PARKING LOT – INTERNATIONAL SCHOOL MANILA Mabilis na umalis sina Mang Ricardo at Psyche sakay ng black luxury SUV. Naiwan si Brent sa parking lot, nakatayo lang, nakangiti habang nakatanaw sa papalayong sasakyan. Sa isip niya: "I will always make a way to see you, Psyche. Hindi ako titigil. Kahit ano pang mangyari, hindi kita pababayaan." --- INSIDE THE SUV – ON THE WAY TO HARRISON’S OFFICE Tahimik ang biyahe. Ang tanging maririnig ay ang ugong ng makina at ang maingat na paghinga ni Mang Ricardo habang nagmamaneho. Si Psyche naman, nakatingin sa labas ng bintana, ngunit halatang kabado, halong kaba at guilt ang bumabalot sa kanya. Ilang sandali, naputol ang katahimikan. “Pasensiya na po talaga, Señorita,” mahinang sabi ni Mang Ricardo, ramdam ang pangamba sa tinig. “Kapag nalaman

