YUNA'S POV
"Anak dumating na si Aya!" Masiglang sabi ni mommy habang nakasilip sa labas ng bintana.
Binilisan ko ang paghain sa mesa ng mga pagkain at tinanggal ang apron na suot ko.
Tinulak ko agad ang wheelchair ni mommy papunta sa sala at inalalayan syang tumayo. She had a stroke last month which resulted to paralyzing her left portion of the body. Kaya ngayon ay nakawheelchair ito at hindi nakakalakad kapag walang alalay.
"Mommy! I miss you!" The door opened and my sister screamed when she saw us. Lumapit agad si Aya (my little sister) kay mommy at yinakap ito. Lumapit rin ito sa akin at humalik sa pisngi.
Ibinalik ko paupo si Mommy at humarap agad si Aya kanya.
"Ang maganda kong anak, congrats sa pagtatapos. Proud na proud kami sayo." Naiiyak na saad ni mama.
"Oo nga anak. Sobrang proud kami sayo. Hindi talaga kami nagkamali na paunahin ka ng pag-aaral." tugon rin ni Daddy na kakapasok pa lang ng bahay.
Tahimik lang ako sa gilid habang inilalantad nila kung gaano sila kaproud kay Aya. She just graduated Civil Engineering in one of the prestigious school in the country. While I never pursued college after graduating highschool because ky parents asked to make way for Aya because she will also be graduating in highschool soon. Our life back then was so hard kaya hindi nila kaya magpa-aral ng dalawang anak kahit nagmakaawa na ako sa kanila na kahit kumuha nalang ako ng scholarship para wala na silang problema sa akin. But they still refused. Kailangan raw nila ng makakatulong na maghanap buhay. My parents were old kaya I have no choice kundi sumunod nalang sa gusto nila. I worked hard kaya tumagal ay nakapag-ipon na ako at nagpatayo ng isang kainan. Since many adored my cooking skills ay ito ang pinili kong business. It became an instant hit to people kaya lumago ito at nakapagpatayo pa ako ng ibang branch ng restaurant ko sa iba pang lugar kaya naging maluwag luwag na ang pamumuhay namin. Pero all those achievements, I never heard them praise me or said how proud they were to me.
Nagising ako sa lalim ng pag-iisip ko nang biglang may umakbay sakin.
"Ate kain na tayo. I've been craving for foods na luto mo hihi."
"Sure sis. Lika na, hinanda ko favorites mo." Inakbayan ko pabalik si Aya at pumunta sa kusina habang nakasunod naman si Daddy na tulak ang wheelchair ni Mom.
"I've cooked Adobong Pusit, Lumpiang Shanghai, Calamares and Pinakbet!" I said and I can see the sparks in her eyes ng makita ang mga inihain ko.
"OMG, I miss these foods ate!" Lumapit agad ito sa mesa at tinitigan lahat ng pagkain nakahain doon.
Inalalayan na muna ni Dad si Mom paupo sa harap ng mesa bago rin kami naupo ng sunod.
We prayed first before we eat at nagkamustahan habang kumakain.
"How was Mommy's therapy, ate?" Aya asked about mommy's therapy to recover from the stroke she had.
"Improving naman. Yung gastos fully covered ko na." Naputol ang pag-uusap namin ng biglang may nagdoor bell.
Uminom agad ako ng tubig at tumayo para maghugas ng kamay.
"Sino yan Yuna?" tanong ni daddy sakin.
"Si Louie Dad. Kakauwi nya lang kasi galing business trip." Pagsabi ko nun ay biglang napaubo si Aya at napakunot ang noo ni Mommy at Daddy.
"You okay sis?" I asked in a worried tone.
"Yeah, nasamid lang ako sa kanin ate." mahina syang natawa at uminom ng tubig.
Nasa business trip kasi sa Cebu si Louie for 2 weeks kaya hindi rin kami nagkasama ng matagal. Tumakbo lang ako palabas at pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang bouquet ng rose.
"Roses for you babe." A handsome man said while offering the rose to me.
"Awee thanks for this babe. Halika pasok ka, kain kana. They're all in the kitchen. Halika." I pulled him inside and led him to the kitchen.
"Ayusin mo yan Aya ha. Lagot ka talaga kapag---" Naputol ang sinabi ni Mommy nang makapasok kami sa kainan.
"Mom, Dad, Aya nandito na si Louie. And bakit malalagot si Aya, mom?"
"Ahh si Aya kasi muntik mabagsak yung isang subject nya" sagot ni Daddy
"Naku ikaw talagang bata ka ilang beses na kita pinagsabihan na magfocus ka sa pag-aaral. Buti nakagraduate ka." pagsesermon ko kay Aya habang inilalayan paupo si Louie sa gitna namin ni Aya.
"Atleast graduate na ate ano ka ba. Kain kana ulit dyan." napakamot si Aya sa pisngi at nagpout.
"Aba dapat lang Aya."
Hinainan ko ng pagkain si Louie at nakita kong naiilang si Daddy at Mommy sa presence ni Louie. Boyfriend ko na si Louie for 7 years pero naiilang sila. Or nag-iimagine lang ako?
"Hi kuya Louie kamusta kana? Long time no see hehe." pagbati ni Aya kay Louie. Since matagal na kaming dalawa ay naging close na rin sila.
"I'm great Aya. How about you? Congrats nga pala graduate kana. Celebrate rin tayong tatlo ng ate mo soon."
"I love that idea babe. Schedule tayo kung kelan tayo free para makapagcelebrate tayo."
Kumain na kami ulit at pagkatapos namin kumain ay lumabas kami ni Louie palabas habang si Aya ang naghuhugas.
Umupo si Louie sa bench na nasa garden at hinila nya ako paupo sa hita nya. He hugged me tight from behind and kissed my shoulder.
"I missed you babe. 2 weeks is so long kapag hindi tayo magkasama." malungkot nyang sabi.
"It's okay. Kailangan mo lang bumawi if you missed me really" I laughed and kissed his forehead.
"Let's just date tomorrow. Dun sa restaurant mo so I could taste you again--- ouch babe! I mean the food!" Kinurot ko pisngi niya ng umatake na naman ang kamanyakan niya.
"Manyak babe ha. Ikaw talaga." We just laughed and shared a long kiss.