Chapter 51 3rd Person's POV "Katulad mo wala din ako plano— pero hangga't kasama kita kahit gaano pa kagulo ang sitwasyon at kalaki ang problema alam ko magiging ayos ang lahat." "Hindi ko hinihiling na mahalin mo agad ako— ibalik mo lahat ng binigay ko. Hihintayin kita hanggang sa mabuo mo ang sarili mo— hihintayin kita kasi gusto ko ako ang unang makakita ng bago at totoong ikaw. Gusto ko nandoon ako kaya please— kahit na anong mangyari hindi mo ako iiwan, hindi ka lalayo at hindi ka susuko," ani ni Coquelicot at kinuha ang singsing sa kahon. Nakayuko si Coquelicot kaya hindi nakita ni Coquelicot ang iba't ibang emosyon na dumadaam sa kulay gintong mga mata ni Citroen. "Hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong asawa. Hindi ako marunong magluto, hindi ako matalino at walang t

