"Mabuti at naisipan mo pang umuwi!" bungad agad na salita sa akin ni Mommy. Eksaktong kumakain sila ng sabay-sabay sa hapag kainan. Larawan ng masaya at kumpletong pamilya. "Not now, Mom. I have a headache..." sambit ko habang nakahawak sa aking sentido. Agad namang tumayo si Bellatrix at lumapit sa akin. "Kuya! I miss you! Halika na, kumain ka na muna. Hayaan mo na yan si mommy!" bulong sa akin ng kapatid kong babae habang nakahawak sa aking braso. "At kasalanan ko pa na masakit yang ulo mo? Ace naman, umayos ka na nga! Gusto ko lang naman na mapaayos ka at hindi ka palaging ganyan!" pasigaw na sambit ni Mommy. "I'm doing good mom, okay ako. Okay ang buhay ko." "Oh really, Ace? Look at yourself, you look wasted! Dahil na naman ba ito sa paguwi dito ni Michelle! Utang na loob anak,

