"Sigurado naman kayo sa plano master?" Tanong ng isang estudyante habang nakatayo sa harap ng isa pang lalaki nakatalikod sa kanya. "Natanggap na ba nila ang hamon?" Tanong ng master. "Opo. Ako mismo ang nagbigay sa kanilang leader na si Tadao. Nakita kong binasa niya ito." "Mabuti kung ganon. Ang ibig sabihin tuloy ang laban." Humarap ang master na si Usui pala. Walang naging pagbabago sa kanyang mga maling gawain. Kahit pa pagdating kay Akane ay tila mabait at bagong tao na ito ay nagmistulang pagpapanggap lamang. Malaki at malakas ang panibagong grupong naitayo niya, na hinulma niya upang maging malakas para maging handa sa nalalapit na paghaharap nila ng mga TheKings at Bluejays. "Ngayong na sa `kin na ulit si Akane. Reputasyon ko naman ang babawiin ko." Tahimik ang bahay ng

