KABANATA 32: WILLING SYNEA ALLISON'S POV Second Day ng shooting nila Blaze ngayon. As usual ay tinatanaw ko lamang sila dito sa kubo para hindi ko ma-distract ang anak ko. "Ang galing mo talaga, eh no?' Hindi ko pa man lingunin ang nagsalita ay kilala ko na ito. "Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin, ha?" tanong ko sa kaniya saka siya hinarap. "Wala naman akong kasalanan sa iyo, Ava!" asik ko sa kaniya. "Pa-inosente ka rin, no? I love Pierre the day I met him. Then one night, you will take everything to me?!" singhal niya sa akin. "Wala akong kinuha sa iyo. Lumayo ako gaya ng sinabi niyo, hindi ko kasalanan na after five years magtatagpo muli ang landas naming dalawa," depensa ko sa kaniya. "At sa loob ng limang taong yun, hindi ka na nawala sa isipan niya! Hindi ka man niya kilal

