Chapter 6

1587 Words
Dali-daling lumapit ang ina niya sa binata at tinanong ito kung anong nangyayari dito. Ganoon na lamang ang kabang naramdaman niya ng tiningnan siya ng kanyang inang may galit at panlilisik na mga mata. Habang ang kinaiinisan niyang bisita ay panay ngisi ang ginagawa sa tuwing tinitinangnan siya nito. Ngunit kung ang ina niya ang tumingin dito panay daing nito kung saan at ano ang iniinda nitong sakit sa ginawa niya. Maya-maya humakbang palapit ang ina niya sa kanya habang nagsasalita sa galit na tuno. “ Ano na naman ang ginawa mong bata ka? Hindi ka namin hinayaan na maging kawani ng ating gobyerno para mang-alipusta ng ating kapwa tao. Manang mana ka talaga sa ama mo. “Paano ako nasali diyan? Kakababa ko lang mula sa ating silid Nadia.” Sabat sa usapan ng ama niyang kakababa lang talaga sa hagdan mula sa pangalawang palapag ng kanilang tahanan. “ Itong anak mo hindi ko maarok lumingon lang ako saglit napadaing na sa sakit itong pamangkin ng kaibigan mo. “ Nakita mo bang sinaktan niya? Baka mamaya niyan nagtuksuhan lang ang dalawa, tulad noong kabataan pa nila. Napailing ang Ginang, sa tanong ng asawa. Lihim na napangiti ang dalaga ng makita ang pag iling ng ina niya. Abot langit rin ang pasasalamat niya ng dumating ang kanyang ama, bago tuluyang makalapit ang ilaw ng kanilang tahanan para pingutin siya. Tama po kayo nang narinig ,dati nang magkakilala ang mga ito. Ngunit hindi bilang magkalapit na magkaibigan dahil ang turingan ng mga ito dati ay magkalaban sa lahat ng bagay noong kabataan nila. Nagkikita sila noon sa pamagitan ni Colonel Gaspar, dahil palaging kasama ng Colonel ang binatang ito noong kabataan pa nito. Isang araw nang bumisita muli sa kanilang tahanan ang kaibigan ng ama niya, hindi na kasama ang batang kaaway niya. Hanggang dumating ang araw na muli silang pinagtagpo ng tadhana sa pamagitan parin ng tiyuhin nito na siyang Colonel niya naman sa trabahong pinasok. “ Hijo, napasugod ka yata sa aming tahanan? Kamusta nga pala ang tito Gaspar mo? Wala ba itong kinukuwento saiyo kung gaano kagaling o kapasaway ang anak ko sa trabaho?” tanong ng ama niya sa binata. “ Actually sir, I came because I was hoping to convince and talk to your daugther calmly. But when she saw me, she want to kick me out of your home..” sumbong nito sa ama ng dalaga. “Oh really? I apologize for my daugther behavior. Maybe she didn’t break your bones right? “ May pag-aalala tanong ng ama niya sa binatang bilyonaryo.” bago inutusan si Cassandra, na ipagtimpla sila ng kape. Nang marinig ni Nasher, ang tanong ng makisig na Ginoo sa kanya, mabilis siyang nagpakawala ng isang ngiti. Nagbakasakaling sa pamagitan sa ngiti niya masagot niya ang katanungan ng ama ng dalagang isinadya sa tahanan na ito. Niyaya din siya ng Ginoong,pumunta sa hindi kalawakang harde tulad ng harden niya sa kanyang tahanan. “ Alam mo hijo, mabait ang anak kong yan. Kung ano man ang sinadya mo sa kanya ako na ang bahalang kumumbinsi dito. Nang marinig niya ang sinabi ng makisig na Ginoo, mariin niya sana itong hindi sang-ayunan. Ngunit bigla siyang nakarinig na mahinang pagsalita mula dito. “ Hwag ka nang tumutol sa nais ko Mr . Fabillion, alam ko kung ano ang isinadya mo sa anak ko. Gusto pa sana niyang magmaang- maangan sa mga sinabi ng Ginoo ngunit hindi na niya nagawa dahil muling nagsalita ito. “Dont be shy to tell me Mr. Fabillion, your uncle and I are like brothers. Beside, even if you don’t say it , I know what you came here for, I just want to hear from you. Tumingin siya sa mga mata ng kausap niya at tumugon ng walang alinlangan. “I don’t want her to think that I am using your friendship with my uncle to get her to agree to what I want. My uncle has a lot of trust in your daugther to protect me. That’s why I came here to persuade her. Napahalakhak ng malakas ang Ginoong, kausap niya ng marinig ang mga sinabi niya dito. Hindi siya nagalit o nainis sahalip nabuhayan siya ng hiya, kahit sino naman matatawa talaga kung marinig ang mga sinabi niya. Tinanong rin siya ng Ginoo, tungkol sa mga bulaklak na naabutan niya sa kanila salas. “ Dont tell me youngman even the flowers I saw in our living room are also from you? Gusto man niyang itanggi ito subalit pinili na lang niyang tumango. Nahihiya siyang napakamot ng batok niya ng tumingin ang ginoo sa kanya habang nakangiting napapailing. “ Sirbisyo lang naman siguro ng anak ko ang nais mong makuha sa kanya hindi ba? Muli siyang tumago sa kanyang kausap kahit nahihiya. “ Pero bakit ang paraan ng panunuyo mo tulad ng paraan ng mga lalaking nais mapa-ibig ang anak ko? “I’m sorry sir, I don’t know how the right way is. The truth is I have searched on google several time, but I can’t find a good answer.” napapakamot niyang tugon. “Ako na ang bahalang mapapayag siya, dalawalang linggo makukuha mo ang pasyang hinihintay mo mula sa anak ko. Sa kalagitnaan ng kanilang pag uusap na tanaw nila ang dalagang pinag uusapan na may dalang dalawang tasa ng kape palapit sa kanilang kinaroroona. Gusto pa sanang tumawa ng Ginoong, kausap niya subalit pinili yatang pigilan ang pagtawa ng ama ng dalaga, dahil tanaw nila parehong ilang hakbang na lang nasa harapan na nila ito. “ Thank you my princess.” Pasasalamat ng ama nito sa kanya. “Your welcome dad. Ngunit ang binatang bilyonaryo ay hindi siya pinasalamatan nito, binalingan niya ito ng tingin at kunot noo niyang tinitigan ito ng mata sa mata. Sahalip pasalamatan siya nito tulad ng inaasahan niyang mangyari, subalit binigo siya nito. Dahil sinalubong ng binata ang matapang niyang tingin at tinanong siya nito. “Did I do something wrong? “ Nothing! “ It means you don’t have enough reason to look at me like that? “ Kahit wala ka pang ginawang mali, may napupuna na akong mali sa kilos mo. “You judge me too much. Gusto ko sanang dibdibin ang mga sinabi mo sa akin subalit pinili kong unawaan na lang. Kaya ka siguro nagkakaganyan dahil nagagwapuhan ka sa akin? Am I right?’” tanong niya sa dalaga bago nagpakawala ng isang nakakaakit na ngiti na may kasama pang pagkindat. “I think you admire yourself too much. Nakakahiyang mang sbihin saiyo ito pero sasabihin ko na rin. Alam mo ba kung tutuosin makisig pa ang daddy ko saiyo noong kabataan nito,” may himig pagmamalaki na turan niya. Napatikhim ang ama niya, nang marinig ang kanyang mga sinabi. Nagpakita rang Ginoo, ng isang matikas na upo habang umihigop ng mainit na kape. “Alam n’yo kayong dalawa hindi na kayo mga bata. Kaya sana itigil n’yo na ang bangayan n’yong walang kuwenta. Mamaya niyan magulat na lang kami ng kaibigan kong si Gaspar na magkasintahan na pala kayo. Sige na anak maligo kana at mag ayos ng sarili mo nang makapasok ka na sa trabaho mo. At kung maari sumabay ka na sa pamangkin ng kaibigan ko dahil tutungo rin ito doon,”saad ng ama niya bago binalingan ang binatang tinutukoy.” Hindi ba’t pinapapunta ka ng iyong tito Gaspar sa opisina nito? Hindi pa nakatugon si Nasher, sa tanong ng ama ng dalaga sa kanya, nang muling nagsalita ito. “Tamang tama sabay na kayo ng anak kong pumaroon.” sabay kindat sa binata Napilitang tumango ang bilyonaryong panauhin, sa kausap, batid niyang malaki ang maitulong ng Ginoo, para mapapayag niya ang magandang officer sa serbisyo nito. Kaya kaysa tanggihan niya ang magandang alok ng haligi ng pamilyang Romasanta, nagpasaya siyang tanggapin ito ng bukal sa loob at may kagalakan sa kanyang dibdib. Bahagya siyang nanahimik ng ilang segundo ,dahil hinintay niyang magsalita ang dalaga, upang tutolan ang suggestion ng ama nito. Ngunit ilang segundo ang lumipas wala siyang narinig na pagtutol mula dito. Na siyang pinasalamatan niya sa diyos ng palihim. Lumipas ang dalawang linggo. Sumapit ang huling araw sa linggong pinangako ng haligi ng tahanan ng Pamilyang Romasanta sa kanya. Sabik siyang naghintay ng tawag mula sa tiyuhin na Colonel ,paroo’t at parito na rin ang ginagawa niya sa loob ng kanyang pribadong silid. Sumagi rin sa isipan niyang siya na lang ang tumawag, dahil maaring naging masyadong abala sa ginagampanang trabaho ang unle niya kaya hindi siya magawang matawagan nito. Sa loob loob niya lulubog na lang si haring araw sa kalangitan, wala parin siyang natatanggap na tawag alin man sa dalawang Ginoong hinihintay niya. Dahil sa labis na inip nanararamdaman nagpasya siyang lumabas sa silid niya at tinungo ang lagayan ng koleksyon ng mamahaling mga alak niya . Habang pumipili siya ng alak na maaring inumin tumunog ang kanyang telepono, kaya dali-dali niyang kinuha ito sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita niyang sekretarya niya ang nasa kabilang linya wala niyang kagana-ganang ibinalik sa bulsa niya ang kanyang telopono. Ilang minuto pa ang lumipas nakapili na nga siya ng alak na iinumin maingat niya itong kinuha at dinala sa balcony ng kanyang tahanan. Naka ilang tungga na siya ng alak nang muling tumunog ang telepono sa bulsa niya. Subalit hinayaan niya itong mag-ingay dahil inakala niyang sekretarya niya parin ito. Nang hindi na niya matiim ang ingay ng bagay na iyon padabog niya itong kinuha at galit na sinagot ang taong nasa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD