Ace Point Of View Ipinilig ko ang aking ulo at ibinalik sa matinong pag-iisip. Kinuha ko kaagad ang comforter at ibinalot sa buong katawan ni Carmela. Natigilan siya sa ginawa ko. Kahit ako ay hindi ko rin alam magagawa ko rin na kontrolin ang sarili ko. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran. "Hindi mo pa alam ang ginagawa mo, Carmela. May time para diyan. Gusto ko, bago ka magdesisyon na ibigay sa akin ang lahat ay kilalanin mo muna ako ng lubusan. Alam kong kasalanan ko. Iminulat ko ang iyong inosenteng isip sa makamundong gawain. Hindi ko alam kung paano nalaman ang tungkol diyan pero huwag mo na itong uulitin, ha? Lalo na sa ibang lalake." mahabang litanya ko. Umikot naman siya paharap sa akin. Tinitigan niya ako sa aking mga mata na tila ba may hinahanap siya roon. "Bakit

