SYNEA ALLISON’S POV “Pierre…” hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya. “Tito Pierre!” masayang tawag sa kaniya ni Levana at Blaze saka sila tumakbo papunta sa kinaroroonan nito. Sinalubong naman sila ni Pierre ng mahigpit na yakap. Lihim akong napangiti sa nakikita ko. Ewan ko ba kung bakit ako nangiti pero ang warm lang kasing makita na yakap ng mga anak mo ang ama nila. Iwinaksi ko kaagad ang namuong thought sa isipan ko at nagdesisyun na lumapit na lang sa kinaroroonan nila. “I was about to call you kaya ako lumabas. Then I saw all of you,” paliwanag sa akin ni Pierre paglapit ko. Binitawan niya na rin ang mga bata. Tumango naman ako, “I texted Zephyr na male-late kami kasi 2 hours ago ko lang nalaman yung dinner and we are out to buy school supplies para sa mga bata,” pali

