Nagising akong wala ng halos maramdaman. Blanko akong tumitig sa kisame na para bang may nakukuha akong sagot dito. Hindi ko na rin alam kung magagalit ba ako o ano dahil sa paglilihim nila sa akin. Alam kong ginagawa nila lahat para gumaling ako pero...si samantha..may karapatan naman akong malaman kung anong nangyari sa kaniya! Ni hindi ko man lang alam na...na wala na pala siya. Pinagkait nila sa akin ang katotohanan! Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng mga luha ko. "Baby..." Kaagad na lumitaw ang nag-aalalang mukha ni Skyrile. "She's awake!" Nagkagulo sila sa harapan ko. May mga sinasabi at tinatanong sila na hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil na kay Skyrile lamang ang atensiyon ko. "We need to talk." Mariing sambit ko. Namutla siya. "Baby, you need to rest." Umiling ako a

