Latte

522 Words
Chapter 8 "Akin sya! Akin sya! " isinisigaw ko sa balkonahe kung saan tanaw ang taal. Akap- akap kita muli pagkatapos ng maraming taon.Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ka kumakawala mula sa bisig ko. Hindi ka nagmamadali. Parehas natin tinatanaw ang taal at nilalanghap ang hangin. Payapa at malaya tayo. "Mahal na mahal kita" ibinulong mo sabay harap sa kin. "Mahal na mahal din kita" sabay halik sa mga labi mo. Hinawakan mo ang mukha ko sabay pinagdikit ang ating mga noo. " Salamat sa pagmamahal. Paalam mahal na mahal ko " sambit mo. Sabay sa pagpatak ng luha mo ang pagdilat ng mga mata ko. Nakatulog na pala ako kakabasa ng mga liham mo sa account ko sa laro kung saan tayo una nagkita. Muli ko binuksan alinsunod sa hiling mo. Sa loob ng maraming taon hindi ka napagod sulatan ako. Bawat liham mo ramdam ko pa rin ang pagmamahal mo. "Ang daya mong dragon ka" sambit ko habang tinitigan ang profile mo sa laro. Nuong nakaraang linggo pagkatapos ng ilang taon muli ka nagtext sa kin laman lang ang userid at pw ng account at maikling mensahe. "For you. Mk! " Mk! - mahal kita! Sinubukan ko tawagan ka pakatapos mag ipon ng lakas ng loob. Inabot din ng ilang araw bago nagkalakas loob. Abot-abot ang kaba, matyagang inantay na sagutin mo, isa, dalawa, tatlo ring pero ibang boses na ang narinig ko. Duon ko nalaman na iniwanan mo na naman ako. "ang daya mo. " Sabi mo ok ka na nung nagsasara tayo ng pintuan natin. Naglihim ka lang pala. Ngayon alam ko na bakit ayaw mo bumitiw agad nun, kasi sinusubukan mo duktungan ang tayo. Sinusubukan mo na kasama ako hanggang dulo. "Sorry di ko alam.... " Kung nalaman ko hinawakan ko pa ang mga kamay mo nuon. Sinamahan kita hanggang dulo. Magkasama tayo lalaban. Siguro yung panaginip ko ay ang pamamaalam mo sa kin. Duon tinupad mo ang pangarap natin gawin nuon. Duon dinuktungan mo kahit sandali ang tayo. "Mahal kita " bulong ko. Pasensya ka late ako dumating sa buhay mo. "latte" ang laging biro mo dati. Pasensya ka na wala naging magandang tapos ang kwento natin. Pasensya ka na dahil alam ko na hanggang dulo dinala mo ang sugat sa nawalang tayo. Pasensya ka na at mas pinili natin makinig sa bulong ng mga isip natin kaysa sa isinisigaw ng puso. "intayin mo ko oi. Nagpauna ka na naman." muli kong bulong sa yo. Salamat sa pagmamahal boo ko. Hindi ko man nahawakan ang kamay mo sa pagtahak dito sa buhay na ito. Baka sa susunod na pagtahak natin mas pabor na sa tin at duon araw- araw ko na hawak ang kamay mo. Pangako sa susunod mas hihigpitan ko hawak. Hindi kita bibitawan. Sana naging masaya ka. Sana kahit maiksi ang tayo ay madama mo kung gaano kita kamahal. Hindi natapos boo ko. Nandito pa rin. Haplos ko sa dibdib ko. Salamat din kasi alam ko ikaw ang humiling sa Diyos para may makasama ako. "Mahal na mahal kita! Tara kape tayo! " Bulong ko sabay taas sa ulap ng tasa ng kape ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD