Sinadya kong lumabas ng nakatuwalya lang. Ibinalot ko lang ang tuwalya sa kalahati ng katawan ko dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Dumaan ako sa harapan niya para pumunta sa walk in closet ko. Aba! Hindi man lang niya ako pinansin? Dumaan ulit ako at kunwari ay may nakalimutan ako sa banyo pero wala talaga, deadma ang six packs abs ko. Sinilip ko pa kung ano ang pinagkakabalahan niya at nakita kong tinitingnan na pala niya ang album ko simula nung bata pa ako. Nagpatuyo na lang ako ng buhok at hindi umalis sa harapan niya pero talagang walang pakialam ang batang 'to sa akin at mas gusto pa niyang titigan ang mukha ko nung bata pa lang ako. Kung pakitaan ko kaya siya ng otso galigo ko? Pero huwag na lang baka kasi matakot at mabigla, itakwil pa ako bilang kuya

