Habang nakikipaglaro sa mga bata sa bahay-ampunan ay hindi maiwasan ni Nessa ang bigla na lamang mapatulala. Kagabi ay nakatulog siyang yakap ang sariling mga tuhod, habang nakahiga patagilid sa kama at tahimik na lumuluha. Paulit-ulit sa gunita niya ang mga nangyari nang araw na iyon. She was so happy when her husband ate the food that she cooked for him. Akala niya ay tuluy-tuloy na ang sayang iyon. Pero bigla nitong sinambit ang tungkol sa kagustuhan nitong tapusin na ang kanilang pagsasama. Masakit iyon. Napakasakit. “Nessa?” Marahang pagyugyog sa mga balikat niya ang nagpabalik sa naglayag niyang diwa. Napatutok ang mga mata niya kay Melissa na nakatayo sa kanyang harapan, nagtataka. “Hoy, okay ka lang ba? Parang ang layo na ng nilipad ng utak mo. May problema ka ba?” tanong nito,

