"Nasaan? Nasaan ang ahas?" naghuhurumintadong tanong ko. Hindi ako kinakabahan sa ahas e, dito ako kinakabahan sa sarili kong ahas. "Andun Kuya! Lumusot sa may bintana!" nahihintakutang turo ni Carmela sa akin. Kahit na nakalambitin siya ay pinuntahan ko ang sinasabi niyang ahas. Wala naman sa loob ng bahay kaya dumungaw ako sa bintana at totoo ngang may ahas na nakapasok sa dito sa bahay nila. Pero maliit na buntot na lang nito ang naabutan ko dahil nakapasok na sa damuhan. "Ang liit naman pala ng ahas, di hamak na mas malaki pa itong ahas ko dun," sambit ko kay Carmela na ayaw pang bumaba sa paglambitin sa sa akin. Lintik naman kasing ahas yun! Aba! Gusto pa yatang maunang tumuklaw kesa sa ahas ko? Pasalamat siya nakaalis na siya! Kundi! Inihaw ko sana siya ng buhay! "Hmm C-carmela?

