Napangiti ako nang salubungin kami ni kuya sa labas ng restaurant. Inalalayan niya si lola pababa ng sasakyan hanggang sa makasakay ito sa wheelchair. Kinuha ko na lamang ang shoulder bag ko at ang gamit ni lola. Hindi naman madami ang dala namin kaya hindi iyon masyadong mabigat.
"Nag-aantay na sila sa loob. Sunod ka nalang victoria." Sabi ni kuya.
Tumango lang ako atsaka binalikan iyong gamot ko sa loob ng kotse. Naalala ko na binaba ko nga pala iyon sa dashboard kanina nong uminom ako.
"Kailangan niyo po ng tulong?" Tanong ng driver.
Ngumiti ako at umiling. "Kaya ko na po." Sabi ko.
Nang makuha ko na ang gamot ko ay mabilis ko naman itong nilagay sa loob ng bag ko. Dapat ay dala dala ko ito, in case of emergency.
Nang akmang isasarado ko na ang pinto sa passenger seat nang biglang sumikip ang dibdib ko. Pasimple ko itong sinapo. Calm down heart. Calm down.
Napapikit ako at piping nagdasal na sana ay bumalik na sa normal ang t***k ng puso ko. Magaling na ako. Hindi ko na dapat nararamdaman ito. Hindi pwedeng bumalik ako sa dati.
"Ma'am? Ayos lang po kayo?" Tarantang tanong ng driver.
Tiningnan ko ito at pilit na tumango. "I-I'm fine." Huminga ako ng malalim at nagpasalamat na medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Sinumpong lang siguro ang puso ko. Tama. I'm okay. I'm okay.
"Sigurado po kayo?" Tanong nitong muli.
"Oo." Nagpaalam na ako rito atsaka nagmamadaling pumasok sa restaurant. Mabilis ko lang nakita ang table namin dahil malalaking tao ang mga pinsan ko at talagang agaw pansin.
Kumunot ang noo nilang lahat ng umupo ako sa tabi ni lola. "What took you so long?" Tanong ni kuya.
Ngumiti ako. "May nakalimutan lang akong kunin sa car."
Mukhang kinagat naman nila ang palusot ko, na siyang pinagpa-salamat ko. Nasa table na namin ang mga pagkain kaya doon na ang focus naming lahat.
"Thanks krade!" Sabi ko nang ipagbalat niya ako ng shrimps.
Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Sila mike, anton, Aj at gab naman ay nag-simula nang magkulitan. Kapwa mga busog na kasi. Si kuya vlane naman at kleo ay kapwa tahimik, as usual. Silang dalawa lang naman kasi ang sobrang seryoso e.
"Wala akong legs na nakikita." Dismayadong reklamo ni Aj.
"Sa kulungan talaga ang bagsak mo diyan sa kamanyakan mo!" Iiling iling na saad ni mike.
"Isasama kita r****t!" Balik na panunukso naman ni Aj kay Mike.
"Gago." Malutong na mura ni mike sa pinsan.
"Tumigil na nga kayo!" Natatawang wika ni anton.
Nagkatinginan naman kami ni mike at nagtawanan. Parang hindi mga businessman ang mga ito kung magkulitan sa maraming tao.
"Nga pala victoria," Napatingin ako kay Gab. "Sama ka sa amin sa bar mamaya---" Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita nang tingnan siya ng masama ni kuya at kleo. "Hindi pwede." Mariing tutol ng dalawa.
"What? Matanda na si Victoria. Let her enjoy!" Ngisi ni Gab.
"Bar is not a safe place for her." Sabi ni kuya. Sumang-ayon naman ang seryoso ring si kleo. "Victoria's heart can't handle that kind of place." Ani ni kleo.
Natahimik naman na si Gab. Tipid akong ngumiti sa kaniya. I appreciate his invitation but kuya and kleo is right. I can't take a risk lalo na't madalas kong nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko.
Mabilis na natapos ang lunch namin. Hindi rin kasi pwedeng magtagal sila kuya dahil kailangan na nilang bumalik sa kaniya kaniya nilang trabaho. Tumakas lang kasi ang mga ito para makasama kami ni lola, napagalitan tuloy sila.
"Saan ho tayo?" Tanong ng driver nang makasakay na kami ni lola.
"Uwi na po tayo." Nakangiting sagot ko.
Tumango naman ang driver at kaagad na nagmaneho. Sinisilip ko si lola sa likod bawat minuto, baka kasi may kailanganin ito. Napatingin ako sa labas ng bintana at wala sa sariling nasapo ko ang puso ko. Hindi na naman normal ang t***k nito.
"Ma'am? Ayos lang po kayo?" Tanong ng driver.
"O-Opo," Huminga ako ng malalim.
"Namumula po kayo?" Alalang tanong nito.
Mukhang naalarma naman si lola at kaagad akong pinaharap sa kaniya. "Namamantal ka rin victoria!" Bulalas nito ng makita ako.
"I-I'm fine lola..." Pagpapakalma ko sa kaniya.
"You're not fine!" Inabot nito ang bag atsaka kinuha mula roon ang kaniyang cellphone. "Mando! Idiretso mo sa malapit na hospital!" Ani ni lola.
Napahawak ako sa leeg ko at naghabol ng hininga. Tumingin ako sa side mirror sa tabi ko. Namumula ako at may mga pantal sa mukha at balat ko. Ano bang kinain ko kanina? Nag-ingat naman ako, ah?
"Ma'am? Ma'am?"
Naramdaman ko ang bahagyang pagyugyog sa akin ni manong mando bago ako nawalan ng malay. My heart....its not normal again.
NAGISING ako sa boses ni mommy. Nang tingnan ko ito ay nakapameywang lang itong nakatingin kay kuya at sa mga pinsan ko. Mukhang pinapagalitan niya ang mga ito? Dahil ba sa akin?
"M-Mom?" Nasapo ko ang noo ko nang pilitin kong tumayo. Sa huli ay bumagsak lamang ako sa kamang hinihigaan.
"Victoria!" Agad silang nagsilapatin sa akin.
Napapikit ako at nasapo na lamang ang noo. "I-I feel sick..." Mahinang bulalas ko.
Narinig ko ang mabigat buntong hininga ni mommy. "Your allergy attack! Hindi ba't nag-usap na tayo na tanging pagkain na iluluto ko lamang ang kakainin mo? Dapat ay tumawag muna kayo sa akin bago kayo nagkayayaang kumain sa labas!" Sermon nito.
Nanghihinang tiningnan ko siya. "I'm sorry mom," hinging paumanhin ko. Pinag-alala ko na naman sila.
Nag-iwas lang siya ng tingin at naiiling na lumapit sa mini table malapit sa kama ko. May mga tupperware siyang kinuha mula sa paper bag na nandoon. Mga pagkain iyon na niluto niya para sa akin.
"Kayo naman vlane! Alam ninyo namang maraming allergy si victoria sa pagkain, kung saan saan ninyo pa siya dinadala!" Sermon pa ni mommy.
Nagkatinginan naman kami ni kuya at ng mga pinsan ko. Nakapalibot pa rin sila sa akin at bakas sa mukha ang guilt. Ngumiti lamang ako and mouthed 'I'm okay.' Pare-pareho naman nila akong sinimangutan. Kung hindi lang galit at nanenermon si mommy, marahil ay kung ano ano na ang dinadaldal ng mga ito.
"Huwag na muna kayong tumuloy sa mga night out! Night out ninyo!" Sabi pa ni mommy. "Tulungan ninyo ang daddy mo vlane. Napaka-importante nang mga meetings niya ngayong araw na na-cancel dahil sa kapabayaan ninyo." Mainit talaga ang ulo ni mommy. Gusto ko mang tumayo at lapitan ito para pakalmahin ay hindi ko pa kaya. Mabigat pa ang katawan ko.
"Mommy," Nginitian ko ito nang ipatong niya ang tray ng pagkain sa harap ko. Malumanay at buong pag-iingat na inalalayan niya rin akong makaupo para makakain na rin. She was just worried. "Hindi naman kasalanan nila kuya. Ako iyong hindi nag-iingat. Masyado lang po akong na-excite sa mga pagkain na hindi ko pa natitikman. I'm sorry kung pinag-alala ko po kayo." Sabi ko.
Ayoko namang maparusahan sila kuya nang dahil sa akin. Wala naman silang ginawa kundi ang bantayan ako. Sadyang may nakain lang talaga akong bawal nang hindi ko napapansin. Wala kasi si mommy doon para mataman akong bantayan sa mga kinakain ko.
"I admit mommy, kasalanan ko rin po." Napatingin ako kay kuya vlane. He really looks guilty. "I'm sorry...." aniya. Sumunod namang humingi ng sorry ang pinsan ko.
Napangiti ako. I'm happy that they were here for me. Talagang sinalo ng mga ito ang kasalanan para hindi na lalong magalit si mommy. I am lucky to have this guys.
"I'm still pissed but i forgive you boys." Lumambot ang expression ng mukha ni mommy. "Just please, next time. Lalo ninyong pag-ingatan si victoria." Sabi niya na ikinangiti naming lahat.
Kung malakas lang ako, baka nayakap ko na siya ng sobrang higpit. Siguro, magpapalakas muna ako.
Maya maya lang ay pumasok na rin ang daddy kasama si cain. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala nang makita akong gising na. Ngumiti lamang ako at napapikit nang marahan niya akong yakapin. Namumula pa rin kasi ang balat ko pero wala na iyong mga pantal. Nawala na siguro dahil sa mga gamot.
"You make us worried." Komento ng daddy niya.
"I'm sorry dad," Hinging paumanhin ko. Ngumiti lamang siya at hinalikan ako sa noo.
Gusto rin akong yakapin at lapitan ni cain pero dahil wala pa itong masyadong alam sa kalagayan ko ay pinagbawalan muna ito. Ako man ay gusto ko na rin siyang yakapin pero wala pa akong lakas. Mabuti na lang at naaaliw pa siya at hindi umiyak para magpumilit na lumapit.
Umupo sa tabi ko si mommy para pakainin ako. She was very patience lalo na kapag matagal akong lumunok, para kasing may bara sa lalamunan ko. Masakit pa kung lumunok.
Si cain naman ay nakatulog nalang sa tabi ni dad sa sofa. Nakapatong ang ulo niya sa braso ni daddy at magkatabi silang natutulog. Kung paano sila nagkasya? Iyon ang hindi ko alam.
"I'll buy you fruits. Kapag nagising ang daddy mo sabihin mo nalang na babalik rin ako kaagad. Don't eat anything, victoria." Sabi ni mommy bago ito lumabas ng kwarto.
Kami nalang ni dad at cain ang naiwan. Sila kuya kasi ay nagta-trabaho ngayon sa kumpaniya imbes na nasa night out sila. Nakaka-guilty nga lang kasi na-miss nila iyong mga fun na nakukuha nila sa night out nang dahil sa akin.
Sinilip kong muli sila daddy nang makarinig ako ng katok. Ang himbing ng tulog nila. Napangiti na lamang ako at umayos ng higa. "Pasok," Malumanay kong wika.
Kaagad namang bumakas ang pinto. Akala ko ay nurse lamang ito pero nagkamali ako. Nawala ang ngiti sa labi ko nang pumasok ang napaka-pamilyar na mukha. Agad na tumama ang seryoso nitong mga mata sa akin nang muli niyang isarado ang pinto. Nataranta ako at napatingin kay daddy at cain. Hindi pa sila nagigising pero alam kong hindi rin magtatagal ay mararamdaman ni dad na may bisita kami. Kapag nagkataon, g**o ang mangyayari.
"Hi. How are you?"
Muling bumaling ang tingin ko sa kaniya. Ang kaninang seryoso niyang mga mata ay napalitan ng pag-aalala. Lumapit siya sa akin atsaka malungkot na ngumiti.
"What are you doing here? Hindi ka pwede rito skyrile!" Mahinang bulalas ko. Napapatingin pa ako kay daddy at cain tapos ay babalik sa kaniya. Siguradong g**o ito kapag may nakakita sa kaniya.
Lalo akong nataranta nang bahagyang gumalaw ang daddy pero hindi naman nagising. Alam kong ano mang oras mula ngayon ay magigising din ito. Ayokong magpang-abot sila ni skyrile.
"Hey," Ang lungkot sa boses niya ang nagbigay sa akin ng dahilan para ibigay ang atensyon ko. "Hindi naman ako magtatagal. Dinala ko lang ang mga niluto ko para sa iyo." Tipid siyang ngumiti atsaka pinakita ang paper bag na dala niya. "Mga paborito mo ito." Saglit siyang napayuko.
Parang pinipiga ang puso ko. Seeing him like this is like a t*****e to me. Hindi naging maganda ang usapan namin noong huli kaming nagkita. Akala ko nga ay tuluyan na itong lalayo sa akin pero nagulat nalang ako na andito na naman siya sa harapan ko. Pinagluto niya pa ako!
"S-Skyrile..." Bumuga ako ng hangin. Masaya ako na nandito siya pero mali ito. Wala man kaming ginagawang masama ay magiging mali pa rin ito sa mata ng mga tao. Ayoko ring isama sa g**o ang pamilya ko. "Hindi ka dapat nandito. May asawa ka at siya dapat ang nilulutuan mo ng mga paborito niya hindi ako." Sumikip ang dibdib ko. Iba kasi ang sinasabi ng puso ko sa lumalabas sa bibig ko. "Kalimutan na natin ang isa't isa skyrile. It's been a years, hayaan mo na ako. Pakawalan mo na ako sa puso mo." Napaiwas ako ng tingin ng maramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko.
"No." Narinig ko ang pagtiim bagang niya. "Noong nalaman ko na buhay ka at niloko lang nila ako. Nangako ako na gagawin ko ang lahat para makuha kita ulit. Magiging akin ka ulit aria." Mariing wika niya.
Kumabog ang puso ko. This is wrong! Hindi dapat ako nakakaramdam ng saya at konting pag-asa. Dapat ay tinataboy ko siya. I should try harder.
Napapikit ako at napasinghap sa mga sumunod niyang sinabi.
"Si victoria ka man ngayon, sisiguraduhin ko na sa akin pa rin ang bagsak mo. Konting tiis nalang aria, magiging malaya na ako ulit para mahalin ka."