KABANATA 20

1343 Words
NAALALA ko noong nalaman kong ikinasal na siya kay samatha, that was two years ago. At hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa mga memorya ko kung gaano karaming luha ang sinayang ko. I was depress that time. Katatapos palang ng recovery ko at pinlano ko agad siyang kontakin pero nalaman kong ikinasal na siya. That's bullsh*t! Siya agad ang naisip ko nang gumaling na 'ko. Gustong gusto ko na siyang makita at makausap. Iniisip ko noon na baka hinahanap niya ako pero nabigo ako. Binigo niya ako. Ikinasal na pala siya at hindi....sa'kin. "M-Mahal mo ba siya?" Iyan agad ang gusto kong itanong sa kaniya. Kilala ko siya, hindi naman siguro siya magpapakasal kung hindi niya mahal si samantha diba? Tinatanong ko lang dahil gusto kong marinig mula sa kaniya na nagmahal na siya ng iba.....kahit masakit. "I-I'm sorry...." Namula ang mga mata niya at pilit na inaabot ang kamay ko. Napapikit ako at binaba nalang sa hita ang dalawang kamay. Tiningnan ko siya. "Masaya ka ba?" Garalgal ang boses kong tanong. Masokista ako kaya ganitong klaseng tanong ang binabato ko sa kaniya. "No." Diretsong sagot niya habang nakatiim ang bagang. "They all lied to me....." mahinang sabi niya. "Y-You're already married." Puno ng hinanakit kong wika. "And it was painful as hell...." Nangilid ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. Until, its still painful. "I-I didn't...." Umawang labi niya at mabilis na pinunasan ang gilid ng mga mata. "Aria...." Napasinghap siya. Tuluyan ng tumulo ang mga luha sa pisngi ko. This is too painful than i thought....hindi ko pala kaya. Akala ko kakayanin kong makaharap siya ngayon pero mahirap pala. Hindi ko pala kayang tuluyang magtanong..... "My name is victoria." Mariin kong wika habang pa-singhot singhot. "I know..." napayuko siya. Natulala ako saglit sa kaniya. Ang lungkot sa mga mata niya ay walang wala sa sakit at lungkot sa unti unting dumudurog sa puso ko. "I-I need to go...." Nanghihinang wika ko. Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ako sa kamay upang pigilan. Pagod ang mga matang napatingin ako sa kaniya. Lumunok ako para mawala lahat ng nakabara sa lalamunan ko. "M-May sasabihin ka p-pa? Kasi k-kung wala na...a-aalis nalang ako...."Mahinang sabi ko sabay bawi ng kamay ko sa kaniya. This is really wrong..... Hinihiling ko nalang na sana ay walang makakita sa amin o makapansin na kilala namin. Ayoko na ulit gumulo. Ayos na ako sa buhay ko ngayon kesa noon. "I-I'm...." Nag-angat siya ng tingin sa'kin. Umawang ang labi niya at puno ng pagsisisi ang mga mata. "I-I'm still inlove w-with....you," He said. Napasinghap ako at natatarantang tumayo. NO! Magugulo lang ang lahat kung ipagpapatuloy ko pa itong makikipag-usap sa kaniya. I had enough! Ayoko nang umasa tulad noon. Alam kong walang mapupuntahan itong pagmamahal ko sa kaniya. Hihilain lang ako nito pababa....at worse, baka pati pamilya ko malugmok kasabay ko. "I-I don't b-believe in you, a-anymore....." matapang kong tugon bago dali daling nag-martsa palabas ng coffee shop. Sapo sapo ko ang dibdib ko nang makalabas ako ng coffee shop. Ang sakit. Ang sakit sakit. Humugot ako ng malalim na hininga habang sapo sapo pa rin ang naninikip na dibdib. Nahihirapan akong huminga. Parang pinipiga at dinudurog ng pinong pino ang puso ko. Ngayon ko nalang ulit ito naramdaman pagkatapos ng operasyon ko sa puso. Parang bumabalik lahat ng sakit at pinagdaanan ko noon. Unti unti na naman akong nalulunod sa sakit at kahirapan sa pakiramdam. "Ari-Victoria...." Unti unti akong nag-angat ng tingin sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin. Umawang ang labi niya ng lapitan niya ako at alalayang tumayo nang muntik na akong matumba. Lalong lumakas ang pag-agos ng mga luha ko nang matitigan ko siya. Nasa harapan ko ngayon ay isa sa mga taong pinahalagahan ko noon....pero sinaktan lang rin ako. "Are you okay? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong niya. Umiling ako at napayuko. Inalalayan niya akong umupo sa malapit na bench. Medyo malayo na ang pwesto namin sa coffee shop kaya panatag akong hindi ako makikita ni skyrile. Sana lang talaga....hindi. "Aria? M-May nanakit ba sayo? Ha?" Tanong niya pa. Napatitig ako sa kaniya. Gusto kong sabihin na hindi na ako si aria....ako na si victoria. Kung hindi lang ako nanghihina ngayon, baka kanina pa ako lumayo sa kaniya. "Aria...ako ang mommy mo, pwede mong sabihin sa'kin..." May pagsusumamo sa boses niya. Nag-iwas lamang ako ng tingin at umiling. Huminga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang aking paghinga ng sa ganon ay manumbalik na sa normal ang aking pakiramdam. "Ari---" "--I-I'm victoria...." pagtatama ko sa kaniya. Pinakiramdaman ko ang t***k ng puso ko. Nang maramdamang normal na ulit ang t***k nito ay napahinga na lamang ako ng malalim. Natakot ako kanina....akala muli na namang babagsak ang puso ko. "A-Are you okay? N-Namumutla ka?" Alalang tanong niya pa. Napatingin ako sa kaniya. "A-Ayos lang po a-ako..." Mahinang wika ko. "Salamat po." Pilit akong ngumiti. Nangilid ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "Hanggang ngayon ba ay nahihirapan ka pa rin, anak ko?" Naluluhang tanong niya. Umiling ako. "Hindi na po. Maayos po ang lagay ko, nagkataon lang po siguro na mainit ang panahon ngayon..." na umayon sa hapdi na nararamdaman ko sa loob. "N-Nasan ba ang mga kasama mo? Nag-iisa ka lang b-ba?" Tanong niya pa. "Opo." Tumango ako. "Lumabas lang po ako saglit sa botique ni mommy para bumili sana ng kape..." Malungkot siyang tumango. "Ganon ba?" Sinapo niya ang pisngi ko atsaka marahan iyong hinaplos. "Maayos naman ba ang trato nila sa'yo?" Malambing niyang tanong. Tumango ako. "Mahal na mahal po nila ako..." Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya...pero kaagad niya rin iyong pinunasan. Pilit siyang ngumiti atsaka ako biglang niyakap na ikinagulat ko. Hindi ako nakakilos sa ginawa niya. Parang dinudurog ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Dati ay ginusto kong maramdaman ang mga yakap niya't pagmamahal. Hindi ko akalain na mararanasan ko rin iyon ngayon....napakasakit pala. Ang sakit sakit na 'yong matagal mo nang gusto at pinagdarasal ay mangyayari ngayon....kung kailan huli na ang lahat. "M-Mahal na mahal din naman kita anak....." Bulong niya sa durog na boses. Pinigilan ko ang pangingilid ng mga luha ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ngayon niya lang ito ginagawa? Bakit ngayon niya lang ako nagawang yakapin at alalahanin? Bakit ngayon niya lang sinabi na mahal niya ako? Bakit ngayon niya lang akong tinawag na....anak!? "P-Pinagsisisihan ko ang l-lahat ng ginawa k-ko sa'yo noon..." nanginginig ang boses niyang sabi. Napapikit nalang ako at unti unting kumalas sa yakap niya. Malungkot ko siyang tinitigan sa mata. "K-Kalimutan na po n-natin ang lahat...k-kalimutan nalang po n-natin na minsan t-tayong naging parte ng buhay ng i-isa't-isa..." dahil iyon ang makakabuti upang makalaya tayo sa lahat ng sakit na dala ng kahapon. Kailangan ko na ring kalimutan na minsan ay may isang skyrile villafontia ang naging parte ng buhay ko. Kailangan ko nang simulang kalimutan siya.....dahil iyon ang mas makakabuti. Ang hiling ko nalang ay sana maging maayos kaming lahat. Sana ay maging masaya sila skyrile at samantha..... "You can tell me everything victoria...." Rinig kong sabi niya sa gitna ng byahe namin pauwi. "I'm b-broken jethro...." Garalgal ang boses kong wika habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kotse niya. "Mula ng makilala kita....palagi ko nalang naririnig sa'yo iyan. You are not broken victoria, you're just hurting.....and you can still fix yourself..." Malungkot at seryoso niyang bulalas. Hindi ako sumagot. Sinarado ko na lamang ng tuluyan ang bibig ko at tahimik na nakadungaw sa labas ng bintana. I'm hurting but not broken.....may pagkakaiba ba sa dalawa. Pwede ka bang masaktan ng hindi nadudurog? Kung sa bagay...kung nasaktan ka lang pwede mo pang ayusin ang sarili mo. Pero, kung broken naman ay hindi mo na ito magagamot sa kahit ano mang bagay. In the end, we will just end up in moving on process.... Sinimulan ko nang ayusin ang sarili ko nang iparada na ni jethro ang kotse sa garahe ng mansiyon namin. Naiwan sa botique si mommy at cain dahil si dad na daw ang susundo sa kanila. "You don't have to pretend that you are okay victoria..." Tiningnan ko lang siya at malungkot na nginitian bago ako tuluyang bumaba ng kaniyang kotse. "Hindi kana ba kakain muna dito?" Tanong ko ng mapansing wala siyang balak lumabas ng sasakyan niya. "I have meetings with my manager later." Sabi niya. Tumango ako. "Take care." Sabi ko. Akmang hahakbang na ako papasok sa mansiyon ng marinig ko siyang magsalita, "Don't let them hurt you again victoria...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD