang ipinag-uutos ng kanyang ama "It's okay boss. Hindi naman po malamig. Ganito talaga ako manamit kaya sanay na po ako.." Sambit niya bago niya ito nilingon at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti Kumunot naman ang nuo nito ng mapatingin sa kanyang matamis na ngiti Hay nako naingit nanaman siguro ang bruha? "It's very inappropriate. Opisina ito at hindi night club. Sa susunod ayokong ganyan ang isusuot mo sa kumpanya ko." "Bakit naman boss?" "Nakakadiri kasi eh!" Maarteng sabi nito kaya napangiti siyang muli "Nako mukhang naiingit ka lang sakin eh?" Biro niya Tinaasan lang siya ng kilay nito kaya napabungisngis siya Tumigil lamang siya sa pagbungisngis ng makitang seryoso ang mukha nito. "S-Sorry po. Pero hindi mo ako mapipigilan na ganito ang isuot ko dahil sinabi ko na sayo na gusto kitang maging lalake diba?" Pinakurap kurap niya pa ang kanyang mga mata habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito at inipit niya ng kaunti ang kanyang malulusog na dibdib na para bang nang-aakit sa harap nito At dahil nakatayo ito at nakaupo siya sa kanyang pwesto ay paniguradong kitang kita nito ang cleavage niya Nakita niyang napalunok ito kaya natigilan siya sa ginagawang pang-aakit Naaapektuhan ba ito? Bakit parang nakita niya ang kakaibang kasabikan sa mga mata nito? Bigla lang rin iyong nawala ng irapan siya nito "Eww! Nakakakilabot ka. Sinabi na ngang bakla ako diba? Panigurado akong isa ka sa mga babaeng ipinadala ng dad ko para paaminin ako sa gender preferences ko. Well sorry to say my dear encoder nagsasayang ka lang ng oras mo dito. Kung ako sayo umuwi kana at sabihin mo sa parents ko na wala na talaga silang magagawa dahil bakla ang unico hijo nila" Hindi maiwasan mapatulala ni Ely sa gwapong mukha ni Cody habang nagsasalita ito. Nakakapanghinayang ang kagwapuhan nito. Sikat na sikat ang pamilya nito bilang mga angkan ng gwapo at matipuno. Ito lamang ang napabalitang bakla sa pamilya ng mga hoffman. Pero nakakapanghinayang dahil magaganda at gwapo siguro ang magiging anak nito kung sakaling naging tunay itong lalake "Nakikinig ka ba sakin ha?" Tanong ni Cody sakanya ng mapansin nitong nakatitig lang siya sa mukha nito "Ang gwapo mo.." Napapatulalang sambit niya kaya natigilan rin ito at napatitig sakanyang magandang mukha "M-Mag lunch kana nga!" Naiinis nitong sabi sakanya bago ito naglakad palayo Napabuntong hininga si Ely ng tuluyan ng makaalis ang boss niyang si Cody Hoffman. "Sayang talaga ang isang yun. Sinasayang ang lahi. Paano ko naman iyon aakitin? Mukhang naiinis pa lalo sakin at naiingit sa mga assets ko bilang babae?" Sambit nalang ni Ely sa kanyang sarili ng mapag-isa siya Nakaramdam rin siya ng pagkulo ng kanyang sikmura kaya minabuti na niyang mag-break muna upang kumain ng tanghalian Nakatangap siya ng text mula sa daddy niya. Napapangiti siya sa tuwing nagtetext ang daddy niya sakanya. Kahit pa ang tinatanong lamang nito ay ang update tungkol sa inutos nito sakanya Habang kumakain si Ely sa loob ng cafeteria ng company building na iyon ay may isang lalakeng naglakas ng loob na lapitan siya Sa limang araw niyang pagtatrabaho doon ay kapansin pansin na maraming mga lalake ang gustong makipagkilala sakanya. Naririnig pa nga niya ang chismis na marami raw nagkaka-crush sakanya ngunit nahihiya ang mga ito na makipagkilala sakanya Marami rin mga babaeng empleyado ang naiinsecure at naiinis sakanya kaya naman hangang ngayon ay wala parin siyang kaibigan sa kumpanyang iyon Ayos lang iyon sakanya dahil hindi naman pagkakaibigan ang ipinunta niya dito kundi ang akitin ang baklitang iyon "Hi miss Elle.." Napa-angat ang tingin niya sa lalake. May hawak itong isang tray na naglalaman ng mga pagkain nito Tipid siyang ngumiti "Hi" May itsura naman ang lalake ngunit hindi ito ang tipo niya. Mas tipo niya pa nga ang baklitang Cody na iyon. Kung naging lalake lang ito ay malamang sa malamang isa siya sa mga fans nito. "Pwede bang maki-upo?" Tinignan niya ang paligid. Marami namang bakanteng upuan ngunit nais pa nitong makishare sa table niya? "Sige" Sabi nalang niya kahit alam niyang tumitingin lang ito sa kanyang malulusog na dibdib Bigla tuloy siyang nailang. Itinaas niya ng kaunti ang kanyang damit dahil napapatingin ito doon "Miss Elle ako nga pala si Enrico." Pakilala nito sakanya sabay abot ng kamay nito Kahit ayaw niyang makipagkilala ay hindi naman siya bastos para ipahiya ito. Lalo na't nakikita niya sa bandang gilid ang ibang lalakeng kaibigan nito na nakatingin sa kanya "Nice to meet you" Tipid siyang ngumiti bago niya kinamayan ang lalake Napakagat labi ito ng mahawakan ang kanyang kamay kaya nangilabot siya ng kaunti at binawi niya agad ang kanyang kamay "Miss Elle ang ganda ganda mo. Ilang taon kana?" Napabuntong hininga siya. Hindi pa siya tapos kumain ngunit heto ito at ginugulo siya "Twenty four" Maiksing sagot niya bago niya ipinagpatuloy ang pagkain niya "May boyfriend ka na ba--" Natigil ang pagsasalita nito ng marinig nila ang baklang boses ng kanilang boss sa likuran niya "Miss Villaflorez i need you in my office right now" Sabay silang napatingin kay Cody. Nakataas ang kilay nito. "Okay po boss pogi.." Sabi niya kaya lalong umasim ang mukha nito tumalikod na ito at naglakad palabas ng cafeteria. Napapatingin naman dito ang mga empleyado dahil ngayon lang ito nagawi sa cafeteria. Bwisit na bakla to kahit bakla nakaka-inlove parin ang kagwapuhan! Sinundan agad ni Ely si Cody pagkatapos niyang uminom ng tubig. Ayaw na rin niyang ipagpatuloy ang pagkain niya dahil inistorbo na siya ni Enrico nawalan na tuloy siya ng gana sa pag kain Pagsakay ni Cody sa loob ng elevator ay naabutan niya pa ito. Dalawa lamang sila sa elevator sa mga oras na iyon. Nakakunot ang mga kilay nito ng bumaling ito sakanya "Ikaw! Panay kalandian nalang ba ang bitbit mo sa kumpanya ko? Ano ba talagang gusto mo ha?" Napalunok si Ely dahil naging pang lalake ang boses ni Cody. Nakakagulat iyon at parang totoong tunay itong lalake sa tono ng pagsasalitan nito ngayon "B-Boss lalaki ka?" "G-Gays can be mad too! Nakakainis ka kasi sa totoo lang!" Pagbawi nito ng maisip nitong muntik na niya itong mabuking "Akala ko lalaki ka. Nagiging lalake ka pala kapag ginagalit ka.." "Ano ba kasi talagang agenda mo? Gusto mo ba ako--" "Oo gusto talaga kita Cody. Isa ako sa mga fans mo--" "Oh shut up. Hinanap kita sa followers ko pero wala kang account sa mga iyon. Kaya huwag mong sabihing isa ka sa mga babaeng nanghihinayang sa pagkalalake ko" "Hinanap mo ako? Sa followers mo?" Napapangiting sabi niya Ito naman ang natigilan at nag iwas ng tingin sa mapanukso niyang tanong "O-Ofcourse para makasigurado akong hindi ka pinadala ng daddy ko to seduce me!" Hindi na mapigilan ni Ely na kumapit sa braso ni Cody. Nanlaki ang mga mata nito sa ginawa niya lalo na ng madikit ang malulusog niyang dibdib sa braso nito "Gusto nga kita talaga boss. Kaya nandito ako para magpapansin sayo. Iyon lang talaga ang pakay ko sayo. Hindi ako pinapunta dito ng parents mo para patunayang hindi ka bakla. Alam ko namang bakla ka talaga eh pero gusto ko paring subukang gawin kang lalake ulit.." Naka-ilang beses itong napalunok habang nararamdaman nito ang malambot niyang dibdib na nakapatong na halos sa braso nito Hindi pa sana siya hihiwalay sa boss niya ngunit bumukas na ang pinto ng elevator "B-Bahala ka nga sa buhay mo" Nauna na itong lumabas ng elevator ngunit napansin niya ang pamumula ng mga tenga nito Napakagat labi nalang siya. Nakaramdam siya ng kakaibang init sa kanyang puson kanina nang mapahawak siya sa braso nito. Napaka-firm naman kasi ng muscles nito para bang kay sarap nitong yakapin. Higit sa lahat napakabango nito! Sinundan niya parin ito hangang sa private office nito "Bukas kapag ganyan parin ang suot mo sa kumpanya ko malaya kanang maghanap ng bagong trabaho mo--" "Pero boss ganito lang ang mga damit ko eh." Palusot niya ngunit naputol ang pagsasalita niya ng ibato sakanyang mukha ni Cody ang coat nito "Isuot mo yan para hindi pinag-pefiestahan ng mga lalake yang dibdib mo" Seryoso nitong sambit sakanya bago nito binagsak ng malakas ang pintuan ng opisina nito Napatulala siya sa coat ni Cody na hawak hawak niya sa kanyang dalawang kamay. Bakit parang natuwa siya sa ginawa nitong pagbigay ng coat nito para sakanya? Concern ba ang baklitang iyon o naiingit lang sa malulusog na dibdib niya? Napapangiti siya ng isuot niya ang coat nito. Pakiramdam niya ay yakap yakap na rin tuloy siya nito dahil amoy na amoy niya ang pabango nito sa coat na iyon Hindi na rin siya nilalamig sa kanyang pwesto pagkabalik niya sa harap ng kanyang computer. Nakapagtrabaho rin siya ng maayos Maya't maya niyang sinisinghot ang coat ni Cody Hoffman. Ang bango shet!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD