"Galit ka ba sa akin, Carmela?" tanong ko habang nagmamaneho ako. Nananatili siyang nakayakap sa bewang ko pero hindi siya nagsasalita. Naisip ko nga na baka nakatulog na siya sa likuran ko pero hindi naman pala dahil sumagot siya sa tanong ko. "Hindi, Kuya Ace. May dapat ba akong ikagalit sa'yo?" Aba at may paganyan-ganyan na siyang sagot ngayon. "Wala nga. Pero bakit mukhang sambakol yang mukha mo?" pang aasar ko. "Pa'no mo naman nasabi? E nagmamaneho ka?" natawa ako ng bahagya sa tanong niya. "Dito sa side mirror. Kitang-kita na nakasimangot ka!" natatawang sambit ko. "Ewan ko sa'yo, Kuya! Hilig mong mang asar!" aniya at mas lalo pang sumimangot! Hindi ko na siya kinausap. Hinayaan ko siyang magmuni-muni sa likuran ko. Naramdaman kong mas idinikit niya ang ulo niya sa likura

