Madilim na ng makarating si Paula sa cafe sa kabilang siudad. Pangalawang beses palang silang magkikita ni Sheena. Ang unang beses ay nangyari labing pitong taon ba ang lumipas. Buntis na noon si Sheena kay Ryoku, at napagalaman iyon ni Paula. Tensyon ang namayani sa pagitan nilang dalawa sa kumprontansyon. Dahil hindi magkaroon si Paula ng anak kay Shima ay iminungkahi nito na kukunin niya ang bata at itururing na kanya ngunit hindi pumayag si Sheena. Naglagay ng makapal na envelope si Paula na naglalaman ng pera kapalit ang pagkawala nito sa buhay nilang mag asawa. Hindi pumayag si Sheena, nanatili itong tahimik sa loob ng isang taon. Ngunit kinailangan nitong humingi ng tulong sa ama ni Ryoku dahil palagi nalang nadadala sa ospital ang bata. Sa dalas ng pagkikita ng dating magkarelas

