SYNEA ALLISON’S POV Late na akong nakarating sa Twin Dream Agency dahil hindi ako masyado nakatulog sa tanong ni Levana at payo ni Manang Fe. Pagpasok ko ay mukha agad ni Luna ang bumungad sa akin. “What happened to you?!” gulat na gulat niyang tanong sa akin. Nilagpasan ko muna siya at dumiretso sa swivel chair ko bago magsalita, “what do you mean?” tanong ko sa kaniya. “Gosh Ali, hindi mo naman ako inorient na balak mong sumali sa mga zombie movies…” komento niya sa akin. “Look at you, you look pale and with that big and dark eyebags, ang panget mo ha,” dagdag niya pa. Kung may lakas lamang ako ngayon ay binato ko na siya dahil sa pang-iinsulto niya sa akin. “Thanks for the compliment,” sarkastiko kong turan sa kaniya saka humikab. “Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kaniya.

