CHAPTER 11

1619 Words
YUNA'S POV Para akong bata na nakasunod lang sa magulang habang naglalakad sa mall. Pinagtitinginan pa kami or should I say, si Kysler yung tinititigan ng mga tao. Para itong modelo kahit na naglalakad lang, agaw pansin. Pero si Kysler ay taas-noo lang na naglalakad, hindi man lang naiilang sa tingin ng mga tao. Kinalabit ko ito sa likod at huminto sya ng paglalakad para tumingin ito sakin. "Nandyan ka pala, kanina pa kita hinahanap di kasi kita makita akala ko nawala kana. Nandito ka lang pala sa likuran ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Walangya tong lalaking to. "Hoy matangkad ako. Kasalanan ko ba na mas matangkad kapa sakin? Tsaka,ilang inch lang yung gap ng height natin!" proud kong sabi. Porket hanggang balikat niya lang ako! He smirked again and pat my head. "Yeah, okay. I don't argue with kids. Come on." tumalikod na ito at naglakad ulit. Did that jerk just called me kid?! Wtf! Lumalabas na ata ang tunay na kulay ng Kysler na yan! Hinabol ko ito saka hinampas ng mahina ang balikat niya. "Took you so long kid. Malapit lang nga yung nilakad ko pero ikaw tumakbo kapa." tumawa pa ang loko. Sinamaan ko sya ng tingin saka inirapan. Umuna na ako ng paglalakad sa kanya. Nang-aasar na sya ngayon talaga ha! Bahala sya sa buhay niya. Lakad lang ako ng lakad hanggang medyo malayo na ako sa kanya, narealize kong hindi pala ako ang bida sa lakad na to! Hindi ko pala alam asan ako papunta at lalo na rin wala akong pera! Padabog akong bumalik ako sa paglalakad at nakita ko si Kysler na nagpipigil ng tawa na nakatingin sakin. Ba't ba ang tanga-tanga ko huhu. Nang nakalapit na ako sa kanya ay nagsalita ito. "Oh bumalik ka ata? Galit kana nyan?" Saka na ito tumawa. Umirap lang ako at nagcrossed arms. Tumawa lang sya ng tumawa. Halos pa nga ito maluha sa kakatawa niya. Ang saya niya ata noh? Hindi halatang masaya. Hindi ko napigilan, nakangiti na pala ako. Hindi ako nakangiti dahil sa nangyari pero natawa ako sa tawa niya, parang nakakahawa na tawa kumbaga. Yung mas natatawa kapa sa tawa kaysa sa pinagtatawanan. Tumigil na ito kakatawa at malalim na huminga. "We'll go here first. Come." He cupped my head from above and pushed me towards a jewelry shop! Hala! Mystiq Precious na shop, mahal to! Dream ko makabili kahit isang alahas sa shop na to pero kahit isang pares ng hikaw ay katumbas na ng isang taon na sahod ko sa shop ko noon kaya ekis na muna na pangarap. Pero nyeta di ako ready wala akong pera! "Good morning Sir Kysler, Good morning ma'am. Welcome to Mystiq Precious. What can I do for you?" bungad ng sales lady pagpasok namin sa shop. Nagpapacute pa ito kay Kysler pero ang gunggong naman ay sumeryoso na ang mukha mgayon. "Show me all the best wedding rings you have in this shop." pag-uutos ni Kysler dun sa saleslady. "Hala, ikakasal kana sir? Kanino po? Congrats po!" bati nung babaeng sales lady pero halata naman sa boses nito ang pagkadismaya. "Yuna, she said congrats, thank her." Gulat ako tumingin kay Kysler at sa sales lady. Napanganga rin yung babae at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Sure ka sir? Siya yung asawa niyo?" Di makapaniwalang tanong niya at tinuro pa niya ako. Anong 'sure ka sir?' pinagtatanong ng bruhang to? Anong akala niya sakin gold-digger?! Simple lang ako at di kalevel ng yaman ni Kysler pero nag-iinit ulo ko sa sinabi niya. "Yes. May problema? If wala then go get those rings before I could fire you right away." pagkasabi ni Kysler ay awtomatikong umalis yung babae. Hinila ako ni Kysler papunta sa isang lamesa. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na yung babae na may dalang malaking box at isang libro. Inilapag niya ito sa mesa at bumungad sakin ang mga naggagandahang mga singsing. "Here are our best wedding rings sir and ma'am. These are made with pure materials and we guarantee a 100% originality in these jewelries." Kysler looked at the rings, while I looked at each ring with amusement in my eyes. How I dreamed to see an expensive jewelry up close. Hindi sa materialistic ako na tao na mas nagva-value ng presyo. Pero kasi mas magandang investment ang jewelry para sayo. Kasi if need mo ng pera pwede mo ito isangla, pwede mo rin ito ipamana. Pero sa lahat ng magagandang singsing na nasa harap ko, isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Simple lang ito na gold rings na may alon at bundok na naka engraved. Nakita siguro ni Kysler na nakatitig ako sa singsing na yun kaya tinuro niya ito sa sales lady. "I think my wife here likes to have this one." sabi niya. "Uhh sir, that is one of our cheaper options. Are you sure about it?"tanong naman nung babae. Nung sinabi niya cheaper lang yun, dali-dali kong tinignan ang price tag ng singsing na nakakabit dito. Halos lumuwa ang mga mata ko pagkakita sa presyo ng mga singsing. 300, 000?! Cheaper price nato sa kanila?! Dahan-dahan akong lumapit kay Kysler at bumulong. "Walangya ka, ang mahal nyan di kita mababayaran!" pagalit kong bulong sa kanya. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. He took his wallet from his pocket then handed a black card to the sales lady. "It is not about the price. It is what it symbolizes that matter. Don't ever show up in my front once more and you'll know what will happen to you. Now get lost. It is a waste of time to argue to people like you." Iniligpit ng babae ang box at saka kinuha ang card ni Kysler bago nagmamadaling umalis. Tulala akong nakatingin sa black card na bitbit ng babae paalis. Totoong black card ba yun?! Grabe napakayaman talaga ng lokong to! Nang maalala ko ang sinabi ko kanina, siniko ko agad sa tyan si Kysler. "Gagu, anong ibabayad ko nun sayo?! Ang mahal nun ah!" "Just shut up. Pag tapos na usapan natin, isasangla ko yun at ido-donate ang pera sa charity. You okay with that now?" Tumahimik nalang ako sa sinabi niya. Hindi man lang sasayangan sa pera na ilalabas nya kahit peke lang to lahat. Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa dumating na ang isang lalaki na may dalang gold na bag. "Here is the Mountainous and Oceanic Love Rings sir and ma'am. Have a fruitful and happy married life." Kinuha ni Kysler ang shopping bag at card nya saka tumalikod na paalis. Nagpasalamat muna ako sa lalaki bago sumunod na ng alis kay Kysler. Pagkalabas ko ay nakita ko ang babaeng sales lady kanina na nagtatago sa likod ng shelf pero nang nakita nyang nandyan ako ay nagtago ito agad. Takot ka pala eh. Lakad lang kami ng lakad ni Kysler at tumigil ito sa isang mamahaling botique. "Let's get some dresses for you here." sabi ni Kysler at pumasok sa loob. Para akong anino nya na sumusunod ĺang sa kanya kung saan sya papunta. Pumunta agad ito sa mga rack ng dress at kumuha lang ng kung ano ang mga gusto niya. Halos malibot na nya ang buong shop at may bitbit na itong halos mga bente na dress. mga casual lang ito na dress pero sobrang dami na ng mga pinamili nito. Gusto ko sana umangal kaso baka pagalitan ako nito kaya wag nalang. Dinala na niya ang mga bitbit nya sa cashier at nagulat ako sa presyo ng lahat ng yun. Umabot ito ng 278,000! Sakit sa bulsa nito! Parang wala lang sa kanya lahat ng presyo ng mga ito. Bayad lang ito ng bayad kahit gaano kamahal. Sinabihan niya ang cashier na ipadala sa bahay niya ang mga ipinamili niya. Pagkatapos ay lumabas na ito ulit. Maraming shop na ang pinasukan namin. Bumili siya ng mga heels, sapatos, damit, essentials, pati na rin mga make up kahit hindi ako mahilig gumamit ng make up. Di namin namalayan ang oras. Tanghali na pala kaya gutom na gutom na ako at parang nangangain na sa loob ang tyan ko. Masakit na rin ang mga paa ko kakalakad. Umupo muna kami sa isang bench dahil may inaasikaso si Kysler sa phone niya. Sa business siguro nila dahil sobrang seryoso ng mukha nito at nakakunot pa ang noo. Napansin kong marami siyang pinamili pero ang bag lang ng singsing ang dala niya. Hindi kona nakayanan ang gutom ko kaya sinabihan ko si Kysler. "Kysler pwede kumain muna tayo? Nagwawala na yung halimaw ko sa tyan eh." sabi ko kay Kysler. "Let's just buy something in a drive thru Yuna. We're going somewhere and we really need to get there on time." tugon niya saka ito tumayo. Sumunod lang rin ako sa kanya kahit kakaupo lang namin. Mabilis ang lakad nito kaya patakbo rin akong nakasunod sa kanya. Pagkarating namin sa parking lot ay nagmamadali itong pumasok at binuksan ang pinto ng passenger's seat para makapasok na rin ako. Habang sinuot ko ang seatbelt ko ay biglang may tumunog. *GROOOOWWWWWWLLL* Nanlaki ang mga mata ko dahil alam na alam ko ang tunog na yun. Tunog iyon ng gutom kong tyan! Tahimik kasi kaya rinig na rinig ang pagtunog ng tyan ko. Huhu tummy naman bakit ngayon kapa tumunog! "Are you really that hungry? I'm so sorry. We'll buy many foods okay? Bibilisan ko magmaneho para makakain kana agad. I'm really sorry." Kysler apologize pero hindi ako sumagot. Bwiset nakakahiya! Nakasarap magpalamon dito sa upuan! Ramdam ko ang init ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Nagdrive agad siya paalis at hindi ko alam kung saan kami papunta. Pero bwiset napakawalanghiya talaga ng tyan ko! Maka-iyak na lang sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD