Mataas ang lagnat ni Ian. Kaya pala wala siyang ganang kumain nung umaga. Kung mas pinagtuunan ko siya nang pansin hindi ko na sana siya pinasok pa.
"Mama." Matamlay na tawag sa akin ni Ian. Namumula ang mukha niya at malamlam ang mga mata niya.
"Pasensya ka na, hindi ko mababantayan si Ian ngayong may lagnat siya. Baka kasi mahawa ang ibang mga bata." Abiso ng teacher niya.
"Naiintindihan ko. Salamat sa pag-alaga sa kanya."
Binuhat ko si Ian at isinukbit ang bag niya sa balikat ko. Tangging bike na may bangkinitong pang-angkas ang gamit namin bilang transportasyon. Mainam iyon para sa akin dahil exercise na, wala pang masyadong gastos. Alam kong hindi na gaanong komportable si Ian dahil kinalakihan na niya ang bangkinito at may mga araw na pati ang bata, tinitiis ang mainit na araw at malakas na ulan.
Gusto ko siyang bigyan ng mas magandang buhay. Kahit tatlo o apat na trabaho gagawin ko para sa kanya.
Malayo ang ospital mula sa child care. Hindi puwedeng sumakay si Ian sa bike nang ganoon katagal. Iiwan ko nalang muna ang bike sa restaurant at magta-taxi nalang kami papuntang ospital. Masyado nang malalim ang gabi para makahanap ng bukas na clinic na malapit sa amin.
Dinampi ko ang kamay ko sa noo ni Ian. Mainit na mainit na siya at mukhang matatagalan bago siya gumaling nang lubusan. Paano ko siya mababantayan kung kailangan kong pumasok sa trabaho bukas? Hindi ako puwedeng mag-absent. Hindi kaya ni Kuya Eddie mag-isa bukas.
Simula nang maghiwalay kami ng papa ni Ian ay wala na ring sumuporta sa akin sa side ng pamilya ko. Lumayo na rin kami sa kanila dahil ayokong kalakihan ni Ian ang magulong pamilya meron kami. Marami akong kakilala sa lugar namin pero wala akong maisip na maaasahan ko sa pag-alaga sa anak kong may sakit. Ano ng gagawin ko?
Tinignan ko si Ian. Siya lang talaga ang dahilan kung bakit ako nagsisikap mabuhay. Hindi ko siya puwedeng pabayaan nalang.
Isinakay ko siya sa bangkinito. "Humawak kang mabuti, Anak. Kaya mo ba?" Tumango siya kahit pa kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya. Sobrang sakit na makita na nagkakaganoon ang anak ko pero hindi ko dapat ipakita sa kanya na nahihirapan ako. Nilunok ko ang sakit na nararamdaman saka pinilit ngumiti. Tumalikod ako para punasan ang mga luha na pilit tumutulo kahit pigilan ko pa.
Nagulat nalang ako nang gumalaw ang bike na para bang may kumuha kay Ian. Pagtingin ko ay si buhat-buhat na ni Eugene ang bata.
"Sumama kayo sa akin. May kakilala akong makakatulong sa atin." Walang paalam ay naglakad si Eugene habang buhat ang anak kong nagtataka sa nangyayari. Sa sobrang tamlay ay hindi man lang niya magawang umiyak nang buhatin siya nang hindi kakilala.
"Eugene, sandali lang. Saan mo dadalhin ang anak ko?" Nilakad ko nalang at bike saka ko sila hinabol. Sandali siyang tumingin para tignan ako. Matalim ang mga mata niya nang tumitig siya sa akin. Sa tingin ko ay nag-aalala siya para sa anak ko.
"Huwag ka ng tumanggi. Nandito ako para tumulong sa inyo."
Pumasok kami sa isang condominium na hindi kalayuan sa child care. Hindi ko pa rin siya makausap nang maayos dahil ilang beses siyang tumatawag sa cellphone niya at laging may kausap. Sinigurado ko nalang na hindi matatakot si Ian sa nangyayari. Hawak kamay ko siyang sinamahan habang buhat siya ni Eugene.
"Hindi kita mabasa, Eugene. I owe you big time and this is just how you made me pay. This is too easy, man."
Kakatapos lang tignan ng doktor si Ian na siyang pinuntahan namin sa condominium na iyon. Mukhang matagal nang kilala ni Eugene ang doktor.
"Masarap makatulong, Doc. Lalo na kung si Ivy ang tinutulungan ko."
Tumingin ang doktor sa kanya na para bang may nalalaman sa iniisip ni Eugene. "Well, then thank you. Uminom tayo kapag hindi ka na busy." Tumayo ang doktor saka nakipag-hand shake kay Eugene.
"Here is the medicine. Mabuti nalang at may stocks ako nito sa bahay. Inumin mo ang gamot mo ah, para agad kang gumaling." Hindi na nakasagot si Ian na mukhang tinatablan na ng gamot na itinurok sa kanya pagdating namin.
Buhat ko si Ian habang si Eugene naman ang humawak sa bike. Sa dalas ng pagbisita niya sa restaurant parang matagal ko na rin siyang kakilala. Hindi na ako ilang sa kanya.
"Salamat sa tulong, Eugene."
"Walang anuman. Masaya akong nakatulong ako sa inyo ng anak mo." Bahagya siyang ngumiti habang nakatingin kay Ian.
"Siguro naman na-turn off ka na sa akin nito ngayon alam mo ng may anak na ako." That usually happens. Advantage pa nga iyon para sa akin. Ayokong makipagrelasyon.
"Everyone keeps something in the shadows, Ivy."
He is right.
"Sorry nga pala, naistorbo pa kita sa problema ko pero salamat talaga."
"No problem. Ginusto kong tumulong. Nga pala, malayo pa ba ang bahay n`yo rito? Delikado kung isasakay mo siya sa bike nang tulog siya." Kanina ko pa iniisip kung paano kami makakauwi. Balak ko sanang lumakad hanggang restaurant para iwan doon ang bike saka kami magta-taxi pauwi.
"Magpapasundo ba kayo sa tatay niya?"
Sinadya kong tumahimik sandali. Iniisip ko kung tama pa bang sagutin ko ang tanong niya. Hindi ako yung tipo ng tao na open tungkol sa nakaraan ko. Some people assumed it was my fault for not fighting for my family. Kaya nahihiya ako sa pagiging single mom ko.
"W-wala na kami ng Papa niya."
Tumango-tango siya saka ulit nagsalita. "May trabaho ka bukas `di ba? May pamilya ka bang mapupuntahan para magbantay sa kanya?" Umiling ako.
"Magpapabalik-balik nalang ako bukas sa bahay at trabaho. Kaya ko naman `yon atsaka makikiusap nalang ako kay Kuya Eddie."
Pero imbes na makinig ay kinuha ni Eugene ang kamay ko at bahagyang hinila para sumunod sa kanya.
"Come with me." Hawak niya ang kamay ko at hawak din niya ang bike ko. Natural na susunod ako sa kanya.
"Sa akin na muna kayo tumuloy. Malapit lang ang bahay ko sa trabaho mo at malapit din sa clinic." Hindi man lang tumigil sa paglalakad si Eugene sa eksaktong daang papuntang restaurant para maayos na hingin ang permiso ko.
"Teka lang! Hayaan mo muna kaya akong mag-isip." Natigil si Eugene dahil sa pagtaas ko ng boses.
"Malinis ang intensyon kong tumulong sa inyo. Mas makakabuti rin kung malapit ka sa kanya. Magiging madali ang paggaling niya kapag ganoon."
Lagpas alas-dose na at naramdaman ko na ang bigat ng katawan ko. May punto naman lahat ng sinabi ni Eugene. Pero ganun-ganun nalang ba ako magtitiwala sa kanya?
"Kahit hanggang bukas lang," sabi niya.
Nilunok ko ang takot na nararamdaman at nagtiwala ako sa kanya. Hindi ko man siya lubusang kilala, kahit pa paano ay may pinagsamahan naman kami kahit dahil lang sa customer ko siya.
"Dito na kayo matulog dalawa. Kung may kailangan ka mang kunin sa inyo ay ipagpabukas mo na." Inilatag ni Eugene ang kutson kung saan ko hiniga si Ian.
"Talaga pa lang sa tapat ka ng restaurant nakatira." Dumungaw ako sa bintana at agad kong nakita ang restaurant.
Ngumiti si Eugene. "Ibibigay ko sa `yo yung spare key para mapuntahan mo Ian agad. Gamitin mo lahat ng kakailanganin mo sa kusina at banyo."
"S-salamat talaga, Eugene. Ang laking tulong ng ginagawa mo para sa amin ng anak ko."
"This is in favor of me too. Nakakasama kita nang mas matagal." He smiled sweetly before closing the room door.
Nilapat ko ang kamay ko sa noo ni Ian. Bumababa na ang lagnat niya. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko kasabay ang pagod na bigla nalang bumuhos sa katawan ko. Humiga ako sa tabi ni Ian.
Paano ko ba aayusin ang para bukas? Ngayon ko lang lubusang nakita na naayos lahat ni Eugene ang gulong dapat sana ay mangyayari.
He saved me.
"Ivy, kung gusto mong magpalit ng damit meron--"
Narinig ko siya pero sobrang bigat na ng katawan ko at hindi ko na magawang sumagot pa.
"Sasakit ang likod mo kung sa sahig ka matutulog."
Ilang saglit lang ay naramdaman kong marahan niya akong binubuhat para ihiga sa kama.
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa cellphone ko. Mabuti nalang pala at hindi ko na iyon inalis kahit pa kadalasan ay mas nauuna akong gumising. Hindi ko namalayan kagabi na nakatulog ako. Sobrang pagod ng katawan at isip ko sa nangyari. Tinignan ko kung mainit pa si Ian. Gumaganda na ang kondisyon niya na ipinagpapasalamat ko. Pero kailangan ko pa ring makahanap ng clinic na pwedeng tumingin kay Ian habang nasa trabaho ako. Nakakahiya kay Eugene kung magtatagal pa kami sa bahay niya.
Mainggat akong tumayo at naghanda para umalis. Sandali akong sumilip sa restaurant para ayusin ang deliveries para sa araw na iyon saka ako tuluyang umuwi para kumuha ng mga damit para sa aming dalawa ni Ian.
Sinubukan ko ring pumunta sa mga clinic na nadaanan ko para i-admit si Ian pero tumanggi sila dahil hindi naman daw kailangan ang admission sa kondisyon niya lalo na kung walang rekomendasyon ng doktor.
Pagbalik ko sa bahay ay sumalubong ang bagong ligo na si Eugene. Bahagya ako napaurong nang bumungad sa akin ang hubad niyang katawan. May shorts naman siya pero parang na-magnet ang mga mata ko sa dibdib niya.
"Good morning. Ang aga mong umalis," sabi niya habang pinupunasan ang malabong niyang buhok.
"Kumuha na ako ng damit pampalit namin." Halos hilain ko ang mukha ko para tumingin sa ibang direksyon. Narinig kong bahagyang ngumiti si Eugene. Malamang nakita niya akong nakatigtig sa dibdib niya.
"Kinuha ko na ang temperature niya kanina. Mas mababa na kaysa kagabi. Sa palagay ko, bumubuti na siya. Hindi mo na kailangang mag-alala." Marahan akong tumango habang pinupunasan ang pawis sa noo ko.
"Galing na ako sa clinic kanina. Hindi nila i-aadmit si Ian nang walang rekomendasyon ng doktor." Napasandal ako nang bigla nalang uminit ang pakiramdam ko.
"He's getting better. Hindi na kailangan ang clinic o doktor. You can stay here as long as you need to. Masaya akong kasama ko kayo." He smiled at me. Ngiti na akala ko ipinapakita lang niya sa mga nagiging girlfriend niya. That sweet and alluring smile of his takes me somewhere comforting.
"Are you okay, Ivy? You're sweating."
Sobrang init ng pakiramdam ko at ayaw tumigil sa pagtulo ang pawis ko. Dala lang siguro ng maagang exercise na ginawa ko. "Okay lang ako. Maliligo nalang muna siguro ako."
"Then I'll cook something for us."
Ibinigay niya lahat ng kailangan ko sa pagligo. Hindi siya madamot sa kahit na anong bagay. I thought I know him well. Mukhang hindi pa pala.
Now that I'm alone. Naisip ko na kilala ko lang pala ay iyong babaerong side niya. Iyong chick magnet reputation. Hindi ko naman inisip na darating ang araw na aasa ako ng tulong mula sa kanya. Kaya hindi ko na rin inisip noon kung ano pang ugali meron siya. But I'm glad I got to know him a little bit more. Masarap sa pakiramdam na may maaasahan ako lalo na sa ganitong sitwasyon na hirap ako. I kind of forgot how this felt.
"You feeling better?" sabi niya nang maklabas ako ng banyo. Guminhawa ang pakiramdam ko sa bath tub niya. Matagal na rin nang huli akong makagamit ng bath tub.
"Oo. Salamat."
"Halika na, malapit ng maluto ito. Kakain na tayo." He sounded excited.
Ayoko ng maging pabigat pa sa kanya. Nakakahiya na pati almusal ay siya pa ang naghanda. Tumulong ako sa paghanda ng mesa. Kung tutuusin hindi kami bisita talaga kaya tama lang na tumulong ako sa kanya.
"Mama."
Sabay kaming tumingin sa bumukas na pinto. Malamlam pa ang mga mata ni Ian pero mas maaliwalas na ang itsura niya.
"Oh anak, bakit tumayo ka na nga? Maayos na ba pakiramdam mo?" Lumapit ako sa kanya para tignan kung mainit pa siya.
"Nasaan po tayo?"
"Pansamantala muna tayong tutuloy rito. Naaalala mo pa ba si Kuya Eugene." Galak na tumabi sa amin si Eugene.
Tumango si Ian nang makita siya. "Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Marami akong pagkain na tiyak magugustuhan mo." Kung kausapin niya ang anak ko ay parang matagal na silang magkakilala. Surprisingly, Ian answered well. Hindi siya natakot kay Eugene. Kadalasan kasi takot ang unang nararamdaman niya kapag nakakakilala ng bagong tao.
Sinamahan niya si Ian sa refrigirator para mamili ng kakainin. Siguradong wala pang panlasa si Ian kaya hinayaan ko na siya nalang ang pumili ng kakainin niya. Rinig ko mula sa mesa na ipinapaliwanag ni Eugene kung bakit kami nasa bahay niya. Ipinakita pa niya ang restaurant nang hawiin niya ang kurtina ng bintana. Tumango ang anak ko at galak na sumasagot kay Eugene.
Tinulungan niyang makaupo si Ian sa harap ng mesa. "Kain na tayo."
Both of their eyes were smiling. Para silang nakakita ng kaibigan sa isa't isa. I'm glad they're getting along. Mas mapapadali ang lahat para sa amin.
"Magaling ka naman palang magluto pero bakit araw-araw kang kumakain sa restaurant." Unang kagat palang sa luto niyang isda ay alam ko ng may ibubuga siya pagdating sa pagluluto. Malasa iyon at malutong sa labas pero malambot sa loob.
"Malungkot kumain mag-isa." Tinitigan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin. "Kaya nga sobrang saya ko na kasama ko kayong dalawa." Nginitian niya si Ian na nagpasaya naman din sa anak ko.
"Eugene, anong oras ka ba nakakauwi? Kami nalang ang magluluto ng pagkain mamaya. Pambawi para sa lahat."
Wala akong malaking pera na maibabayad sa kanya kaya gusto ko sana kahit sa maliit na bagay lang ay makabawi ako.
"Hanggang lunch time lang ako sa opisina ngayon. Hindi mo naman kailangang bumawi. Masaya ako sa nangyayari." Maloko siyang ngumiti habang nakatitig sa akin.
"Pero gusto ko nga, sobrang nakakahiya na kasi `tong pag-stay namin dito. Ayoko isipin mo na nananamantala ako okaya--"
"Wala akong inisip na ganyan. Just let me take care of everything here. Nandito na tayo. Let me help you again." Hindi na niya ako pinatapos magsalita.
I must admit na para akong tuta na willing sumunod sa kanya. He has this charm that twist my judgements. Ngayon alam ko na bakit maraming babae ang lumalapit sa kanya inspite of his reputation.
Pinainom ko ng gamot si Ian saka hinilamusan at pinalitan ng damit. Babalik si Eugene bago mag-lunch time at nangako siyang siya na muna ang titingin kay Ian habang nasa trabaho ako. His help really made things easier for me. Nakikita kong masaya rin si Ian sa new found friendship na nabuo nilang dalawa. I worry less, thanks to Eugene.
"Nga pala, I need your cellphone number. Para agad kita matawagan kapag may emergency." Lumapit ako at inilagay ang cellphone number ko sa cellphone niya.
I did not realize he was smirking at me while I type. "I finally got you're number."
Ilang buwan na rin niyang hinihingi ang number ko pero hindi ko ibinibigay. He usually asks for it when he gets dumped. Wala akong intensyong ibigay iyon sa kanya pero hindi ko na naisip ang sarili ko. I did it because I was thinking about my son.
"Na-goyo mo ako `dun ah."
For the first time, we smiled as we looked each other's eyes. Madalas naman niya akong ngitian bilang customer ko pero iniiwasan ko siya bilang serbidora niya.
Bago ako umalis ay nakatulog na ulit si Ian. Nagawa ko na ring malinis ang pinagkainan namin at maisampay ang pinagbihisang damit naming mag-ina. Sa lahat ng ginawa ko ay nakatingin lang si Eugene sa akin. He was observing me. I didn't mind. Wala naman akong ginagawang masama. I just did what I had to do. Sabay na kaming bumaba. Maaga akong papasok para masabihan si Kuya Eddie sa sitwasyon ko at si Eugene naman ay papasok na sa trabaho.
"You're amazing, Ivy."
Bulong niya sa akin bago kami naghiwalay ng daraanan sa harap ng building. It was as though I was fueled. Sobra-sobra pa. I felt something soft in my chest as I looked at him walking away.
I snapped. Alam ko na `to. Hindi puwede. Hindi pa tama ang panahon para maramdaman ko ito uli. I pounded my chest. Paraan ko iyon para paalalaahan ang sarili na huwag munang pairalin ang puso. Isip muna.
Relying on someone is against my belief. Simula ng maging single mom ako ay naging mantra ko na ang huwag umasa sa iba. Pero dumating ang araw na kinailangan kong baliin ang paniniwala kong iyon. I'm glad I did. Malaking ginhawa sa akin ang tumanggap ng tulong. Maging ang anak ko ay nasiyahan dahil sa naging desisyon kong iyon. Change is really enevitable and change is sometimes for the better.
Tulad ng inaasahan, dagsa ang advance orders sa restaurant umaga pa lang at aayusin na namin ang mga iyon lalo na't big orders pa halos. Nang kaunti nalang ang naiwang orders ay hinayaan na ako ni Kuya Eddie na umalis saglit para tignan muna si Ian.
Eksaktong alas-dose nang makatanggap ako ng text mula kay Eugene. Nasa kalagitnaan pa ako ng trabaho noon. Maayos ang lagay ni Ian at napainom na niya ng gamot at napakain na rin kahit pa paano.
Bumalik sa opisina si Eugene bago ako mag-meal break . May kailangan siyang ayusin doon. Mabuti nalang at nakasaglit ako para puntahan ang anak ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap, sa ibang bahay na kami umuuwi. Pansamantala lang pero iba pa rin sa pakiramdam. Parang bigla nalang nagbago ang buhay naming mag-ina. Sa maaliwalas na condominium unit kami tumutuloy at may kasamang lalaki na sobrang bait sa amin. Now that I think of it, magaling makihalubilo si Eugene sa bata. Napaamo niya agad si Ian at agad niyang nakuha ang tiwala niya.
May anak na rin kaya siya?
Malaki masyado ang bahay niya para sa isang tao lang. Baka naman may kasama siya sa bahay noon. That's none of my business, actually. Marami na akong problema para isipin pa si Eugene. I checked on Ian again. Mahabang tulog ang epekto ng gamot na iniinom niya para agad makabawi ang katawan niya. His temperature is normal. Makakabalik na ulit ako sa trabaho.
"Nandito na ako ulit." Laking gulat ko nang hindi si Kuya Eddie ang sumalubong sa akin kundi si Chef Carmelo.
Sigurado akong pinilit na naman niyang tumayo at magtrabaho. "Okay na po ba kayo?"
"Uminom na ako ng gamot. Magbihis ka na at bumalik sa station mo. Daragsa na naman ang tao niyan." Utos niya.
Halos makaedad sina Chef Carmelo at Eugene. Hindi na sila bata pero hindi rin ganoon katanda. Both of them reached certain achievements in their field of work. I don't know much about Eugene's. Ang alam ko lang ay Architech siya. But Chef C inspires me. Iba ang dedikasyon niya sa trabaho. Gusto kong maging successful tulad niya. Para kapag may hindi inaasahang pangyayari ay handa na ako. Hindi na ako makakaistorbo pa ng ibang tao.
"Kamusta na nga pala si Ian? Balita ko may nangyari sa inyo ni Eugene." Napatingin ako kay Kuya Eddie na sumisilip mula sa kitchen station.
"May nangyari pero iba sa inisip ninyong nangyari." Inulit-ulit ko sa isip ang sinabi ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nasabi ko o lalo ko lang nagulo ang tanong ni Chef C.
"Maniwala ka man sa hindi, mabait na tao si Eugene. Malaking tulong ang ginagawa niya para sa amin ng anak ko."
Napakamot sa ulo si Chef C na para bang natalo sa sabong. "May nangyari nga." Buntonghininga niya.
I dropped my case. Hindi ako paniniwalaan ng mga kasama ko kahit pa anong sabihin ko. Alam ko naman na concern lang sila sa akin. But I know what i'm doing. I know my limits. Baka nag-aalala lang sila dahil kilala rin nila si Eugene lalo na ni Chef Carmelo.
Sa kalagitnaan ng pagtatrabaho ay nag-ring ang cellphone ko. Bawal akong gumamit ng cellphone pero pumayag si Chef C dahil may sakit si Ian. Agad akong pumunta sa likod ng restaurant at tignan ang pangalan ng tumatawag.
Si Greg ang tumatawag. Siya ang Papa ni Ian.