Pagpasok ni Viz sa sala ng malaking bahay ay tumambad agad sa kanya ang pigura ng natutulog na asawa sa sofa. Nakaupo ito at nakahilig sa braso ng sofa ang ulo. Her skin looked pale in the dim light of the living room. Bakit ba hindi na lang umakyat sa kuwarto nila si Nessa?
Lumapit sa kanya ang kasambahay na marahil ay nagising nang marinig ang ugong ng sasakyan niya kanina sa labas ng bahay. “Sir, pinagluto po pala kayo ng pagkain ni Ma’am Nessa. Iinitin ko po ba?” tanong nito.
Muli siyang napasulyap sa asawa. Napabuntong-hininga siya. “Hindi na. Kumain naman na ako sa labas.” Nilampasan na niya ang kasambahay at akmang papanhik na ng hagdan. Subalit pahawak palang siya sa barandilya niyon nang ikuyom niya ang kamay at bumalik sa tapat ng sofa.
Nagtaka ang kasambahay at napatingala sa kanya. Nalito siguro ito kung bakit bigla siyang bumalik.
“Bakit dito natulog ang Ma’am mo?” tanong niya.
“Ah, ano, kanina ka pa kasi hinihintay na dumating ni Ma’am, Sir.”
“I didn’t ask her to wait for me,” tipid niyang sabi. Groaning, he bent down to scoop her up. His one hand was on her back and the other was under her thighs. Bago siya humakbang ay nilingon pa muna niya ang kasambahay na bahagya pang napaigtad. “Huwag na huwag mong babanggitin sa Ma’am mo na ako ang bumuhat sa kanya, maliwanag ba?” Hindi niya gustong mabigyan pa ng ibang kahulugan ni Nessa ang simpleng pagbuhat niyang iyon dito. Ayaw niyang bigyan ito ng maling pag-asa.
Napakamot sa ulo ang kasambahay. “Uhm, ano po ang sasabihin ko kapag nagtanong si Ma’am?”
“Sabihin mong nagpatulong ka sa ibang kasambahay.”
Tumango ito. “Sige po, Sir.”
Umakyat na siya ng hagdan at tahimik na dinala sa kuwarto ang asawa at ibinaba ito sa kama. Hindi man lang ito nagising. Matiim niyang minasdan ang mukha nito. Napakaamo. Napakaganda. Bahagya pang nakaawang ang mapupula nitong mga labi. At alam na alam niya kung gaano katamis ang mga labi nitong iyon, at kung gaano kasarap humalik at halikan.
Ipinilig niya ang ulo.
Pagkatapos niyang kumutan si Nessa ay lumabas na siya at tumungong home office niya. Hindi dahil may kailangan siyang tapusing trabaho kundi dahil ayaw niya lang makatabi ang asawa.
Bakit ba palagi itong gumagawa ng paraan para makuha nito ang atensyon niya? Hindi naman nito kailangang maghintay sa sala hanggang dumating siya, pero ginawa pa rin nito. And for what? To get his attention again?
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang imbestigador na kinontrata niya upang hanapin si Neza Gerudes. “Dale, ano na ang balita?” tanong niya nang sagutin ng kabilang linya ang tawag niya.
“Mr. Hezron, hindi pa po namin nahahanap si Ms. Gerudes.”
Mariing tumikom ang mga palad niya. “Bakit hirap na hirap naman yata kayong hanapin ang isang taong hindi naman tahasang nagtatago?” May bahid na ng pagsususpetsa sa timbre ng boses niya.
Saglit na hindi nakaimik ang nasa kabilang linya, bago ito humugot ng malalim na paghinga. “Gagawin ko po ang lahat para mahanap na si Ms. Gerudes.”
“How much longer do I have to wait before you find her?” Tinigasan na niya ang tinig para maipaabot kay Dale na seryoso siya sa layuning mahanap ang taong pinapatrabaho niya rito.
“Isang buwan.”
Napabuntong-hininga siya. “Alright, one month it is. Make sure you find her within the proposed time frame.” Pinutol na niya ang tawag at ibinaba na ang cellphone.
Si Neza ang gusto niyang pakasalan, ang ninais niyang maging asawa. Si Neza na apo ni Nana Nita. At pinaniwala siya ni Nessa na ito ang apo ni Nana Nita na sinadya niya sa Hospicio Custodio. She pretended to be ‘Neza.’ Acted like ‘Neza.’ Told her stories that only ‘Neza’ knew.
Hanggang sa araw ng kasal nila ay buong-buo ang paniniwala niyang ang apo ni Nana Nita ang pinakasalan niya.
He thought he married the right woman.
But in truth, he married a fake.
Nakita niya mismo sa mga gamit ni Nessa ang diary ni Neza Gerudes. Nabasa niyang lahat, at nalaman niyang si Nessa Gayla ay matalik na kaibigan ni Neza na nakilala ng huli sa bahay-ampunan. Nakaipit din sa mga pahina ng diary ang mga sulat na natanggap ni Neza mula sa lola nito. Lahat ng sulat naroroon.
Kaya pala ang dali lang para kay Nessa ang magpanggap.
Alam na alam nitong kung ano ang dapat gawin, dahil hawak nito ang lahat ng kailangan nitong malaman para makumbinsi siya sa makasarili nitong pagpapanggap.
“Hinding-hindi kita kayang patawarin, Nessa. You will only earn my forgiveness if we finally end our marriage and you become my ex-wife.”
_____
NAPAUNGOL si Nessa at mula sa patihayang pagkakahiga ay gumulong siya patagilid. Bahagya nang nagising ang kamalayan niya. Kahit nakapikit ay kumunot pa rin ang noo niya nang makapa ng kamay niya ang malambot na kubrekama. Iminulat niya ang mga mata at nagtaka kung bakit nasa kama na siya.
Sino’ng nagdala sa kanya d’un? Ang alam niya ay nasa sala siya kanina at nakatulog na sa sofa.
Tinignan niya ang bahagi ng kamang inookupa ni Viz. Bakante iyon.
Wala sa tabi niya ang asawa. Hindi pa rin ba ito umuuwi?
Bumangon siya at isinuot ang roba saka lumabas ng kuwarto. Bukas ang ilaw sa home office ni Viz at hindi tuwirang nailapat pasara ang pinto at naiwang may maliit na awang.
Nakahinga siya nang maluwag sa isiping dumating naman na pala ito.
Lumapit siya sa pinto, isinandal ang likod sa pader katabi niyon. Papasok sana siya upang tanungin ang asawa kung gusto nitong magkape. Subalit narinig niyang may kausap ito sa telepono.
“How much longer do I have to wait before you find her?”
Nanigas si Nessa nang marinig ang boses ng asawa.
Bumuntong-hininga ito. “Alright, one month it is. Make sure you find her within the proposed time frame.”
Natutop ni Nessa ang tapat ng dibdib. Isang buwan? Sinabi ng imbestigador na mahahanap nito si Neza sa loob ng isang buwan? Gumapang ang nakakasukang lamig mula sa kanyang talampakan paakyat sa kanyang tiyan at gulugod. Pakiwari niya ay nahilo siyang bigla.
Ang lakas ng pagkabog ng dibdib niya, kasabay ng pagkabog na iyon ay ang panginginig ng mga kamay niya.
Binalot na ng nakabibinging katahimikan ang kabuuan ng home office ni Viz. Hindi na lang siya papasok sa loob ng silid na iyon. Baka maiyak pa siya kapag nakaharap niya ang asawa.
Tumalikod na siya at akmang hahakbang na pabalik ng kuwarto nang biglang may sinambit si Viz na malinaw na nakarating sa tainga niya.
“Hinding-hindi kita kayang patawarin, Nessa. You will only earn my forgiveness if we finally end our marriage and you become my ex-wife.”
Bumagsak ang mga balikat niya at gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Mahapding-mahapdi na rin ang kanyang lalamunan sa pagpipigil na baka dumulas palabas ng mga labi niya ang matalas na hikbi. Ayaw niyang malaman ng asawa na narinig niya ang mga sinabi nito.
An ex-wife...
Her husband wanted to end their marriage so bad.
He wanted her to be his ex-wife.
Wala talaga itong intensyong totohanin na lang ang pagsasama nila. Ayaw nito sa kanya. Gustung-gusto na nitong makalaya.
Bumalik na siya sa loob ng kuwarto nila at nagkulong sa banyo. Hinayaan niyang nakabukas ang shower para hindi nito marinig ang pag-iyak niya, at ang tanging maririnig lang nito ay ang lagaslas ng tubig.
Mahal na mahal niya si Viz.
Kaya niyang ibigay dito ang lahat-lahat sa kanya.
Pero akala ba nito ay hindi siya nakakaramdam ng pagod? Napapagod din naman siya. Akala ba nito ay hindi siya marunong masaktan? Nasasaktan din siya. Wala siyang magandang dahilan kung bakit nagpanggap siyang si 'Neza' maliban sa katotohanang sa mga kuwento palang ng matalik na kaibigan ay humanga na siya sa lalaki.
Nang makita niya ito ay umigting lalo ang paghanga niya kay Viz. Nanaig ang kasakiman. Gusto niyang angkinin ang lalaki. Gusto niyang mapasa-kanya ito.
Nang pumuntang Hospicio Custodio si Viz ay hustong naroroon siya. Nang mga panahong iyon ay hindi na rin niya alam kung nasaan si Neza, ang kanyang matalik na kaibigan. Bigla na lamang itong naglaho at wala itong dinala ni isang gamit. Matagal na silang umalis ni Neza sa bahay-ampunan at nagdesisyong kumuha ng apartment na marerentahan. Kaya nang bigla itong naglaho ay wala siyang ibang maisip puntahan kundi ang Hospicio. Nagbabakasakali siyang tutungo roon ang kaibigan. Pero bigo siyang mahanap ito. Hanggang sa imbes na si Neza ay si Viz ang natagpuan niya.
Isang buwan. Ang sabi ng imbestigador ay mahahanap na nito si Neza sa loob ng isang buwan. Kilala niya si Dale. Alam niyang ito ang imbestigador na kinontrata ng asawa upang tutukan ang paghahanap kay Neza. Nakipagkita na siya noon kay Dale. Binayaran niya ito para lang bagalan nito ang paghahanap.
Ang perang ibinibigay sa kanya ng asawa para sa pansarili niyang pangangailangan ay tinatago niya at idinideposito lang sa bangko. Hindi naman kasi siya maluho at wala rin siyang gustong bilhin. Sapat na sa kanya ang mga mumurahing gamit. Kaya malaki ang naitatabi niyang pera. Iyon ang ipinambayad niya sa imbestigador.
Pero mukhang wala na siyang magagawa ngayon para hadlangan ang paghahanap kay Neza. Nakakahalata na si Viz. Nagtataka na siguro ito sa mabagal na pag-usad ng trabahong pinapagawa nito kay Dale.
Isang buwan.
Kumirot na naman ang dibdib niya.
Isang buwan na lang.
Handa na ba siya?
Handa na ba siyang pakawalan si Viz?
Mariin niyang nakagat ang ibabang labi hanggang sa nalasahan na niya ang dugo. Nasugat na pala ang labi niya. Pero wala siyang maramdamang sakit, dahil mas mahapdi ang iniindang sugat ng puso niya.