Kairi's POV
"A-ayos n-na ba siya?" nag-aalala kong tanong kay Iceandra.
Kasalukuyang ginagamot ni Avri si Zi, bumagsak kasi siya kanina nung dumating si Iceandra. Nagamot na ako kanina ni Avri, kaya humilom na ang sugat ko.
"Ayos lang iyan. Kayang-kaya naman ni Avri na tanggalin ang sumpang nasa pana." bigla akong kinabahan sa nabanggit niya.
"Sumpa?"
"Oo, may sumpa ang pana ngunit hindi naman iyon ganun kalala gaya ng iniisip mo, ang sumpa ay makakatulog lang siya ng ilang oras at kapag nagising siya ay hindi ka na niya kilala." biglang may kumirot sa puso ko. Hindi na niya ako kilala? Bakit? Sana naman matanggal ni Avri ang sumpa para maalala pa rin ako ni Zi.
"Magiging maayos ba siya gaya ko?" tanong ko habang nakabaling kay Zi ang tingin ko.
"Oo naman, saka may nararamdaman ako sa kanya e kaya di ko siya magagawang patayin." sagot ni Iceandra. Anong nararamdaman? Tatanungin ko na sana siya kung ano iyon ngunit nagsalita agad siya.
"Btw, hindi pa tayo magkakilala. I want to know you. Ako si Iceandra Fiore, you?" inilahad niya ang kamay niya at tumingin ako sa kanya. We shaked hands when I said my name.
"Gusto kita maging kaibigan, Kairi." seryosong sabi niya.
Yumuko ako. "Kaibigan? Ngayon lang ako nakarinig na may gustong maging kaibigan ako."
"Now meron na." napatunghay ako ng hawakan ni Iceandra ang kamay ko. "So, can we be friends? Para hindi lang sina Avri at Clyde ang kaibigan ko."
Ngumiti ako sakanya at nakipagkamay. Napansin kong tumingin si Avri sa amin at agad itong lumapit. Mukhang tapos na niyang gamutin si Zi na wala pa ring malay.
"Anong kaibigan 'yan? Inaagaw mo ba ang bff ko, Iceandra?" matalim na titig ni Avri kay Iceandra.
Bff? Bff ako ni Avri?
Tumingin sa akin si Iceandra. "Bff mo si Avri, Kairi?"
Hindi pa ako nakakasagot ng biglang umiyak si Avri.
"Ano ba 'yan, tinuturing na kitang bff ko, Kairi, tapos ako 'di mo tinuturing? Huhu." iyak niyang sabi.
"Ah, basta simula ngayon Kairi, kaibigan mo na kami." ngumiti ako sa kanila. Yung ngiting malungkot.
"Ba't parang malungkot ka?" pansin ni Avri. "Malungkot ba ang naging karanasan mo sa mundo ninyo?"
Tama siya. Pero kulang pa ang salitang lungkot sa naranasan ko sa mundo namin.
"Kaya ba bumalik ka rito sa Gracean? Para matakasan ang lungkot na nadarama mo sa inyong mundo?" bakit ang galing mo manghula, Avri?
Dumating si Clyde. Mukhang tapos na niyang halughugin ang lugar kung saan kami napana ni Zi.
"Iceandra, Avri, kailangan nating mag-usap." lumapit sakanya sina Avri at Iceandra at lumabas sila.
Nilapitan ko si Zi na ngayon ay wala paring muwang. Hindi ko maiwasang ma-guilty sa nangyari sakanya. Kung hindi dahil sa 'kin, sana hindi siya napahamak.
Nakarinig ako ng kaluskos malapit sa pintuan. Sina Avri kaya iyon? Lumapit ako roon at dahan-dahang binuksan ang pinto ngunit wala akong nakita.
Akala ko naman kung ano iyon, baka hayop lang na dumaan o tumae. Pero hindi pa rin mawala ang kaba sa aking dibdib dahil alam kong hindi iyon kaluskos ng hayop lang.
May humawak sa kamay ko, tumingin ako sa likod at bigla nalang akong nawalan ng balanse dahilan kaya madaganan ko ang humawak sa kamay kong si Zi.
"Ah-eh" nahihiya kong sabi dahil magkalapit ang aming mukha. Nagkatitigan kami ng halos kalahating segundo nang marealize kong nakadagan pala ako sakanya.
Agad akong tumayo at yumuko dahil nahihiya akong tignan siya.
"Anong nangyari? Nasaan tayo, Kairi?" tanong niya.
"Wala ka bang naaalala?" tanong ko.
"Ang naalala ko lang ay papunta tayo sa...La-belone, tama ba?"
Tumango ako. "Wala ka talagang naaalala? Iniligtas mo ako sa ikalawang panang dapat sa 'kin na naman mapupunta."
"N-nasaktan ka?! Saan? Kamusta na sugat mo? Okay ka lang?" sunod-sunod niyang tanong ng may pag-aalala.
Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat. "A-ayos na ako. Ikaw ang napuruhan. Epekto ba iyan ng sumpa?"
"Anong sumpa?"
"May sumpa raw kasi ang panang tumama sa atin sabi ni Iceandra, buti sa 'kin hindi masyado, ikaw tong napuruhan."
"Sinong Iceandra?" tanong niya.
"Ako."
Di namin namalayan na dumating na pala sila Iceandra.
"Sino ka naman?"
"Ako si Iceandra. Ako dapat ang pupuntahan ninyo sa Labelone. Ako rin ang nagligtas sa inyo sa pana." agad na tumingin sa 'kin si Iceandra, ewan ko kung bakit pero ipinagsubali ko nalang iyon.
"T-teka, naguguluhan pa rin ako sa nangyayari simula nung dumating kami rito ni Kairi."
"Wala talaga siyang naaalala." Sabi ni Avri.
"Epekto iyan ng sumpa sa pana. Pero mas malala pa sana diyan ang nakalimutan niya kung hindi mo agad natanggal ang sumpa, Avri. Buti hindi ang pangalan mo at ikaw mismo ang nakalimutan niya, Kairi." tumingin siya sa 'kin at yumuko ako.
"S-sino ka ba? Anong kapangyarihan ang meron ka?" tanong ni Zi kay Iceandra.
"You want to know? Sige, ipapakita ko." pagkasabing-pagkasabi iyon ni Iceandra ay bigla na lamang lumiwanag ang paligid, puti lang ang nakikita ko, hindi ko makita sila Zi.
Pagkatapos nun ay bumalik sa normal at nakita naming may tumubong pakpak sa likod ni Iceandra, makukulay ang mga ito gaya ng isang paro-paro, totoo yata ang first impression ko sakanya na diwata siya.
"Ang Labelone ay tirahan ng mga fairies na kagaya ko, lahat kami roon ay magaling pumana at ako ang pinakamalakas." self-proclaim niya.
"Teka, do you fly?" wala sa sariling tanong ko.
Pangarap ko kasi ang makalipad. Alam nyo yun? Yung parang napakalaya mo pag lumilipad ka. Wala kang ibang iniisip kundi kung saan ka pupunta. Yung ayun lang ang problema mo wala ng iba.
"Yes, I can fly, Kairi. Sarap sa feeling ng lumilipad."
Gusto ko ring maranasang lumipad.
ZIAN'S POV
"Ang weird naman ng mundong to." sabi ko sabay kamot sa ulo ko.
Nakaupo ako habang hawak ang cellphone ko. Isang oras na ako rito ngunit wala parin akong mahanap tungkol sa mundong ito, gusto ko lang malaman kung nag-eexist ba talaga itong mundong to.
Sinubukan kong sampalin ang aking sarili, nasaktan ako, so totoo nga, hindi ako nananaginip o kung ano pa man. Jusmiyo, gusto ko ng bumalik sa mundo namin.
Dapat na ba talaga akong maniwala na totoo itong mundong napuntahan namin ni Kairi?
"Kailangan nating maunahan ang ibang kasamahan natin sa paghahanap." rinig kong sabi ni Clyde sa di kalayuan.
Hinanap ko siya at nakita ko silang tatlo ni Avri at Iceandra sa isang puno, seryoso silang nag-uusap.
"Oo nga, para naman magka-gantimpala tayo at mapunta tayo sa mataas na rank na gusto ng ating Mahal na Hari." sagot naman ni Avri.
"I think kailangan kong pumunta sa lugar ng mga tao upang maghanap doon. Diba doon naman talaga ang lugar kung nasaan ang anak ng Mahal ng Hari?" sabi ni Iceandra.
Wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Anong anak? Anong Mahal na Hari? Bakit sa mundo namin sila maghahanap?
Pinagpatuloy ko na lang ang pakikinig..
"Pupunta ka roon ng walang pahintulot sa Mahal na Hari, Iceandra? Masama 'yan, baka kung ano pang mangyari sa 'yo." alalang sabi ni Avri.
"Yes. It doesn't matter to me kung may mangyari man sa 'kin." tumingin siya sa part ko, naku naramdaman niya atang may nakikinig sa kanila kaya nagtago muna ako sa part na naririnig padin sila. "Basta pangarap ko ang maging isa sa mga mataas na rank sa Gracean."
Umalis na si Iceandra. Naiwan ang dalawa. Saka lang ako lumapit sa kanila.
Nagulat sila. "Narinig mo ba ang pinag-usapan namin?" tanong ni Avri.
Hindi ko sinagot ang tanong niya. "Gusto kong malaman ang buong katotohanan."