HINDI MAKAPANIWALANG binalingan ko siya ng tingin pagkaalis ng mga kaibigan niya sa garden. Naiwan na lamang kaming dalawa, hindi siya makatingin sa'kin samantalang ako ay nilulusaw na siya sa titig. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong may malaman tungkol sa sinabi ni evan.
"Parating nagpu-punta dito si sky kapag nandito ka kaya alam namin kung saan siya hahanapin."
Napapikit na lamang ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni evan kanina. Madalas ako dito sa likod ng school dahil tahimik at maganda ang garden dito, hindi ko naman alam na may kasama pala ako dito parati at worse si skyrile pa 'yon.
Ibig sabihin...nakikita niya akong parating umiiyak dito? What the...?
"Aria...."
Tinaasan ko lang siya ng kilay ng sa wakas ay mag-angat na siya ng tingin sa'kin. Namumula pa ang mukha niya at bahagyang napapalunok.
"Pinaglalaruan mo ba ako skyrile?" Seryosong tanong ko.
Nanlaki naman ang mata niya. "What? Ofcourse not!"
"Then, explain to me, what evan said." Matigas at seryoso kong tanong.
Sunod sunod naman siyang napalunok. "I-Its true.."
Umawang ang labi ko. "What the hell skyrile!" Di makapaniwalang sabi ko.
"I'll explain, okay?" Buntong hininga niya.
Napabuntong hininga naman ako at tumango. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at prenteng umupo roon. Tiningala ko siya at hinintay ang paliwanag niya.
"I just want to know you. Gusto kitang lapitan everytime i saw you cry pero tang*na! Nababakla kasi ako." Inis niyang wika. "Dalawang taon. Dalawang taon akong nakabuntot sa'yo. Tang*na! Naging stalker mo 'ko pero wala akong pakialam don! Ang importante makita kita araw araw."
"Skyrile..."
Lumapit siya sa'kin atsaka lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay kong nakapatong sa aking hita. "Kaya laking tuwa ko nang ikaw mismo ang lumapit sa'kin. At hindi ako gag* para pakawalan ang oportunidad na 'yon. Ginawa ko lahat pansinin at bigyan mo lang ako ng pagkakataong maging bahagi ng buhay mo. Aria, gustong gusto talaga kita."
I was speechless.
"HINDI KA pa rin ba naniniwala sa mga sinabi ko kanina?" Tanong niya habang nasa kalsada ang buong atensyon niya.
Umiling ako. "Naniniwala." Simpleng sagot ko.
"Naniniwala ka na parang hindi."
Ngumuso ako. "Naniniwala nga ako."
"E, bat ang tahimik mo?" Kunot noong tanong niya.
"Wala." Ngumiti ako. Masaya lang ako at hindi pa rin makapaniwalang nasa tabi ko siya ngayon. "Malapit na tayo. Itabi mo lang sa unang madadaanan mong restaurant." Sabi ko sa kaniya nang mapansing malapit na kami sa surpresang sinasabi ko sa kaniya.
"Kakain tayo?" Tanong niya. Tumango ako. "Seryoso? 'Yon talaga ang sinasabi mong surpresa sa'kin? Kakain?" Manghang aniya.
Ngumiti ako nang huminto ang kotse niya sa harap ng arts restaurant. "This is my favorite restaurant, skyrile." Binalingan ko siya ng tingin. "Do you want to enter in my world, right?" Ngumiti atsaka inabot ang kamay niya. "Hahayaan na kitang makapasok ng buo sa buhay ko simula ngayon....just please, take full responsibilty of my happiness and heart."
"Aria..." Halong gulat at tuwa ang bumalatay sa mukha niya nang titigan niya ako. "Oh god...Thank you! Thank you!" Masayang aniya atsaka ako hinila at niyakap ng mahigpit.
Napangiti na lamang ako at niyakap siya ng pabalik. "Please..be responsible enough for my heart." Bulong ko.
Naramdaman ko naman ang sunod sunod nitong pagtango atsaka paghigpit ng yakap sa'kin. "Yes ma'am!" Masayang tugon niya.
Napahagikgik na lamang ako.
"Aria!" Napangiti ako nang salubungin kami ni mrs. Benitez pagkapasok namin sa art restaurant. "Akala ko hindi ka na babalik rito. Nalungkot pa naman ako dahil akala ko mawawalan na ako ng magaling na customer." Ngiti nito atsaka ako hinalikan sa pisngi.
"Hindi ko po makakalimutan ang paraiso ko, mrs. Benitez." Ngisi ko sa kaniya.
Natawa naman siya. Nang malihis ang tingin niya sa aking kasama ay napalitan ng nanunuksong ngiti ang ngisi niya kanina. "Oh! You brought your boyfriend?" Ngising aniya.
Natawa lang ako at hindi na pinansin ang panunukso niya. Ngayon lang ako nagsama ng tao rito kaya naiintindihan ko kung ano man ang iisipin niya sa'min.
"Available pa po ba ang madalas kong pwesto?" Tanong ko nalang rito.
"Ofcourse!" Masayang wika niya atsaka kami iginiya sa may dulong lamesa, gusto ko doon dahil naiinspired ako sa artistic fountain na nasa labas lang. "Dating order pa rin ba?" Tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. "Opo atsaka bigyan niyo rin po kami ng specialty ninyo para sa kasama ko." Sabi ko.
"Okay. Ipapahatid ko nalang rito ang order niyo. Enjoy your date!" Sabi nito bago lumayo sa table namin at inasikaso ang ibang customer niya. She loves talking and she's friendly, isa siya sa dahilan kung bakit bumabalik ako dito.
"You like painting?" Bumaling ako kay skyrile nang magtanong ito.
Tumango ako. "Yes..." Tiningnan ko ang mga paintings na nakasabi sa mga dingding atsaka tinuro ang mga pamilyar na obra sa'kin doon. "I paint that, that,that and that...etc." Ngisi ko.
Marami na akong napi-paint dahil matagal na rin naman mula nang magpunta ako rito. I like here kasi nagagawa ko ang mga gusto ko nang walang iniisip. Kampante akong hindi ito mapupuntahan nila mommy dahil bukod sa sobrang layo nito ay hindi na naman pumupunta si mommy sa mga lugar na may kinalaman sa arts.
"I saw an interesting painting while walking here, its the broken millany. Do you know who paint it?" Curious niyang tanong.
Malungkot akong ngumiti atsaka iyon sinulyapan. Malaki iyon kaya kahit nasa malayo ka ay makikita mo pa rin. "I paint it." Bumuga ako ng hangin atsaka siya muling tiningnan. "Its my brokenheart reflection." Malungkot kong sabi.
"I'm sorry..."
"Its okay." Ngumiti ako. Inalis ko na iyon sa isip ko dahil hindi namam iyon ang importante ngayon. Isa pa, ayoko namang malungkot ngayon. "By the way, may surprise pa ako sa'yo." Ngisi ko.
"Hmm...at ano naman 'yon?" Ngisi niya rin pabalik. Halatang excited sa surpresang sinasabi ko.
"Ipipinta kita." Sabi ko atsaka nagtawag ng waiter at sinenyas ang gusto ko. Tumango naman ito at agad na tumalima.
"Really?" Gulat niyang tanong.
"Yup. Kaya diyan ka lang."
"Dito lang naman ako, hindi ako aalis." Iling niya habang seryosong nakatingin sa'kin.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Tiningnan ko ang dalawang waiter na lumapit sa'kin. Ngumiti rin ako sa kanila atsaka tumayo para kunin ang mga gamit pang-paint na hiningi ko.
"Salamat." Sabi ko sa kanila.
"Tawagan niyo lang po kami kung may kailangan pa kayo." Sabi ng isa.
Tumango lang ako. Kinuha ko ang green na apron atsaka ito sinuot. Ginagamit ko ito para hindi ako malagyan ng pintura.
Sinulyapan ko muna si skyrile na matamang nakatingin sa'kin bago ko inayos ang mga gagamitin ko. I start with the paint and brush.
"You're really good..." Rinig kong komento niya nang paghaluin ko ang ibang kulay ng paint.
Ngumiti lang ako. "Dating sikat na painter ang mommy ko, sa kaniya ko ito namana. Si mrs. Benitez naman ang nagturo talaga sa'kin. Ginabayan niya ako atsaka tinuro ang mga bagay na hindi ko pa alam." Sabi ko.
"Does your mom know?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kunot ang noo. "I mean...alam niya bang nagpi-paint ka?" Paglilinaw niya.
Umiling naman ako at tipid na ngumiti. "Hindi. Actually, wala naman siyang alam ni isa tungkol sa'kin." Hindi niya naman kasi akong kilalanin. Kulang na nga lang itapon niya na lang ako.
Mula pagka-bata ayaw na ayaw niyang nakakarining ng kahit anong bagay tungkol sa'kin. Naiintidihan ko naman 'yon kaya hindi ko na iniisip pa.
"Bakit hindi mo subukang sabihin sa kaniya? I-paint mo rin ang mukha niya tapos ibigay mo sa kaniya, malay mo matuwa siya." Suhestiyon niya.
Napangiwi lang ako. Umayos na muna ako ng upo bago ko sinimulang i-pinta ang mukha niya.
"Ayaw niya sa'kin skyrile...you think importante ito sa kaniya? Atsaka ilang beses ko nang naipinta ang mukha niya, pati nga sila lolo't lola pati mga tita't tito ko at mga pinsan ay na-paint ko na ang mga mukha. Hindi ko lang alam kung saan iyon tinago ni mrs. Benitez." Seryosong wika ko.