INTERNATIONAL SCHOOL MANILA (ISM) Psyche’s POV Siniko ako ni Claire habang nag-aayos kami ng mga gamit sa bench. “Girl, Lolo mo ata ‘yun!” sabay turo niya sa isang mamahaling sasakyan na kakapark lang hindi kalayuan. Unang bumaba si Roel, ang alalay ni Don Ramon, at mabilis na binuksan ang passenger seat. Dahan-dahang bumaba ang matanda, dignified as always, with that familiar warmth in his smile. “Lolo!” halos tumakbo akong sinalubong siya para yakapin at halikan sa pisngi. “It makes me happy to see you here, Lolo,” sabi ko, glowing with genuine joy. “I miss my princess,” sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko. “Are they your friends?” tumingin siya sa gawi nina Claire at Calista. “Opo, Lolo,” malambing kong sagot. “Come here, young ones,” tawag ni Don Ramon sa kanila. Nagkat

