ELLISON MANSION Hatinggabi na nang makauwi si Harrison mula Cebu. Tahimik ang buong mansion; tanging tik-tak ng lumang grandfather’s clock sa hallway ang maririnig. Ang bawat yapak niya sa marmol ay mabigat, tila sinasabayan ng bigat ng mga iniisip niya. Hawak pa niya ang coat na isinampay sa braso, may bahid ng pagod sa mukha pero buhay ang apoy sa mga mata. Pagdaan niya sa tapat ng silid ni Azalea, bigla siyang natigilan. Para bang may invisible na puwersang pumigil sa kanya. Ilang segundo siyang nakatayo roon, walang imik. Tahimik ang paligid, pero sa katahimikan na iyon—ramdam niya ang presensiya ni Psyche sa loob. Marahan niyang inilapit ang kamay sa doorknob. Sandaling tumigil. Sa halip na buksan, idinikit niya ang palad sa malamig na kahoy ng pinto. "Azalea..." mahina niyang bu

