Ahahahahahahahahahahahahahaha~ang saliw sa tugtog ng alpa at trumpeta ay maihahalintulad sa bulaklak na nalipad ng hangit at bumaba sa lupa.
Ang pagirog ng hari sa reyna'y tila isang butong namunga at namulaklak, lalo na tuwing ito'y nadidiligan. Ngunit ang lahat ay nagbago nang dumating ang mga daga at peste sa lupain. Unti-unting natuyo ang halama't tuluyan itong nasira at namatay. Ngunit ang halamang namatay ay may naihasik ring buto na syang magiging tinik sa landas ng mga peste't dagang nangagaw ng lupain ngunit di pa ito magaganap hanggat di pa nagkakasibol ang butong nahasik.
Waaaaah... ang ganda! (nagpalakpakan ang mga tao)
...bago ang lahat...
Nam Yeo: 27 years old, simula 7 taong gulang siya isinasama na sya ng isang nagngangalang Jiao Xingbao sa China upang pagaralin ng Kung Fu. Ngunit nang ito'y mamatay ay bumalik ito sa Silla. Makalipas lang ang isang araw nakilala niya ang may ari ng Uahan na si Boss Hae Chuk, inalok siya nito ng trabaho at tinangap naman ito niya agad. Kasakasama siya ni Ginoong Hae sa pageekspidisyon sa buong Silla, Baekje at Gogoryeo.
(Siya si Prinsipe Kim Gyeolseog Wangkuk nahulog sa balon bago sumapit ang ikapito nitong kaarawan~anak ng reyna, si Lady Seok Chang Rye isang Dakilang Heneral ng Silla na naging Reyna ngunit dahil di magkaanak sila ng hari ay nagasawa muli ang hari ngunit sa di sinasadyang pangyayari ay nagdalangktao na rin ito kasabay ni Lady Park Kang Yeol~anak ni Ministro Park Songnim at Lady Xiao Danyao isang Marquis-isa sa makapangyarihang pamilya sa China at sabay ring nanganak. Nang ikapitong taon nito naglalaro sila sa labas nina Parksong anak ni Lady Park at Seungmin na anak ni Lady Yeon Hwanggi~ anak ni Ministro Do Ha Anh at Lady Shitzikuko Chuzuru isang Hapones pinaka leader ang kanyang ama ng mga Sandā ang pinakamagaling at lihim na utusan ng hapang anim sa magkakapatid at kaisa-isang babae.
Habang sila'y naglalaro sa ilog kasama ang ibang anak ng mga aristokrat at ordinaryong mamamayan, di inaasahang malakas ang agos nang panahong iyon at tumatawid sila nang matatangay na ng agos si Seungmin ay itinulak ito ni Geolseog papunta kay Parksong ngunit di ito kita ni Parksong kaya nagdirediretso ito patungong kabila; nang si Seungmin ay nakatawid na at si Gyeolseog ay malapit na sa kabila ramdam na niyang malalaglag at matatangay na siya ng agos ay kumapit sya kay Parksong ngunit imbis na siya'y tulungan ay itinulak nya ito kaya si Gyeolseog ay nabarog at natangay ng tubig.
Maige na lang at nakita sya ni Jiao Xingbao at isinama ito, ngunit nawalan sya ng alaala.)