Ronoel - 2

1441 Words
Ang mahogany section nuon ang kulelat na section, as in mga pasang awa. Gaya ng 75 to 79 average, dun ang bagsakan. Samantalang ang lotus section ang may mga honor, ibig sabihin..... Matatalino! Hindi ko nga alam kung paano at panong nangyare, kung bakit ako naging isa sa mga naging estudyante ng lotus? Samantalang 76 lang ang average ng grade ko Hahahah. Anyways, maswerte lang talaga ako at kahit papano masipag akong mag-aral at sa kamalas-malasan lang kase.... mahina talaga ang utak ko pero ngayon college na ako hahahah. Naalala ko tuloy ang very warm and calm words ng mama ko when i was in elementary to 2nd year high school. "Kahit na palakol palagi ang average mo anak, basta pinag iigihan mo ang pag aaral.... Mag iimprove din 'yan baang araw makikita morin ang pinag hirapan mo. Basta may tiwala ka sa sarili mo at hindi ka nawawalan ng pag-asa, you can always have a chance to reach you're dreams anak." Naka ngiti at hawak ang aking mga kamay habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Ang mahinahong boses at sobrang pagtitiwala ng aking ina ang lalong nagpa motivate sa akin na mag-aral maige kaya umabot ako sa kolehiyo. Ronoel's Birthday!!! "Happy Birthday anak!!!!" Maagang bati sa akin ng aking mga magulang, na kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mukha. Andito sila sa loob ng aking kwarto, may hawak na mga pa bilog at pusong lobo, kinuha ko ang aking cellphone sa gilid ng aking kama upang tignan ang oras ay, alas -otso pa lamang ng umaga kaya tinignan ko na lamang sila at umiling ng bahagya habang naka ngiti sa kanila. "Ang aga n'yo naman po bumati mama, papa, parang mas excited papo kayo kesa sa'kin, hahahah." Pabiro kong sagot sa kanila. Umuwe kase ako dito sa amin sa Cavite, dahil gusto kong makasama ang mga magulang ko sa napaka espesyal na araw na ito ng aking buhay. "Siyempre anak, noong nakaraang taon kase hindi ka namin kasama nag celebrate ng kaarawan mo, kaya inagahan na namin ng mama mo ngayon ang pagha handa at pag greet sa'yo." Mahabang paliwanag ni papa sa'kin na halatang nagtatampo, last year kase hindi ako pumayag na maghanda ako, dahil ayoko talagang naghahanda kase sayang lang sa pera at ayokong napa pagod si mama sa pag- aayos para lang ma celebrate ang kaarawan ko, kahit na tumulong ako si mama parin ang mas pagod. Nag-imbita rin ako ng konting malapit sa akin na mga classmates at syempre hindi mawawala ang mga frenny ko na sina Persida, Angel at Mhariel. Sila ang mga kaybigan ko na mula pa sa elementary hanggang high school kahit magkaka hiwalay kami ng room ay magkakasama parin kapag break time at lalo na sa gimikan. Hindi naman ako umu-uwi ng lasing dahil water and juice lang palagi ng order ko sa mga bar na pinupuntahan namin. Masaya na sina Mhariel, Angel at Persida basta magkakasama kami kahit na panay tubig at taga kaen lang ako ng mga pulutan nila. Silang tatlo din ang nagturo sa'kin kung paanong gawing tubig ang kape, Hahahahah! Naalala ko pa nuong bumisita sila dito sa bahay namin, walang nagka kape dito kaya panay gatas at choco lang ang stock namin. ...... Flash Back High school days..... " Ronoel!!! Ban ba ang kape dito sa bahay ninyo at wala kayo kahit na 3in1 coffee?" Tanong sakin ni Angel na adik talaga sa kape hahahah " OO nga! Ang sarap kaya ng kape, bakit wala kayong stock dito sa bahay niyo? You can't enjoy life, lalo na kapag hindi mo natikman ang pinaka masarap na kape sa buong mundo." si Persida na akala mo tubig lang sa kaniya ang kape kung miya't miyain nito ang pag-inom. Mag-sasalita pa lamang ako ng biglang mag-salita naman si Mhariel. " Wag kayong ganyan kay Ronoel..... Baka hindi pwede ang coffee sa parents niya kaya hindi sila nagi -stock diba Frenny?" Kibit balikat na lamang ang tanging nai sagot ko at niyaya ko silang lumabas upang magpunta sa grocery store. At ayun nga! sila na mismo ang bumili ng 700g pack na black coffee at isang balot ng Kopiko Creamy latte na 3in1. " O ayan frenny, hindi kana alien ngayon sa lasa ng kape ah! Sigurado kame, kapag natikman mo 'yan baka sabihin mong... "I Just Can't Get Enough" kaya uulit-ulitin mong magtimpla na parang juice nalang ang tinitimpla mo.Hahahahahhaha!" at sabay-sabay na silang nagtawanan sa huling words na sinabi ni Persida. Si Persida na kay Angel lang din naman natutong uminom ng kape na ngayon nagpapayo na sa akin, nakakataw ng isipin. " Oo na! Maraming salamat dito sa mga binigay ninyong kape. Jusko, sa dami nito baka abutin na ng expiration date nito? Hahahahah" Sabi ko sa kanila. " Loka-loka! Anong akala mo, binili namin yang mga kape just for you lang? syempre, kapag may bonding tayo dito sa bahay niyo may iti timpla kanang kape para sa'min, diba gurls?" Loka talaga 'tong Angel na'to, basta kape ang usapan, hindi talaga magpa palamang. Sobrang saya ko na sila ang naging mga totoo kong kaybigan, magkakaiba man silang tatlo ng ugalipero package deal na at masasabi ko parin na sobrang Blessed talaga ako na sila ang mga kaybigan ko. At dahil pinatikim nila ako at hindi lang basta pina tikim... Binigyan pa ng stock ng iba't ibang klase ng coffee, well ngayon hindi lang ata sa umaga, tanghali at gabi ako nagka kape? siguro mga pito or walong beses akong nagti timpla. Pero ngayon hindi na ako masyadong nagka kape, i need to be healthy dahil alam ko na kapag nagtrabaho na ako ay sobrang stress na everyday life ko, at kaylangan korin talagang alagaan ang figure ko dahil may plano akong sumabak sa pagmo modelokahit na dito lang sa pinas. .......End of Flash Back!!!..... Pagka baba nila mama at papa, inayos ko narin agad ang aking higaan atsaka ako nag inat-inat ng katawan at saka naligo. Matapos kong maligo at mag-ayos ng aking sarili ay bumaba narin agad ako. Syempre! suot ko ang dress na niregalo sa aking tatlong bibe ko na frenny. Suot ko ang dress na kulay blue na dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko at sa dulo may riffles at flowers ang laylayan nito, at manipis na lace naman ang sa shoulder, at wide double u naman ang sa dibdib na mejo kita ng kaunti ang clevage ko, kaya hindi ito mahalay suotin. at may kapares pa itong black sandals na may 2 inches heels na mala crystal dahil transparent ito. Nasa apat na baitang na ako ng hagdanan namin ng mapansin ko agad ang mga frenny ko sa harap at may hawak na Banner na may naka sulat na " Happy Birthday Frenny Ronoel <3 <3 <3" ang sweet naman )': Nakita korin ang ilan sa mga kaklase ko na inimbitahan ko na taga rito lang din bago ako umuwi ng Cavite. Huling baitang na nang may mapansin akong familiar na mukha sa may malapit sa hagdan. Nang mapag tanto ko kung sino ang lalaking iyon ay nanlaki ang aking mga mata at na out of balance ako, kaya napapikit ak at hinintay na lamang ang pag lagapak ng aking mukha sa sahig. Narinig ko ang panic na sigawan ng mga tao sa paligid, pero sandali lang iyon at hindi ko din alam kung anong nangyare sapagkat naka pikit nga ang aking mga mata. Naramdaman ko na lamang na tumama ako sa matigas na hindi ko malaman kung ano, at napadilat ako ng aking mga mata ng may humawak sa aking bewang, nakita ko ang mga magulang ko pati narin ang mga bisita ko na talagang shock sila at yung iba ay parang kilig pa ang reaksyon. Ang pwesto ko ngayon ay naka yapos sa isang lalaki na ngayon ko nalang ulit nakita, at iyon ay walang iba kundi si Allan Cambay. Ang aking long time crush, na magpa hanggang ngayon ay hindi nawawala ang aking paghanga para sa kaniya. Narinig kong tumikhim ito kaya ako napabalik sa aking sarili, at saka nilingon ito na hindi ko namalayan na mali pala ang pwesto namin kaya pag harap ko sa kaniya ay sabay naman ding harap nito sa akin kaya magka lapit ang mukha namin at magka dikit ang mga tungki ng ilong. Gusto kong lumayo sa kaniya dahil nakaka ilang ang pwesto naming dalawa.... Subalit para itong may magnet at hirap akong alisin ang sarili ko sa kaniya, ang tingin naman nito sa akin na parang may bolta-boltaheng kuryente na ipinapasa sakin na nararamdaman ko hanggang sa kaibuturan ng aking katawan kaya pakiramdam ko ay nagtaasan ang aking mga balahibo sa katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD