Chapter 1 "Sudden change"

1308 Words
--- TEN YEARS LATER... PSYCHE’S POV Humahangos na sinalubong ako ni Melai sa hagdan at agad kinuha ang mga dala kong gamit. “Nasa dining table na si Don Ramon, señorita. Sabay daw kayong mag-breakfast,” hingal na sabi niya. “Sige, susunod na ako,” sagot ko habang inaayos ang buhok ko. Pagbaba ko sa dining hall, bumungad sa akin si Lolo Ramon, kalmado at elegante habang nagbabasa ng diyaryo. “Good morning, Lo,” bati ko sabay halik sa pisngi niya. “Good morning, hija. Come, let’s eat,” malambing niyang tugon. Umupo ako sa kaliwang bahagi ng mesa at nagsimulang kumuha ng fried rice. Pero napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto—at pumasok si Harrison, diretso sa upuan sa tapat ko. “Good morning, Lo,” bati niya. “Himala, sumabay ka sa amin mag-breakfast,” biro ni Lolo habang sinisimsim ang kape. “Bigla akong nagutom,” tugon ni Harrison, saka ngumiti ng tipid. “Namiss ko rin ang lutong bahay.” Tahimik lang akong nakikinig habang kumakain. Kahit after all these years, nakakapanibago pa rin kapag kasama ko si Harrison. Maya-maya, nagsalita siya. “Sumabay ka na sa akin, Azalea. Ihahatid kita sa school.” Muntik kong maibuga ang grape juice ko. Napaubo ako nang sunod-sunod. “Careful, hija,” agad na sabi ni Lolo, nag-aalala. “I’m okay, Lo,” sabi ko matapos huminga nang malalim. Tumayo si Harrison at magalang na nagpaalam sa Lolo. Sinundan ko rin siya palabas. Pagbukas ni Marlon ng pinto ng kotse, umupo ako sa likod—katabi ni Harrison. Tahimik kaming dalawa habang bumibiyahe. “Four-thirty dismissal mo, right?” tanong niya, walang emosyon sa boses. “Yes, why?” sagot ko, medyo nagtataka. Hindi naman siya usually interesado sa schedule ko. “I’ll pick you up later,” diretso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. What’s gotten into him? Ngumiti lang siya nang bahagya, isang ngiting bihira kong makita. “Clear my schedule at 4:00 PM,” utos niya kay Marlon. “Yes, sir,” mabilis na sagot ni Marlon habang may tinitipa sa iPad. “All cleared, sir.” Ilang sandali pa, huminto na ang sasakyan sa tapat ng school. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang pigilan niya ako. “Wait.” Napakunot-noo ako. “Bakit?” Tumingin siya diretso sa mga mata ko. “May manliligaw ka na.” Hindi iyon tanong—parang kumpirmasyon. Napakurap ako, gulat. “Wala. Hindi ako nagpapaligaw.” “Don’t call me kuya, wala tayo sa harap ni Lolo,” malamig niyang sabi. Ngumiti ako nang matipid. “Don’t worry. I don’t plan on entertaining any suitors.” “Good,” tipid niyang tugon, bago sinenyasan si Marlon na pagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko, agad kong narinig si Lance. “Hi, baby girl! Hinatid ka ni Kuya Harrison mo, ha?” nakangiting asar niya. “Don’t call me that. Kadiri,” sabay alis ko ng kamay niyang nakaakbay. “Pikon mo talaga,” natatawa niyang sabi. Umupo na ako sa seat ko nang pumasok si Claire, halos lumilipad ang ngiti. “Masyado yatang masaya,” tudyo ko. “Gising na, mukhang nananaginip ka pa,” singit ni Lance. “Shut up. Nakita ko ‘yung crush ko kanina!” kilig niyang saad. “Si Kuya Harrison?” singit ni Lance. “Tumpak,” sagot ni Claire, sabay kagat-labi. Napailing na lang ako. “Ang landi mo, girl.” “Ang gwapo kaya niya,” dreamy niyang sagot. “Mall tayo mamaya,” yaya ni Lance. “Game!” sigaw ni Claire. “Can’t,” sabi ko. “Susunduin ako ni... Harrison.” “OMG! Pwede makisabay?” nangingiting tanong ni Claire. “Ha? Seryoso ka?” Ngumiti lang siya. “Akong bahala, Psyche.” --- HARRISON’S POV Mainit pa rin ulo ko mula paghatid kay Azalea. Kanina lang, si Lander—ang unang bumungad sa opisina ko. “Mr. Page is here,” sabi ni Marlon. “I don’t accept rejections when I come here,” agad na pasaring ni Lander pagpasok. “You’re already here,” sagot ko, wala sa mood. “Relax, Harrison,” sabi niya, nakangisi. “No wonder everyone here’s scared of you.” “Mind your own business,” sagot ko, malamig. Tumawa lang ang gago. “Overprotective mo talaga kay Psyche. Kaya mainit ulo mo.” “She’s my younger sister.” “Legally, yes. But you’re not related by blood,” balik niya. Napapikit ako, pilit pinipigilan ang inis. “Sabihin mo ‘yan kay Lolo kung gusto mong mahampas ng tungkod.” “Relax. Joke lang. Pero seryoso ako—ayaw mo ba ipagkasundo si Psyche sa kapatid ko?” “No. She deserves to choose for herself. I just don’t want her to get hurt.” Lander smirked. “You care too much for someone you call ‘sister.’” “Get out,” malamig kong utos. Nang umalis siya, napasandal ako. She’s turning eighteen in two months. Dalagang-dalaga na si Azalea. Lolo will surely throw another grand party—but I know she’ll ask for something simple again. Just family. Just us. --- PSYCHE’S POV Nakaupo ako sa bench habang pinapanood sina Lance at Claire magkulitan. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ‘yung sinabi ni Harrison kanina. May manliligaw daw ako? Paano niya nalaman ‘yun? “May spy kaya si Harrison dito?” tanong ko bigla. “Ha? Bakit?” tanong ni Claire. “Sabi niya kasi may manliligaw na raw ako.” “Tss. Sa dami ng may gusto sa’yo, di na ako magtataka,” sabi ni Claire. “Hinuhuli ka lang ni Kuya Harrison,” dagdag ni Lance. “Gusto niyang marinig mismo sa’yo.” Napaisip ako. Pwede nga. Biglang lumapit si Steven, kasama ang mga kabarkada niya. “Hi, my goddess Psyche,” nakangising sabi niya. “What do you want?” iritado kong tanong. “Why don’t you like me?” “Do I need to list all the reasons?” “Go ahead,” pang-aasar niya. “I don’t waste my time,” sagot ko sabay talikod. “Bye, my goddess,” sabay flying kiss niya bago umalis. “Isa pa ‘tong may topak,” sabi ni Claire. “Gusto ko siyang sapakin,” galit na sabi ni Lance. “Chill. He’ll get bored soon,” sabi ko, pero sa loob-loob ko, sana nga. --- 4:30 PM – INTERNATIONAL SCHOOL MANILA Isa sa mga pinakamahal na paaralan sa buong Maynila, at dito ako nag-aaral. Most students here are heirs to giant companies—just like Harrison once was. Si Claire ay maagang sinundo ng mommy niya, at asar na asar kasi hindi pa dumarating si Harrison. “Sayang, makikisabay sana ako sa crush ko,” reklamo niya habang tinatawanan ni Lance. Eksaktong 4:30, dumating ang sasakyan ni Harrison. Bumaba ang bintana at lumitaw ang malamig niyang tingin. “Azalea, get in,” utos niya. “Gotta go,” paalam ko kay Lance. Tahimik kami sa biyahe. Nakatitig ako sa bintana hanggang bigla siyang nagsalita. “Nanliligaw sa’yo si Lance?” Halos mabilaukan ako. “We’re just friends.” “Sayong panig, oo. Pero siya?” “Still friends,” pilit kong sabi. Tumaas lang ang kilay niya, hindi kumbinsido. Pagkaraan ng ilang minuto, huminto kami sa Newport Mall. “Bakit tayo nandito?” tanong ko. “Choose whatever you want. It’s on me.” “Ha? Hindi pa birthday ko ah.” “You don’t need a birthday to deserve something,” sagot niya sabay ngiti—yung ngiti na bihira kong makita. Nang akbayan niya ako papasok, napahinto ako. Ano bang nakain nito? Ngayon lang siya naging ganito kabait. Pero kahit nagtaka ako, hindi ko mapigilang ngumiti. Maybe... just maybe, he isn’t always the cold, distant Harrison I used to know. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD