CHAPTER 1

1914 Words
Punyeta late na naman ako! Patay na naman ako kay panot nito. Tinakbo ko na ang room namin dahil panigurado mabebengga na ako sa prof ko. Minor lang naman siya pero feeling major. Kapos hininga kong binuksan ang pinto ng room namin at nakita ko na nag aattendance na si Sir Judiel. “Lorraine Ricafort? Late na naman ba ito?!” kitang kita ko ang bunbunan ni Sir Judiel na kumikinang. Umagang-umaga gagalit agad to.   “Sir! Present never absent” sabi ko. Pumasok na ako ng room at dumiretso na ako sa upuan ko. Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ko at nagsalita ulit si sir.   “Tatanda ako lalo sa inyo, Lalo na sayo Ricafort!” di ko nalang pinansin si sir at kinuha ko na ang Ipad ko, kinulbit ako ni Jerry at may binulong.   “Pustahan tayo, bago matapos tong sem kalbo na talaga completely si sir” natatawang sabi ni Jerry sakin.   “Di ka sure, malay mo may tatlong hiblang matira. Idol niyan si Tweety bird e” at natawa  kaming dalawa.     Nagsimula na mag lesson si Sir at nakinig na ako, Kahit naman “ganto” ako ay pasok ako sa dean’s list dahil sobrang grade conscious ako. Para sakin kase, mas masarap mag night out kung puro uno ang grado. Natapos na ang klase at mamayang alas tres pa ulit ang isa pa. Nagligpit na kami ni Jerry ng gamit, siya lang naman ang ka-buddy ko dito dahil ang mga kaibigan naming ay nasa ibang universities. Buti nga at parehas kami ng course na Bachelor of Fine Arts Major in Advertising. May maliit din kasi kaming business ni Jerry kung saan nagseserve kami ng iba’t ibang commission. Paint, portrait, videography, name it. Ito kasi ang hilig naming kaya  naisipan naming gawin na rin itong business.   “Hanap na tayong papabol Raine, third year na tayo di man lang nadiligan ang pechay ko” sabi ni Jerry sakin habang naglalakad kami papuntang cafeteria. Binatukan ko si Jerry kala mo naman talaga may pechay siya.     “Gaga, feelingera ka talaga. Hotdog yang sayo wag ka nga” sabi ko sakanya.   “Ouchy, you’re so meany” sabi ni Jerry habang nagpapacute. Tinignan ko siya na may halong pandidiri, jusko mahabagin pano ko ba to naging kaibigan.   “Luh Jerry, di bagay sayo. Atsaka kung maghahanap man tayo ng papabol gusto ko taga ibang university. Para may thrill” pumasok na kami sa cafeteria at umupo sa usual place namin.     Inayos ko muna ang gamit ko at naglabas ng ipad, gagawin ko muna itong commission na logo, next week na kase ang deadline. Tumayo si Jerry para bumili ng pagkain niya, kinulbit niya ako at nagtanong.     “ Kakain ka ba ng kanin? Papasabay ka?” bumaling ako sa kanya at umiling, wala akong gana kumain ng kanin ngayon. Gawa siguro na ang dami kong nakain na almusal kanina.   “Bili mo na lang ako ng iced coffee” kinuha ko ang wallet ko at nagbigay ng one hundred peso bill. Kinuha ito ni Jerry at umalis.   Bumaling ako sa aking Ipad at binuksan ang file ng commission na kailangan ko nang tapusin. Since team up kami ni Jerry sa business naming ito, gumawa kami ng brochure wherein may mga style na pwedeng pag pilian. Kapag style ko ang napili siyempre ako ang gagawa, ganon din kay Jerry pero may time na joined task force ang peg namin lalo na kapag madetalye iyon at mahirap. Lahat ng nakukuha naming pera at inilalagay namin sa isang joint account at siyempre may log kami kung magkano ang solo commission namin na nailalagay doon. Balak kasi naming mag tayo ng advertising company soon.   Tinignan ko ulit ang commission ko, hmmm  parang may kulang. Dumating na si Jerry dala ang lunch niya at iced coffee ko.  Kinuha ko ang sakin at bumaling sa kanya.   “Thanks beshu” binigay sakin ni Jerry ang sukli ko at tinignan ang ginagawa ko.   “Next week na yan ah, infairness ang ganda pa rin talaga. Ikaw na talaga” tong baklang to napaka plastic.   “Eww plastikada ka talaga, pero on the side note. Judge mo nga, feeling ko may kulang.” Binigay ko sakanya ang ipad ko at tinignan niya iyon ng maigi. Pagdating sa criticism, si Jerry ang maasahan mo. He don’t sugar coat his words, unlike sa iba ay puro papuri. Hindi naman sa ayaw ko sa compliment pero para sakin kapag nacicriticize ka ibig sabihin may bigger space pa for improvements. Ayoko maging stagnant pagdating sa art. I always aim for the best, and think about the bigger picture.   Binalik sakin ni Jerry ang ipad at tinuro niya sakin ang sa tingin niya na kailangan ng modifications. Kinuha ko ito at nagpasalamat at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Si Jerry ay kumain na ng kanyang lunch.     Nang matapos si Jerry kumain ay pumunta kami sa may silong, sa school kasi namin ay may maliliit na bahay kubo na pwedeng tambayan ng mga estudiyante kapag vacant nila.     “Oy Je, kamusta yung commission sa mga Morales? Ok na ba? Send mo na lang sakin mamaya para ma finalize ko na. Pina rush kase nila, need na daw nila this saturday kaya ipapaprint ko pa yung tarp this wednesday or thursday .” sabi ko habang tinatabi ang ipad sa aking bag. Natapos ko na ang logo at ipapacheck ko na lang sa client ko mamaya if ever may gusto siya ipadagdag or tanggalin. “Yep tapos na siya. Send ko later, nasa desktop kase yung file sis. Kina Mang Jojo ka ba ulit magpapatarp?” Sabi ni Jerry habang nag rereview. s**t may quiz nga pala mamaya. Buti nga at napag sasabay pa namin ang business at school, minsan nga lang ay nakakapagod pero worth it naman.   “Yup, baka sa saturday na nila ibigay yung half payment. Kapag pinakuha na ni Mayor” Sabi ko at nagsimula na magbasa-basa para sa upcoming quiz namin mamaya. Gagamitin kase ito sa isang opening at mukhang mas maaga ang pag aayos nila. Dapat kasi ay next friday pa ito kukunin.     Pagkatapos ng halos isang oras ay tumungo na kami sa aming classroom. Kaunti lang ang nareview ko pero sa tingin ko naman ay may masasagot pa rin ako dahil tanda ko pa naman yung ibang part ng lesson.     Pagpasok namin ng classroom nagulat kami na walang tao. Tinignan namin ang group chat at nakita namin na nag announce pala ang prof namin. Hindi siya makakapasok today kaya walang quiz, shet sayang review sana natulog na lang ako. Since dalawa lang ang subject namin today ay napag pasiyahan namin ni Jerry na tumambay sa Central Food park and hub. Napagkasunduan naming mag kakaibigan nung highschool na magkita-kita since lahat kami ay biglang nabakante nung araw na yon.   Walking distance lang dito ang Central kaya nilakad na lang namin ni Jerry yon. Pagkarating namin ay nandoon na si Veronica.   “Girls! Here!” kaway niya samin. Nakasuot siya ng uniform ngayon. Saming Lima na magkakaibigan ay siya ang pinaka conyo samin. Siguro dahil laking yaman e kami naman ni Jerry mga hampas lupa lang kami.   Umupo na kami sa tabi ni Veronica. Nilapag ko ang aking bag sa ibabaw ng table, ganoon din ang ginawa ni Jerry.   “Asan na yung dalawa?” ang tinutukoy na dalawa ni Jerry ay sina Ace Llorente at Shane Cazarsola.  Nasa iisang school yung dalawa , si Ace ay Civil Engineering ang kinukuha samantalang si Shane ay CommArts. Mag pinsan silang dalawa at ayaw ng parents ni Shane na pumasok siya mag isa sa ibang university kaya doon na rin pumasok si Ace   “I’ve chatted them na, On their way na daw sila” sabi ni Veronica habang tinitignan ang kanyang cellphone.           Naghanap ako ng tali sa buhok, grabe sobrang init naman ngayong araw. Sinimsim ko ang buhok ko para mapuyod ito. Habang ginagawa ko ito ay may dumaan na mag kakaibigan na college student na rin. Umagaw ng pansin ang isang lalaking tahimik na  naglalakad sa likuran nilang mag totropa. Ang logo ng school nila ay kaparehas ng university na pinapasukan ni Veronica. Wow bigatin....   Nawala ang focus ko sa lalaki ng bigla na lang may nambatok sakin.   “Aray naman! Panira talaga tong Alas na to” sabi ko habang sinasamaan ko ng tingin si Ace. Siraulo talaga tong lalaking to.   “Makamasid to, mukha kang tanga” sabi niya habang umuupo sa harapan ko.   “Sino ba kasi yang tinitignan mo?” Sabi ni Shane sa akin. Umiwas ako ng tingin at umiling.   “Wala! Wala akong tinitignan. Ok?” sabi ko ay tinali na ang buhok ko.   “That’s Charles’ tropahan, They are famous because of their katalinuhan, also they are good-looking din kase” Sabi ni Veronica na nag lilipstick ngayon.   Charles... Hmm mahanap nga mamaya sa f******k.   “Ayan na, may bago na namang i’stalkin si Ulan” sabay tawa ni Ace. Binato ko sa siya ng nilukot na tissue sa mukha.   “Pake mo ha! Hoy Jerry, May bago na tayong target sis. Samahan mo ko” sabay tawa ko.   “Ay bet girl! Sige huntingin natin yan” Sabi ni Jerry sakin.   Umorder na kami at nag bonding na mag kakaibigan, pero di pa rin maalis sa isip ko yung lalaking malakas ang dating. Tinignan ko ang wrist watch ko at halos mag alas nuwebe na. Awit may klase pa bukas. Tumayo na ako at nag paalam na sa kanila.   “You’re going already na?” sabi ni Veronica na nagpapacute.   “Nuy KJ ka talaga Ulan, Stay ka muna” um’agree si Shane sa sinabi ni Alas pero umiling ako. Hinigit ko patayo si Jerry dahil may kailangan pa kaming tapusin na commission.   “Utak payaman muna sis, may kailangan pa kaming tapusin” Sabi ko at nagpaalam  na kami ni Jerry sa mga kaibigan namin.   Nag aabang kami ngayon ni Jerry ng jeep. Nakita naming na lumabas na din yung “Charles' tropahan” at pumunta sila sa may parking lot. Wow yaman, may pa wheels. May dumaan ng jeep na ang ruta ay ang daan papunta subdivision ni Jerry.   “Girl, ingat ka. Chat me ok!” sabi ni Jerry at sumakay na ng jeep, kumaway ako sa kanya at tumayo ulit para mag abang ulit ng jeep. Nakakangalay naman. Halos mag thi’thirty minutes na akong nakatayo dito.   Napabuntong hininga na lamang ako habang nag aabang ng jeep. Tinignan ko muna ang phone ko para i’check ang sss  ng business namin kung may mga  inquiries. Nagulat ako nang may bumusina sa harap ko at nakita ko ang sasakyan ni kuya. Actually, Half brother ko siya. Anak siya ni Daddy sa una pero namatay ito dahil sa komplikasyon habang nanganganak ito. Mas matanda siya sakin ng 3 taon.   “Sakay na Raine, kung di pa ako chinat ng tropa ko baka hanggang mamaya ka pa dito.” Sumakay na ako safront seat ng sasakyan niya, nilagay ko ang bag ko sa back seat at nag seatbelt na.   “Tropa? Who? Di ko naman nakita si Kuya Troy dito.” Baling ko kay kuya. Kinalikot ko ang kotse ni kuya para maka connect ako at makapagpatugtog.   “Mukha bang si Troy lang ang tropa ko?” natatawang sabi sakin ni kuya at pinaandar na niya ang kanyang sasakyan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD