Chapter 05
3rd Person's POV
Nakadapa si Coquelicot sa kama. Nakahilig sa napakalaking stuff toy at nakayakap dito. Matapos ang nangyari sa university at sa living room nagkulong doon ang babae.
"Baby, hindi mo ba talaga papasukin si kuya? May dala akong mga favorite food mo dito— fries, chicken pati milktea! Marami ito oh," ani ni Chartreuse. Nag-no lang si Coquelicot.
"Leave me alone," ani ni Coquelicot at muling sinubsob ang sarili sa stuff toy na lion.
Naibaba ni Chartreuse ang mga pagkain na dala niya. Nakatayo si Chartreuse sa harap ng pintuan ng room ni Coquelicot.
"Hindi pa din lumalabas si C-que?" tanong ni Graphite. Naglalakad ang lalaki palapit kay Chartreuse kasunod si Juniper. Kararating lang ng mga ito galing school.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nagagalit si C-que," sagot ni Chartreuse. Hindi din nina Graphite maintindihan. Napabuga ang tatlo.
"Mahirap talaga siguro intindihin ang mga babae," ani ni Juniper. Nailing si Adara matapos marinig ang mini conversation ng triplets.
Hindi makapaniwala si Adara na pati ang pagiging insensitive ng asawa ay nakuha ng mga anak niyang lalaki.
"Anong ginagawa niyo dito? Magbihis na kayo. Lalo ka na Chart— basang-basa ka ng pawis. Ilang beses ko na sinabi sa iyo na huwag kang magpapatuyo ng pawis," ani ni Adara. Napangiwi ang tatlo at lumingon. Nandoon na ang ina nila.
"Mom," ani ni Graphite. Lumapit si Graphite at hinalikan sa pisngi ang ina. Ganoon din ang ginawa nina Juniper.
"Balik na muna tayo sa room," ni Juniper. Masesermonan na naman sila kapag nagkataon.
Umalis ang tatlo. Iniwan ni Chartreuse sa harap ng pinto ang dala niya para kay Coquelicot.
Umalis na ang tatlo. Tumingin si Adara sa pinto— kalaunan natawa matapos bumukas iyon ng kaunti. Nawala iyong mga dala ni Chartreuse na pagkain.
Lumapit si Adara sa harap ng pintuan ng room ni Coquelicot. Kinatok ng mahina ang room ni Coquelicot.
"Honey, kung may mga problema ka lagi lang nandito si mommy. Pwede mo ako kausapin anytime. Huwag mo na lang asahan ang mga kapatid mo. Lahat ang mga iyon nagmana sa daddy nila," ani ni Adara. Nakaupo si Coquelicot sa likod ng pintuan at nakasandal sa pinto habang yakap ang mga paper bag.
"Mom, paano ko mapi-feel na alive ako? I want to feel— I'm really exist," bulong ni Coquelicot. Napatigil si Adara. Nandoon ang lungkot sa boses ni Coquelicot.
Hindi alam ni Adara ngunit nang marinig niya iyon bigla siyang kinabahan. Sa boses pa lang ni Coquelicot— nararamdaman ni Adara iyong bigat na dala nito.
"Ano bang problema baby?" tanong ni Adara. Niyakap at humilig si Coquelicot sa mga tuhod.
"Love ko sina kuya Graph pati sina Pette— ganoon ka din mommy at si daddy. Super love ko kayo— but it's give me feel shameless because I'm part of this family. I didn't feel na deserve ko maging anak niyo ni daddy," bulong ni Coquelicot. Napatigil si Adara matapos marinig iyon.
"Ang panganay ko," bulong ni Adara at hinawakan ang pinto. Minsan naging worried si Adara dahil sa nakikita niyang wala itong self awareness ngunit mali siya.
May mga bagay lang talaga sila hindi maintindihan kay Coquelicot. Nasanay sila masyado sa pagiging optimistic at pagiging free spirit nito all the time.
"C-que, wala sa miyembro ng pamilyang ito ang hindi ka minamahal. Specially ng mga kakambal mo. Katulad ng sinabi ko ikaw ay ikaw sweety. Find your own path, desire, freedom, happiness and light."
"Kung saan ka magiging masaya— 100% na susuportahan ka ni mommy. Lagi akong nasa side mo baby," bulong ni Adara. Minulat ni Coquelicot ang mga mata.
Maya-maya narinig niya na lang ang mga yabag ng ina na papalayo sa kwarto.
—
"Anong nangyari? Mukhang dalawa sa prinsesa namin ang down," ani ni Juniper. Nakita niya si Fuchsia na nakaupo sa sulok ng living room— nakasandal sa glasswall.
Ganoon ang naging habit ng babae kapag may iniisip— doon nagkakaroon ng peace of mind ang batang babae.
Tumabi si Juniper kay Fuchsia. Tinanong ni Fuchsia si Juniper kung lumabas na si Coquelicot.
"Worried sina mom at dad," bored na sambit ni Fuchsia. Sinabi ni Juniper na hindi pa pero kumakain naman si Coquelicot. Dinadalhan ni Chartreuse ng pagkain si Coquelicot— iiwan sa harap ng room nito. Kukuhanin iyon ng babae at iiwan ang tray sa harap ng pintuan.
"Hindi katulad mo na hindi talaga kumakain either sumasabay sa dinner," ani ni Juniper. Sinabi ni Fuchsia na mukhang wala naman may pakialam.
"Fuchsia," ani ni Juniper. Bumuga ng hangin si Fuchsia at sumandal sa pader. Tumingin siya sa glasswall at tiningnan ang mga tao na nasa labas ng mansion.
"Don't mind me kuya Juni. Kumakain ako— hindi lang ako sumasabay sa dinner pero kumakain ako. Ayoko saksakan ni Pette ng kutsara sa bibig. Mas malakas topak 'non sa akin," ani ni Fuchsia. Natawa si Juniper dahil may pagka-bad temper din talaga ang isa sa triplets. Kung may pagka-savage si Fuchsia at pagka-sadista si Turquoise— may 101% insensitivity si Pirouette at literal na bayolente.
Hinawakan ni Juniper ang ulo ng kapatid na babae at ginulo ang buhok ni Fuchsia. Tinanong ni Juniper kung nag-sorry si Pirouette kay Fuchsia. Napagbuhatan ng kamay ni Pirouette ang kakambal.
"Hindi nagso-sorry si Pette. Wala iyon sa bokubularyo niya para iyon si kuya Graph. Isa pa alam ko naman na ako iyong mali," ani ni Fuchsia. Sinabi ni Fuchsia na si Pirouette ang nagdadala ng pagkain sa room niya.
"Consider naman na nagso-sorry siya dahil nasaktan ako," bulong ni Fuchsia. Sinabi ni Juniper na mabuti naman.
"Magagalit si dad kapag lumala pa ang away niyo na dalawa. Ikaw— nag-sorry na kay C-que?" tanong ni Juniper. Umiwas ng tingin si Fuchsia.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko because I mean it," bulong ni Fuchsia. Sa ugali ni Fuchsia maaring makapag-sorry siya ngayon bukas ganoon ulit kapag may mga nam-bully na naman sa ate niya.
Hindi lang halata pero sa lahat si Fuchsia ang makikitaan na pinaka-affected kapag may nambu-bully sa ate niya.
Nadadala agad ito sa emosyon kaya kung anu-ano nasasabi na nitong masama sa ate niya. Naide-deliverate niya iyon sa maling paraan.