CHAPTER 9

1522 Words
KYSLER'S POV Kinabukasan ay nagising na laman ako sa mabangong amoy ng pagkain. Amoy spam at tocino. Most of all, the smell of coffee hypnotized me to get up. Nagbanyo muna ako at naghilamos bago bumaba sa kusina. Habang papalapit ako sa kusina ay mas lalong nanunuot ang bango sa ilong ko. Parang hinihila ako nito at inaakit na lumapit There I saw Yuna cooking. Pinagmasdan ko itong gumalaw at magluto. Seems like she's telling the truth that cooking is her passion. She really enjoyed what she is doing. But there is something wrong with her. Namamaga ang dalawa niyang mata. Looks like she cried last night. "Gising kana pala, breakfast kana." YUNA'S POV "Gising kana pala, breakfast kana." Naghain muna ako ng kanin bago inilagay ito sa mesa. Si Kysler naman ay tahimik lang na naglagay ng mga kubyertos. "May coffee na pala dyan. Hindi ko alam kung nagco-coffee kaba or hindi kaya dalawa nalang ang hinanda kong kape kasama nung sa ininom ko kanina." sabi ko sa kanya saka nilagay sa mesa ang kape na ginawa ko kanina. "Thanks." Tipid nitong sabi bago umupo sa upuan. Hinalo niya muna ang kape bago tumikim ng konti. Malakas ang kabog ng puso ko. Baka kasi hindi niya magustuhan ang ginawa ko. Confident ako na magaling ako magluto pero ewan ko nalang at bigla nalang ako kinabahan sa sasabihin ni Kysler about sa mga ginawa ko. Pagkatapos niyang tumikim, ngumiti ito ng konti at inilapag pabalik sa mesa ang cup. Tumingin ito sa direksyon ko kaya tumalikod agad ako at nagpanggap na nagluluto. "Do you have a business Yuna?" Nagulat ako sa tanong niya. Pagkarinig ko palang sa salitang 'business' ay nanlumo ako. Kakagaling ko nga lang sa iyak kagabi dahil nagising ako nang napanaginipan ko ang ginawa ni Aya sakin at ang eksena ng pagkatupok ng pinaghirapan kong negosyo. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makasagot sa tanong ni Kysler. Nagbabadya ng tumulo ang luha ko pero kahit anong pigil ko ay may sariling utak talaga ang mga luha ko at unti-unti na itong tumutulo galing sa mga mata ko. Humagulgol nalang ako bigla ng iyak kaya dali-daling lumapit si Kysler para aluin ako. "I'm sorry if I said something wrong Yuna. I'm really really sorry. I'll be careful with my words next time." He carried me in a bridal style saka dinala ako sa sala at pinaupo sa couch. Iniwan niya muna ako at bumalik siya sa kusina. Nagfa-flashback na naman sa utak ko lahat ng nangyari sa araw na yun. Kung paano sila magpakasarap sa likod ko, kung paano nila ako pinagtulungan traydorin. Kung paano nila sirain ang tiwala at pagmamahal ko para sa kanila. Hindi ko rin matanggap na ang pinakamamahal at pinaghirapan kong negosyo nawala lang sa isang iglap. Sa tagal ko paghihirap at sakripisyo para lang maitayo ito, nawala lang bigla sa isang araw. Masama siguro akong anak, kapatid, at nobya kaya ako pinaparusahan ng ganito. Nagkulang siguro ako kaya nangyayari ito sa buhay ko. Umiyak lang ako ng umiyak nang bumalik na si Kysler galing kusina at may dala itong tubig "Hush now Yuna. Uminom ka muna." He gave me the glass of water then he rubbed my back. Pinahiran ko na ang mga luha ko saka uminom ng konting tubig. "I'm really really sorry Yuna if I said something wrong. I'm so sorry. I don't know what you have been through but I promise I'll be here for you." he sincerely apologize. Tumango lang ako at nginitian sya. Tahimik lang kaming nakaupo ng tabi sa couch. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang si Kysler naman ay pabalik balik ang tingin sakin at sa labas. Pagkalipas ng ilang sandali at nang mahimasmasan na ako, inaya na niya akong kumain dahil may lalakarin raw kami. Tahimik lang kaming kumakain at tanging tunog lang ng kubyertos ang rinig na rinig sa hapag kainan. Pagkatapos namin ay siya na ang nagpresentang maghugas para makapaghanda na ako. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil wala rin akong gana na makipag argumento sa mga bagay na ganyan pero infairness ha, siya lang ang kilala kong richboy na marunong sa mga gawaing bahay. Ang yaman pero hindi nakadepende ang buhay sa mga kasambahay. Pati ang bahay niya sobrang linis, maraming groceries, kompleto ang gamit pang kusina. Pero ang lungkot ng aura ng bahay niya. Tahimik lang at walang kabuhay buhay. Pero mas mabuti na rin to kesa tinatraydor ka ng sarili mong pamilya. Umakyat na ako sa kwarto na binigay ni Kysler. May sarili rin kasing banyo sa loob ng kwarto. Kompleto na rin ang gamit pangligo. Tumingin ako sa salamin pagkapasok ko sa banyo. Mukha akong zombie. Namamagang mga mata, maitim ang ilalim ng mga mata, maputla at sobrang haggard ng mukha. Kaya siguro ako iniwan ni Louie kasi napakahaggard ko tignan. Kumpara kay Aya na palaging blooming. Sa kakaisip ko sa kanila ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Napaupo ako sa sahig ng banyo habang nakayakap sa tuhod ko. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung mawawala pa ba ang sakit na ito. Sa lahat ng pwedeng gumawa sakin ng ganito, sarili ko pa talagang pamilya. Iniyak ko nalang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. At nang maubos na ang luha ko kaka-iyak ay tumayo na ako at humarap ulit sa salamin. "Ang panget mo Yuna. Lalo kang pumapanget kapag umiiyak ka." pinagsabihan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Pinahid ko ang mga luha ko saka ngumiti. Kakayanin ko to. Kung kaya nilang mabuhay at maging masaya kahit na wala ako, kakayanin ko rin. Sana... Naligo na ako dahil naalala ko na kahapon pa pala akong walang ligo kasi wala rin akong pampalit ng damit. Pero narealize ko ngayon na wala pa rin pala akong pampalit at naligo nalang ako agad ng hindi man lang nanghingi ng damit kay Kysler. Wala akong choice kundi pagkatapos maligo ay bumaba para manghiram ng damit. Nagpatuyo muna ako bago nagtapis ng tuwalya saka ako bumaba. Naabutan ko pa sa kusina si Kysler na naghuhugas ng pinggan. Nakatalikod ito kaya hindi siguro napansin ang pagbaba ko. "Kysler, pwede manghiram ng damit?" Humarap si Kysler sakin at halata sa mukha nito ang gulat. He scanned my body with his eyes. Kahit na may distansya samin ay kitang-kita ko kung paano ito napalunok. He stared at me for a minute but then he shook his head and turn his back. He cleared his throat before talking. "Just get it in my room Yuna. Open the last drawer in my cabinet at may mga bago akong boxer don. Kumuha ka lang. Bilisan mo at baka lamigin ka." he said in a monotone voice habang nakatalikod lang sakin. Nagpasalamat ako pero hindi na ito sumagot pa. Umakyat na ulit ako at pumasok sa kwarto niya para kumuha ng damit. Kumuha ako ng white na jogging pants, beige na oversized shirt at ng bagong boxer niya. Dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko dahil giniginaw na rin ako. Wala akong masuot na bra kaya kinuha ko ang suot kong bra noong isang araw na isinampay ko sa headboard ng kama saka ito inamoy. Mabango pa naman kaya ito nalang ang susuotin ko. Napakadugyot ko naman pero di bale ngayon lang naman. Good thing ay naka high heels ako nung araw na yun kung hindi, ewan ko nalang. Sana nalang talaga hindi importante tong lalakarin namin or hindi formal, baka kasi mapahiya ko lang si Kysler and worst of all, baka mapahiya ko ang sarili ko. Tinignan ko ang cellphone ko na nakalagay lang sa mesa. Nakapatay kasi ito kaya hindi nila ako maco-contact hanggat di ko pa kayang makipag usap sa kanila. Tutal wala na rin akong gagawin, napagpasyahan ko nalang buksan ang cp ko. Baka kasi hinahanap na nila ako o hindi kaya ay nag-aalala na sila kung nasaan na ako. Pero nasaktan lang ako sa ekspektasyon ko. Pagbukas ko ay wala man lang tawag o text galing sa kanila kahit ilang araw na akong hindi umuuwi. Wala man lang kahit na isang sorry. Nag-open na rin ako ng mga social media ko pero mas nasaktan lang ako pagbukas ko ng f*******: ko. Bumungad sakin ang post ni Aya. "Got engaged with the most amazing man." at may picture pa ito nilang dalawa na halatang sobrang saya. Halos nandilim ang paningin ko pagtingin ko sa comment section. Halos mga relatives namin at ni Louie ay nagcongrats at sinasabing bagay na bagay silang dalawa. Samantalang noong ako pa ang girlfriend ni Louie ay halos nila akong pandirian. Dahil sa wala akong diploma ay para na nila akong tinatapak-tapakan. Ni ayaw nila ako makita sa bahay nila bumibisita kay Louie. Maluha-luha akong nagdeactivate sa lahat ng social media accounts ko. Bahala na sila sa buhay nila. Bagay naman talaga silang dalawa magsama. Isang traydor at manloloko. Parehong mga salot sa lipunan! Binato ko ng malakas ang cellphone ko sa dingding at humagulgol ulit ng iyak. Parusa ba talaga to sa lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa kanila?! Kung ganito pala ang parusa kung nagmamahal ka, ayoko nalang magmahal ulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD