Limang taon na pala...
Andaming nagbago sa'kin pwera lang ang pagmamahal ko sa mga taong pinili kong iwan. Iniwan ko sila dahil alam kong 'yon ang makakabuti para sa kanila. Kapag nanatili pa kasi ako sa buhay nila ay baka lalo ko lang silang masira.
"Finally! Naka-uwi rin tayo!" Sigaw ni Anton pagkalabas namin ng airport.
"Kakauwi mo lang last month! Ulol!" Ani ni Mike sabay batok rito.
"Last month lang 'yon!" Giit ni anton.
"Tumigil ka ngang gag* ka. dinaig mo pa itong si victoria na limang taon nang hindi nakaka-uwi ng pilipinas." Sabat naman ni krade na kanina pa nakaakbay sa'kin. Kung kasing-liit lang siguro siya nitong batang karga ko baka nagpa-buhat na rin siya sa'kin.
Napailing nalang ako at inayos ang sumbrero sa ulo ni cain na abala sa hawak na robot. Kanina pa itong tahimik kaya hindi ko masyadong pinapansin, minsan lang kasi itong tumino kaya sinusulit ko na.
"Damn! Ang daming magagandang F.A ngayon." Rinig kong sabi ni Aj sa tabi ko. Nang tingnan ko ito ay hindi na naman maalis ang mga mata niya sa mga F.A na papalabas na rin ng Airport. Mahilig ito sa mga babaeng kita ang legs kaya hindi na ako nagtaka.
"Basta maputi naman ang legs maganda na para sa'yo." Natatawang sabi ni Gab.
Napanguso naman siya. "Hindi kaya. Kahit papano may taste pa rin naman ako hindi lang puro legs ang tinitingnan ko. F*ck you ka!"
Napangiwi nalang ako at bahagyang lumayo sa kanila. Kanina pa kasi sila mura ng mura, baka mamaya gayahin sila nitong si cain. Nasan ba kasi sila daddy at nang mabatukan itong mga pinsan ko? Nagmumura kasi sa harap ng bata, eh.
"Hindi ka pa ba nangangawit kay cain? Ang taba taba pa man din niyan atsaka mabigat." Seryosong wika ni Kleo nang tumabi kami ni cain sa kaniya. Siya lang kasi ang tahimik sa mga pinsan ko, eh.
"Hindi---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang humikbi si cain. Tiningnan ko ito at nanlaki nalang ang mga mata ko nang itapon niya ang hawak na robot kay kleo! Ang sama pa ng tingin niya rito. "Cain! Thats bad...." Bawal ko rito.
"He said im mataba at mabigat!" Aniya atsaka umiyak.
"What the hell?" Gulat na bulalas ni kleo. Kumunot ang noo niyang tumingin sa'kin. "Masama ba 'yon?"
Ngumiti ako atsaka inalo si cain. "Don't mind him. Sinusumpong lang." Sabi ko. Cain is turning 3 next two month, tuwid na itong mag-salita ngayon dahil pinapasok namin siya sa school, kung saan natuturuan siyang mag-salita ng tuwid.
"Children are really weird." Umiiling na komento ni kleo.
Ngumisi lang ako at kinuha sa kaniya ang robot ni cain na tinapon nito kanina. Tingin ko talaga magiging basagulero itong si cain pag-laki, bata palang kasi ang tapang na.
"Hey sweetie..."
Napangiti ako nang dumating na sila dad. Lumapit sa'kin si mommy atsaka kinuha si cain na hanggang ngayon ay humihikbi pa rin. "What's wrong sweetheart?" Tanong ni mommy rito.
"Kuya kleo said that im mataba at mabigat!" Sumbong niya na ikinatawa naming lahat.
"He's just joking sweetheart." Natatawang sabi ni mommy.
"Victoria?" Napatingin ako kay dad nang lapitan niya ako. "Hinahanap ka nang lola mo. Puntahan mo muna." Sabi niya.
Tumango lang ako at malawak ang ngiting nilapitan si lola na naka-upo ngayon sa kaniyang wheelchair. Si kuya Vlane ang may hawak nito.
"Hi..." Nag-squat ako sa harapan niya.
"Victoria!" Masayang aniya kaya natawa rin ako. "Kamusta ang pinaka-maganda kong apong babae?" Tanong niya.
Pabiro akong sumimangot. "Ako lang naman ang apo mong babae lola, eh."
Tiningala ko si kuya na masaya ring nakatingin sa'min. "Bakit ngayon lang kayo lumabas?" Tanong ko sa kaniya.
Nagkibit balikat ito atsaka nagbaba ng tingin kay lola. "Maraming mga business man ang humarang sa'min sa loob. Kung hindi ka-kamustahin ang lagay ni lola ay tatanungin kung ano na ang takbo ng kumpanya."
Napatango ako. Well...mga business man eh. It means, puro business lang ang nasa utak nila.
"Victoria? Okay lang ba talaga sa'yong umuwi tayo?" Tanong bigla ni lola.
Ngumiti ako rito para hindi na siya mag-alala. "Lola, okay na po ako. Hindi na ako si aria de guzman kaya hindi na ako masasaktan nino man." Ngiti ko rito atsaka hinalikan ang noo niya. "Nangako ako kay lolo na hindi ko kayo iiwan. Hindi kita pababayaan lola."
Nangilid ang luha sa mga mata niya. Inabot niya ang pisngi ko atsaka ito marahang hinaplos. "Salamat apo. Basta, tandaan mo lang na ikaw na ngayon si victoria Muriel Dela fuentes wala na silang karapatang saktan ka ulit."
Napabuntong hininga ako. Tama. Hindi na ako si Aria De guzman....isa ang pangalan kong 'yon ang binago sa'kin at dahil don wala na ang bigat na nasa dibdib ko noon.
Malaya na ako na sa lahat ng sakit at pagdurusa.
"Let's go!"
Magaan ang loob kong tumayo at tinulungan si kuya na ipasok si lola sa van. Ito ang family service namin pansamantala hanggat hindi pa kami tuluyang naaayos rito sa pilipinas.
"Sumakit bigla ang ulo ko...." Reklamo ni anton nang umandar na ang van.
"May gamot ako dito, gusto mo?" Alok ko sa kaniya.
Umiling naman ito atsaka ngumisi. "Hindi uso ang gamot sa'kin victoria. Kiss lang ng mga chicks ko, okay na ako."
Napasimangot lang ako. Napaka-babaero talaga!
Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at inisip ang mga bagay na posibleng mangyari sa'kin dito. Sana lang talaga, wala na akong maging problema.
Sama-sama kaming lahat na titira sa mansiyon ng mga Dela fuentes para matutukan naming lahat ang kalagayan ni lola. After all, kaya lang naman kami umuwing lahat ngayon ay dahil sa kagustuhan ni lola.
"Nag-text si mommy, tinatanong kung nasan na ba tayo." Rinig kong sabi ni kleo.
"Tell her na malapit na tayo." Sabi ni dad.
"Okay." Tumango si kleo sa sinabi ni dad.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa mansiyon. Inalalayan kong makababa si lola sa van samantalang inayos naman ng mga pinsan ko ang wheelchair niya.
"Sabi ko naman kasi sa'inyong hindi ko na kailangang mag-wheelchair." Sabi ni lola.
"La, bawal kang mapagod diba?" Sabi ni Gab.
Napasimangot nalang si lola.
Pagpasok namin ng mansiyon ay kaagad kaming sinalubong nila tito at tita. Nauna na silang umuwi rito last week kaya hindi namin sila nakasama kanina.
"Kamusta naman ang maganda kong pamangkin?" Ngising tanong ni tito martin. "Balita ko dito mo balak gawin ang pangatlong exhibit mo?"
"Yeah." Napangiti ako. "Gusto ko namang subukan dito tito."
"Siguradong matagumpay na naman 'yon tulad ng nagdaang dalawa mong exbibit."
Ngumuti lang ako. Si tito martin ang attorney ng pamilya. Siya rin ang nag-ayos ng mga pa-pales ko at katulong nila papa sa pagpapalit ng pangalan ko.
Noong ma-kasal si papa kay mommy ay ginusto rin ako nitong akuin. Ginamit niya ang apelyido niya bilang middle name ko at sa lahat ng papeles ko ay siya na ang nakalagay na biological mother ko.
Ma-swerte kami ni dad sa kaniya at kay kuya vlane, na anak niya sa una niyang asawa. Dahil bukod sa napaka-buti nila ay hindi na rin iba ang turing nila sa'kin.
Ramdam ko ang sobrang pagmamahal ni mommy sa'kin. Kahit kailan ay hindi niya pinaramdam na hindi niya ako anak. Minsan nga ay mas tutok pa siya sa'kin kesa kay kuya, na totoong anak niya. Ako daw kasi ang nag-iisa niyang anak na babae.
By the way, she is Liezel muriel dela fuentes. A famous fashion designer and the owner of Murielifashion botique. Namatay ang una niyang asawa, sampong taon pagkatapos ng kasal niya rito. Mula noon ay hindi na siya nakipag-relasyon sa kahit sino at nag-focus na lamang siya sa pagpapalaki sa anak. Hanggang sa nakilala niya si daddy, Walang ligaw ligaw na namagitan sa kanilang dalawa basta noong magka-aminan na silang pareho ng feelings ay kaagad na itong niyaya ni daddy na magpakasal.
Matanda na daw kasi sila para patagalin pa. Isa pa'y nakikita naman naming mahal nila ang isa't isa kaya wala na kaming tutol sa kanila. Kahit ang pamilya ni mommy ay masaya dahil sa nakikita nilang saya sa mukha ni mommy.
Mula nang ikasal sila mommy at daddy ay naging kumpleto na ang buhay namin. Mabait din at hands on si mommy sa pag-aalaga sa'min, lalo na sa'kin dahil may mga pagkain akong hindi pwedeng kainin. Pagdating kasi sa'kin ay masyado siyang maselan sa pagkain, ultimo pati iinumin ko kailangan na-check niya muna kung pwede sa'kin.
Mula nang dumating silang dalawa ni kuya vlane sa buhay namin ni daddy ay naging magaan na lahat...bonus nalang na blessings sa'min ngayon ay ang masungit kong kapatid na si cain.
Naging masaya ang limang taon ko dahil kay mommy and i thank god because he gave her to me.......to us.