Ellison Mansion – Harrison’s Room Pagkapasok pa lang ni Harrison sa sarili niyang kwarto, malakas niyang isinara ang pinto—isang bagsak na umalingawngaw sa buong hallway. Hindi niya mapigilang magngalit ang bagang, halos mabali ang panga sa sobrang inis. Damn it. Kanina pa kumukulo ang dugo niya. Hindi niya matanggap ang nakita niya sa restaurant. At ang pinakamasama? Hinayaan ni Azalea na ihatid siya ni Brent pauwi. Hinubad niya ang suit jacket at malakas na ibinato sa kama. His breath was uneven, hands trembling in rage. Lumapit siya sa malaking bintana, hawak-hawak ang frame na para bang dun niya ibubuhos lahat ng frustration. Hindi niya gusto ang nararamdaman niya—pero hindi rin niya ito mapigilan. “Brent Madrigal…” bulong niya, puno ng poot. “How dare you touch her like that?

