YUNA'S POV
"Thank you for ordering. Have a nice day!"
It is my last costumer for today. It is already 5:00 p.m. at ubos na rin lahat ng paninda, oras na rin para umuwi na ako.
Nagligpit na ako at mga employees ko nang biglang may pumasok sa shop.
"Madam Yuna! Jusko Dam!" pumasok ang bestfriend kong si Maya sa shop at mukha itong sobrang saya.
"Oh Dam napadaan ka? Close na kasi kami tapos ubos na lahat." sabi ko pero yinakap lang ako nito.
"Salamat sa masarap mong pagkain Dam at naligtas mo ako sa boss ko! Sobrang nasarapan siya sa pagkain mo. Tapos may increase pa ako dahil dun!" Masaya nitong sabi saka mahina akong kinurot sa balikat.
"Aba ka ha, masaya ka na nga nananakit kapa." I pouted pero tumawa lang ang gaga.
"Nako bahala ka dyan. Sige na uuwi na ako. Bibili ulit ako bukas." Nagpaalam na ito umalis saka kinurot ang pisngi ko. Kinurot ko ng ganti ang pisngi niya kaya nagtawanan nalang kami.
My shop is bakery/coffee shop in the morning. In afternoon, it is a restaurant.
"Ma'am okay na po ang lahat." sabi ng isa kong employee.
"Sige pwede na kayo umuwi. Salamat sa inyo." Isa-isa ng nagpaalam umuwi ang lahat kaya nilock ko na rin shop at umuwi.
Walking distance lang kasi ang bahay namin kaya naglalakad ako pauwi. Malapit na ako sa bahay ng may natanaw akong sasakyan. May bisita siguro sila sa bahay. Pero hindi naman sila nagsabi na may bisita sila para naman makapaghanda ako. Ganyan kasi ako, mahilig magpakain ng mga bisita. Hindi ko gusto na may aalis galing sa bahay namin na gutom.
Pagpasok ko sa gate ay madilim naman ang bahay. Wala pa ang sasakyan namin. Umalis siguro sila. Pero kanino yung sasakyan nasa labas?
Dahan-dahan akong pumasok sa bahay. Hindi nakalock ang pinto. Kinuha ko ang pepper spray na nasa bag ko, baka may magnanakaw na naka pasok. Chineck ko ang sala at kusina kung may tao ba pero wala naman. Umakyat ako sa hadganan ng may narinig ako. Ungol. Ungol ng isang babae at lalaki!
"Sht Aya nagdala kapa talaga ng lalaki sa bahay hayop kang bata ka tapos may ginagawa pa kayong milagro." galit kong bulong sa sarili ko.
Nang nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ni Aya, para akong namingi sa narinig ko.
"Louie! Sige pa, Ahh!"
"Malapit na ako Aya, Fvck!"
I wanted to open the door pero parang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Napatumba ako sa sahig habang rinig na rinig ko ang mga ungol nilang dalawa. I held my chest and covered my mouth as I cried. I could just open the door and slap the both of them but I felt my energy got drained in just hearing them and wanted to do nothing.
Pagkatapos ng ilang sandali at bumukas ang pinto at lumabas si Louie na nag-aayos ng damit at si Aya naman ay nakahubad pa rin sa kama. My blood boiled from what I saw. My mind went blank and anger rose up inside me.
"Ate/Babe!" sabay nilang sabi.
Tumayo ako at pumasok sa loob saka pinagsasampal si Aya.
"Ahas ka! Akala ko may magnanakaw nakapasok sa loob pero may magnanakaw nga! Magnanakaw ng boyfriend! Walang hiya kang kapatid! sarili mong ate inaahas mo!" I continued slapping her nang hilain ako palayo ni Louie. Humarap rin ako sa kanya at binigyan siya ng mag-asawang sampal.
"Really Louie? Cheating with me? Sa sarili ko pang kapatid? Sa pamamahay pa namin kayo gumagawa ng milagro? Ganyan na ba kayo kababaw?!" I shouted in his face. Yayakapin niya sana ako pero iwinakli ko ang kamay niya.
"Wag na wag mo akong hawakan. Ang dumi mo! Ang bababoy niyong dalawa. Walang hiya kayo. Pinagkatiwalaan kita Louie. Ikaw naman Aya, kapatid pa naman kita. Ikaw ang karamay ko dito sa bahay pero isa ka rin pala sa tatraydor sakin." Aya cried at si Louie naman ay nakayuko lang.
"Anong nangyayari dito?" Biglang nagsalita si Daddy na tulak si Mommy sa wheelchair sa labas ng kwarto.
"Yan! Kita naman diba?! Yang magaling niyong anak inaahas ang boyfriend ko! Matalino sana pero hindi ginagamit ang utak sa maayos! Nakadroga kaba Aya ha?! Sinong maayos ang utak ang papatol sa boyfriend ng kapatid ha?! Wala na bang iba ha? Bakit siya pa?!" I broke down. Naghahalong galit at sakit ang nararamdaman ko. Humahagulgol na ako ng iyak pero nagulat ako ng imbes ako ng lapitan nila ay si Aya ang inalo ni Mommy.
"Tahan na anak. Wag kana umiyak. Makakasama yan sa bata." Sabi ni Mommy kaya gulat akong tumingin sa kanila.
"Ano Mom? Bata?" Natahimik silang lahat. Walang nagsalita maskin si Aya na tanging iyak lang ang nagawa.
"Magsalita kayo! Anong bata?! Buntis si Aya?" galit kong sigaw. Naguguluhan na ako. Anong nangyayari?
"Sorry ate." Aya cried while hugging the blanket around her body.
"Anong sorry Aya? I deserve an explanation!" Nanginginig ang kamay ko sa galit. Para akong nanlamig dahil sa galit na lumulukod sa buo kong katawan.
"Ate I'm 2 months pregnant. Si-si-si Louie ang ama." My jaw dropped. Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.
"You're what Aya? Alam niyo tong lahat?" Umiyak lang ng umiyak si Aya habang si Mommy ay maluha luha na rin at si Dad naman at tahimik lang.
Hindi ako makapaniwala. They all knew. They're all playing me. Pamilya ko pa naman sila pero ang ginawa nila sakin tagos hanggang buto. Ginagawa nila akong tanga. Kinukunsinti pa nila ang ginagawa ng anak nila.
"Matagal na graduation namin ate, last two weeks pa. Saka ko nalaman na buntis pala ako. Kasama ko si Louie ng mga araw na yun." Lalo akong nagalit sa sinabi ni Aya. I looked at Louie at nakayuko pa rin ito.
"So you lied? That business trip was a trip to your kabet pala? Pano mo nagagawa yun? Pinaparamdam mo sakin na mahal mo ako. Binigyan ng assurance na ako lang mahal mo. Hindi mo ako binibigyan ng pagdududa. Being the best boyfriend in front of me while also being the boyfriend of my sister behind my back? How could you sleep well at night while doing and saying those lies and betrayals to me?"
"I'm sorry Yuna. Hindi ko sinasadya." He held my hands but I slapped him again before he could touch my hands.
"When is cheating not a choice? It is always a choice! May utak ka. Bakit? Aksidente lang bang bubungo yang pagkalakake mo sa loob ni Aya?! Hindi! Alam mo naman siguro na hindi tama ang ginagawa mo. Na masasaktan ako sa resulta ng gagawin mong mali. Sana nung panahon na nawalan kana ng gana sakin at nagka-interes ka sa kanya, hiniwalayan mo nalang ako. Alam mong may girlfriend kang mahal ka eh pero bakit binalewala mo lahat? Hindi ako nagkulang. Kahit kailan hindi ako ang nagkulang. Pero ikaw ang may kulang sa utak! Ibinigay na sayo lahat pero ginago mo parin ako!"
Hinarap ko si Aya at nagsalita.
"Ano? Masaya kana ba? Akala ko ikaw ang karamay ko sa lahat. Maganda ka pero bakit pinili mo maging kabit? Hindi ba ako kapatid mo sa paningin mo? Respeto lang. Respeto nalang sana dahil kapatid mo ako. Inuuna kita sa lahat ng bagay. Mahal pa kita kesa sa buhay ko Aya. Pero para mo na rin akong pinatay sa ginawa mo."
Lastly, tumingin ako kina Mom at Dad.
"Sa inyo naman po? Alam kong hindi niyo po ako paborito na anak pero hindi ko akalain na aabot sa ganito kayo. Simula pagkabata halata na si Aya po lang ang itinuturing niyo pong anak. Ano po ang nagawa kong mali?"
"Anak patawad." sabi ni Dad. Umiling lang ako at tumakbo palabas.
Pagkalabas ko ng bahay ay dumiretso ako sa sasakyan ko at umiyak. It hurts being betrayed by the people you trusted the most. It hurts that you give everything with pure intentions but in exchange they will hurt you like hell.
Napatigil ako sa pag-iyak ng may narinig akong kapitbahay na sumisigaw sa labas.
"Yuna! Ang shop no nasusunog!"
What the fvck!
Dali-dali kong pinaandar ko agad ang sasakyan ko at pumunta sa shop.
Pagdating ko doon ay bumaba agad ako. May malaking sunog nga sa shop. Nagkakagulo ang lahat sa pag-apula ng apoy.
My feet glued to the ground. My precious shop... My hardworks... Everything was gone.
Lumapit agad ako sa pulis upang magtanong.
"Sir, ano pong nangyari sa shop ko?" My tears wanted to fall but I fought the urge to cry.
"Kayo po ba ang may-ari? Ayon sa imbestigasyon ma'am, may naiwan pong nakabukas na gas sa loob kaya sumabog po ito. Wala naman pong nasaktan pero lahat ng nasa loob ay natupok na." I froze.
Why is this happening to me. Sabay sabay pa talagang nangyari lahat. May kasalanan ba akong nagawa kaya ito ang karma ko? Sobrang mapanakit naman ang araw na to. Kung panaginip ito sana gisingin na ako. Ayaw ko na sa panaginip na to. Sobrang sakit. Pinapatay ako sa sakit.
Ayoko na. Ayoko na.
Bumalik ako sa sasakyan at nagdrive paalis. Para akong lutang na nagmamaneho ng hindi ko alam ko alam kung saan ako papunta. Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa napadpad ako sa labas ng bar.
Ito ang kailangan ko. Kailangan kong magpakalasing. Gusto kong tumakas sa problema ko. Gusto kong burahin lahat ng sakit na nararamdam ko ngayon.