TINITIGAN ko si mommy na kanina pa tahimik na nagliligpit ng mga gamit ko. Maaga akong dinis-charge ng doctor dahil wala na rin naman nang problema sa akin. Lumabas lang saglit si daddy para bayaran ang mga hospital bills ko. Bumuntong hininga ako. Mula kahapon ay hindi na ako iniimik ni mommy, depende nalang kung pakakainin at paiinumin niya ako ng gamot. Pagkaalis nila kuya zoel kahapon ay hindi na siya umiimik. Para bang nawalan siya ng ganang mag-salita pa. "Mom?" Tawag pansin ko sa kaniya. Huminto naman siya saglit sa ginagawa. "May kailangan ka?" Walang buhay niyang tanong nang hindi man lang ako hinaharap. Sumimangot ako at lumapit sa kaniya. Ramdam kong may problema siya. At hindi lingid sa kaalaman ko na tungkol 'yon sa pagbisita ng lola't mommy ni kuya zoel. Ayokong nakakaram

