Chapter 5

1698 Words
Magdidilim na ng magising ako dahil sa pagtapik ni Lazarous, sinabi nito na oras na ng hapunan at tinatawag na kami ng professor. nagkukusot pa ako ng mata ng mapatingin ako kay Lazarous na nag-aabang sa labas ng tent, nakasuot lang ito ng jogging pants na black at simpleng white t-shirt. Isinuot nito ang ulo sa tent at tinitigan ako. " Get up now." sabi nito sa malumanay na tono. Tumango ako at inayos muna ang pinaghigaan bago dahan-dahan lumabas ng tent habang nakaalalay ito sa akin. Sa mahabang lamesa makikita ang mga kasamahan namin na nakaharap sa pagkain na nakalagay sa dahon ng saging, pahaba ito at maraming uri ng putahe ang nakalatag kasama ang kanin na nakahilera ng pahaba. Iginaya ako ni Lazarous sa bakanteng upuan sa tabi ni Gen saka ito naupo sa kabila ko. Tinignan ko pa si Gen na nakangiti sa akin na parang aso habang tinuturo si Lazarous na kasalukuyan akong hinihimayan ng hipon. Nahihiya ko itong tinanggap at na-umpisa ng kumain dahil meron nalang kaming 30 minuto bago magsimula ang pa-unang activity. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ng organizer at naisipan nitong magpa-activity sa gabi, pero wala kaming choice kundi ang sumunod nalang. Kaharap ko si Tom na maganang kumakain, napatingin ito sa akin at saglit akong nginitian bago bumalik sa paglamon. Kinabahan ako sa naiisip ko na nalalapit na ang mangyayari sakanya pero hindi hindi ko alam ang eksaktong lugar at oras ng pangyayarihan. "Stop worrying, eat your food first." said by Lazarous. Tinignan ko ito ng nagtataka dahil parang may alam sya kung ano ang iniisip ko, pero nagpatuloy lang ito sa pagkain kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. Pagkatapos kumain ay umupo lang kami sa tapat ng kanya-kanya naming tent, ang mga lalaki ay umalis para mag-hanap ng mga kahoy na pwede naming ipansiga para sa magaganap na bonfire mamaya. Sabi ng proffessor namin yun ang magiging activity namin, but I don't know exactly what kind of activity she was talking about. Hindi ko rin mahagilap sila Gen, siguro sinusundan parin ng mga ito sila Tom. Si Lazarous naman ay hindi ko rin mahagilap, pagkatapos kasi ako nitong bigyan ng mainit na tsokolate, sinabihan ako nito na wag aalis sa pwesto ko, which I surprisingly followed. Dinama ko ang mainit na tsokolate na humagod sa lalamunan ko at napatingin sa kalangitan na may mumunting mga bituin. Ang ganda...sana ganito din yung buhay ko, payapa ang maging normal. Napangiti nalamang ako sa sarili dahil alam ko sa sarili ko na hinding-hindi nayun mangyayari. Ilang sandali pa ng bumalik si Gen na may bakas ng pagkabalisa sa mukha nito, kasunod n'ya sina Stacey na parehas n'ya ay balisa din. Nang makita ako nito ay agad ako nitong hinatak patayo at hinawakan sa balikat. " Serene sorry hindi ko namalayan na nawawala na si Tom, umuhi kasi ako sandali eh!" sabi nito at ginulo ang magulo na nitong buhok. "Kami din Serene, Nagtatalo kasi kami ni Stacey kaya hindi namin namalayan na wala na pala yung sinusundan namin." sabi ni Jenny habang kagat-kagat ang ibabang labi niya. Kinabahan naman ako sa mga sinabi ng mga ito at hindi na nagdalawang isip na itabi ang iniinom kong tsokolate at tumakbo na papasok sa loob ng kagubatan. Tinawag pa ako ng mga ito pero wala na akong pakialam, ang alam ko lang ay bawat minuto ay mahalaga bago pa kami mahuli. Hindi ko namalayan ang pagpasok ko sa mas liblib na lugar. Matataas na ang mga puno dito at masyado ng madilim ang tanging nagbibigay nalang ng liwanag dito ay ang buwan. Maririnig narin ang mga kuliglig at kahit natatakot na ako sa mga posibilidad na naiisip ko ay minabuti ko parin na magpatuloy. Paminsan-minsan pa ay malakas kong tinatawag ang pangalan ni Tom pero bumabalik lang ang boses ko, dahilan upang mas lalo akong kabahan, hindi ko narin alam kung ilang oras na akong tumatakbo sa madilim na kagubatan, pakiramdam ko ay walang katapusan kadiliman ito na nakapag-padagdag ng kaba sakin. Sisigaw pa sana ako ng sa hindi kalayuan ay narinig ako na mga paghampas ng kahoy, sinundan ko ang tunog at dinala ako nito sa nag-iisang kweba sa liblib. At kahit madilim at wala akong maaninag ay nag-lakas loob akong pasukin ito. Pagkapasok sa loob may mumunting ilaw ka na makikita sa dulong bahagi na gawa ng torch. At mula dito sa kinatatayuan ko rinig ko ang halakhak ang tunog ng paghampas ng kahoy. Dahan-dahan akong lumapit at doon ko lang narinig ang mahihinang daing ng isang lalaki, nang matapatan ito ng liwanag na nagmumula sa torch na hawak ng isang babae, doon ko nakita ang kalunos-lunos na sinapit ni Tom. Halos hindi na ito makilala dahil sa dugo at sugat na sa kanyang mukha, halatang hinang-hina narin ito. Nanlalaki ang mga mata ko ng hahampas na ito ng lalaki, kaya hindi na ako nakapag-isip at kaagad na sinugod ang lalaki. Sinipa ko ito sa t'yan kaya nabitawan nito ang ipanghahampas sana kay Tom. Gulat silang napatingin sa akin kabilang na doon yung babaeng boses ipis at si Tom, kahit hirap na itong dumilat. Saglit na napatanga sa akin yung lalaki bago dahan-dahan tumayo bago nakangisi, pero hindi nito maitatago ang sakit ng pagkakasipa ko sa tagiliran nya. "Is this your new toy tom? I can say na marunong ka naman palang pumili, She's pretty by the way." sabi nito habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Kinilabutan naman ako sa klase ng tingin na binibigay nito sa akin. *sshole!. Nang tignan ko naman ang kasama nitong babae ay masama ang tingin nito sa akin habang naka-ismid. " Wag mo na siyang idamay dito David. Sakin ka lang may galit diba?" sabi ni Tom kahit hinang-hina na ito. Nag-aalala ko itong tinignan pero napabaling ulit ang tingin ko sa tinatawag niyang David ng humalakhak ito ng malakas. "Who is she? your bed warmer?" sabi nito habang nakangisi akong tinitignan. Malamig ko lamang itong tinignan at hindi kumibo. Agad na nawala ang ngisi nito ng hindi tumalab sakin ang panlalait niya. "Too bad masyado s'yang pakielamera, mas maganda sigurong tikman ko s'ya bago isama sayo sa hukay." sabi nito at bigla nalang sumugod sakin. Hindi ko inaasahan ang pag-atake nito kaya tinamaan ako sa tiyan. Ang sakit! pakiramdam ko lalabas lahat ng kinain ko sa sobrang sakit, mukhang nasiyahan ito sa nasaksihan at agad na sumugod sa akin. Ininda ko nalang ang hapdi na nararamdaman ko at inilagan ang mga suntok na ibinabato n'ya. Nang makakita ng pagkakataon, agad ko itong sinapak sa kaliwang pisngi na nagpaatras dito ng ilang hakbang. " Malakas ka para sa isang babae, pero mas lalo mo lang akong binibigyan ng dahilan para tikman ka." sabi nito habang nagpupunas ng dugo sa gilid ng labi. Simaan ko ito ng tingin at ako na ang unang sumugod dito. Suntok at sipa yan ang paulit-ulit naming ginagawa at aaminin kong unti-unti na akong napapagod dito. Pero sya patuloy na nakangisi. " Malakas ka nga pero babae ka parin, hindi hamak na mas lamang lakas naming mga lalaki kaysa sa inyo." sabi nito at malakas akong sinapak sa pisngi kaya napasalampak ako sa kanang bahagi ng pader nang kweba. Ramdam ko rin ang pagkahilo dahil sa pagkauntog ng noo ko sa nakausiling bato sa pader. Pero ininda ko ito at handa na sanang sugurin s'ya ulit ng may malakas na humampas sa ulo ko dahilan upang tuluyan na ako matumba sa lupa. Nakita ko pa si ipis girl na hawak ang kahoy na pinanghampas sa akin. nanlalabo ko silang tinignan ng lumapit sa akin si David at pinagsisipa ako sa t'yan. wala akong magawa kundi ang humilata lang na parang gulay dahil sa panghihina. Lumapit si David sa akin at hinawi ang buhok ko na nakatabig sa mukha ko. " you're really pretty, binigyan mo ako ng dahilan para maging masaya ngayon."Malakas ito humalahak dahil sa bulong nito sa akin. Pero hindi ako kumibo dahil bigla nalang umikot ang paningin ko, at alam ko na kung ano ang susunod na mangyayari dahil unti-unti ng nawawala ang boses nito. Napunta na naman ako sa hinaharap dahil sa narinig ko ang paghinga nya. Hindi ko man lang naramdaman na natanggal na ang suot kong headset. Pagmulat ng mga mata ko nakita ko na nasa loob parin ako ng kweba kasama yung David at sila Tom, ang kaibahan lang nakikita ko ang sarili ko na nakahiga sa sahig at pawalan na ng malay at si David na patuloy akong hinahaplos ang mukha. Tatanggalin n'ya na sana ang butones ng damit ko ng may biglang dumating at ang pagkasa nito ng baril. " Lay a finger on her again, I'll make sure that your brainless head will scattered here." sabi ni Lazarous sa malamig na boses. Tignan din nito si ipis girl kaya naman dahan-dahan itong napaatras sa takot. "At sino ka naman para katakutan ko?" sabi pa ulit ni David pero malamig n'ya lang itong tinignan at walang pag-aalinlangan na binaril sa ulo, napakislot ako sa malakas na tunog ng baril at kitang-kita ko kung paano tumalsik ang utak ni David, nagsimula naring humingi ng tawad yung babae para hindi siya patayin pero hindi ito pinansin ni Lazarous at agad lumapit sa katawan ko. Doon ko rin nakita ang mga kasama nitong tauhan na akay-akay si Tom. Nabalik ako sa kasalukuyan ng sinampal ako ni David ng malakas. "Ano?suko kana? hindi kapa pwedeng mamatay hangga't hindi mo ako pinapaligaya." sabi nito, at gaya ng nakita ko sa hinaharap ay dahan-dahan nitong binubuksan ang butones ng damit ko. Pero hinawakan ko ito ng mahigpit sa kamay at tinitigan sa mata. "You will die." sabi ko dito sa naghihing boses pero tinawanan lang ako nito at winaksi ang kamay ko. Pero hindi natuloy ng dumating si Lazarous. Bago pa nito gawin ang nakita ko sa hinaharap ay umiling na ako dito at tinawag ang pangalan nya. Agad itong lumaput sa akin at wlang awang binugbog si David bago ako binuhat. " I'm sorry...I'am late again." sabi nito sa malungkot na tono, pero nginitian ko lamang ito at isinandal ang ulo sa dibdib nya at pinapakinggan ang mabilis na pagtibok ng puso nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD