02

2030 Words
SA MAY bungad pa lang nang Optimus Bar ay mapapansin na agad ni Natalie ang atensyon na ibinibigay sa kaniya ng mga taong nakakakita sa pag dating niya. At dahil kilala siya na personalidad kaya naman ay inaasahan niya na talaga ang bagay na ‘yun. Instant celebrity. She loves being center of attraction, she loves attention and she loves her popularity. Mahirap ma-achieved ‘yun ng isang baguhan lang naman na modelo na katulad niya... pero tingnan niyo naman, mas sikat pa siya sa mga naunang modelo na pumasok sa industriya. Crowd’s favorite kasi siya at mas malaki ang fan base niya kesa sa ibang mga modelo, mapa-local man o international. Isang matamis at magiliw na ngiti ang ibinabato niya sa mga babae o lalaki man na napapansin niyang nakatulala sa kaniya habang pumapasok na sila ng kaniyang kaibigan na si Tim sa bar. Parang may grand entrance with matching red carpet pa ang datingan niya ng mga sandaling ‘yun. Natural na lang sa kaniya ang makakita ng mga taong nakatulala sa kaniyang ganda dahil bulag na lang yata ang hindi makaka-appreciate sa mala-artista at dyosa na kagandahan niya at sa nakakaakit na hubog ng kaniyang katawan. Lalo pang naging kapansin-pansin ang magandang hubog ng kaniyang katawan dahil sa fitted na dress na suot niya at dahil hanggang kalahati ng hita niya ang haba no’n kaya mas nangibabaw din ang maganda at mahaba niyang legs that she considered one of her assets. Hanggang sa hindi nag tagal ay malakas na party song na ang agad na bumungad sa pandinig ni Natalie at Tim nang tuluyan na silang nakapasok sa loob ng bar, habang iba’t-ibang kulay naman ng ilaw ang bumungad sa kanilang mga mata. Gaya nang inaasahan niya ay mas lalong dumagsa na nga ang mga tao na gustong magpakasaya at mag tanggal ng pagod sa halos isang linggo na trabaho, Friday night na kasi kaya talagang talamak ang mga customers ng gabing ‘yun. “Hey Natalie.” Agad na napalingon at natigilan si Natalie nang biglang may tumawag sa pangalan niya sa may bandang gilid niya habang dumadaan sila ni Tim. At dahil nangunguna siya sa paglalakad kanina kaya the moment na tumigil siya ay napagtigil na rin ang kaniyang kaibigan sa may likuran niya. Nang batuhan niya kung sino ang tumawag sa kaniya ay doon niya nakita si Venice, isang modelo na nakasama niya na dati sa isang skin care project, and to her estimation it’s around February last year. Matagal-tagal na rin kaya kahit papaano ay nagpapasalamat siya na natandaan niya agad ang babae. “Hey,” agad na nakipag-beso siya kay Venice. “Long time no see,” Kahit na pareho sila na mga modelo ay magkaiba naman ang agency nilang dalawa kaya hindi niya talaga ito nakikita palagi. Isang beses niya lang din itong nakatrabaho noon. “Yeah. Nice to see you again. Nandito ka rin pala, you look stunning.” Wika sa kaniya ni Venice habang tinitingnan nito ang suot niyang damit. Dahil doon kaya agad niya ring binatuhan nang pansin ang suot nitong damit para mabati niya rin ito. She was also wearing a simple plain black dress with draw-string strap above the knee lenght that suits her summer wave hairstyle. “You look stunning too. Kagagaling ko lang sa isang photoshoot ko, medyo haggard na nga eh. By the way, this is my friend Tim,” hinigit niya ng konti ang braso ng kaibigan niya para ipakilala kay Venice. Malay niya, mabugaw niya ang kaibigan niyang si Tim na sobrang choosy at mapili sa mga babae, ‘di ba? Para naman magka-lovelife na rin ang boring na buhay nito. "Oh yeah, I knew him, hey… I'm Venice." And she extends her arm to have a friendly shakehands to Tim and smile eventually. Nakatanaw lang naman si Natalie sa magiging kilos ng kaniyang kaibigan o kung ano ang magiging reaksyon nito. "Tim." Simpleng pakilala nga ni Tim at mabilis pa sa isang kisap-mata ang ginawa nitong pakikipag-shake hands kay Venice. Hindi nga alam ni Natalie kung matatawag nga bang shake hands 'yun dahil parang dumulas lang ang kamay ng kaibigan niya sa kamay ng dalaga. Hindi tuloy mapigilan ni Natalie na lihim na mapatawa nang mahina at mapailing-iling ng konti. As far as she know, hindi naman woman hater ang kaibigan niya, pero hindi rin naman ito bakla kaya bakit ba mailap si Tim sa mga babae? Hays. At dahil napansin niya nga na hindi type ni Tim ang kaniyang co-model kaya naman gumawa na nga siya agad nang paraan para maka-exit na sila. "I'm sorry Venice but we have to go now na. Naghihintay pa kasi sa amin 'yung iba naming mga friend sa table namin," pagpapaalam niya dito. "Sure, sure... no problem! Enjoy the night." Nakipagbeso ulit sa kaniya ang co-model niya na agad din naman niyang tinugon. Hanggang doon na nga lang ang naging usapan nila bago sila tuluyan nang umalis ni Tim para pumunta na sa exclusive table nila para sa kanilang magkakaibigan. Marami pa ang bumati at ngumiti kay Natalie on her way papunta sa table hanggang sa hindi na nga nag tagal ay pabagsak na siyang naupo sa pabilog at emerald green na sofa na ‘yun saka siya bumuga nang malalim na hininga na tila ba ay napagod siya. "It's been 10 minutes since I saw you entering in this bar, tapos ngayon ka lang nakarating dito. Iba talaga kapag sikat," wika agad sa kaniya ng kaniyang kaibigan na si Pierce Cordova habang abala na ito sa pag inom ng alak sa hawak nitong shot glass. "Well, I get to used to it..." pa unang wika niya at bigla naman niyang naalala na may ipang-aasar nga pala dito kaya ayaw niyang sayangin ang pagkakataon na ‘yun. She look childish right, but who cares! "How about you? When will you get used to being here at Tim's Bar and waiting for the woman you saw? Wait, is she even real?" Patanong na wika niya na may halong konting pang-aasar. Awtomatikong nag-poker face sa kaniya ang kaibigan niya kaya naman hindi niya mapigilan na hindi mapatawa. Naramdaman niya pa ang mahinang pagsiko sa kanya ni Tim na para bang sinasabi na ang rude niya. Well gano'n lang naman talaga siya sa mga ka-close niya. Matagal-tagal na rin niyang kaibigan ang tatlong lalaki, si Pierce, si Tim at si Scot-- wait, speaking of Scot. "Where's Scot? Is he even here?” she furrowed. "Yap. Nandiyan lang 'yun sa tabi-tabi." Pierce answered. "Hmm. Tamang-tama, siya na lang ang ipapakilala ko kay Venice, hindi tulad ng isa diyan sa tabi-tabi... parang galit sa mga babae," pagpaparinig niya sa katabi niyang si Tim na tahimik lang. Naramdaman niya ang mabilis na pag baling ng tingin sa kaniya ni Tim, "Hays. I told you countless times, ayoko sa mga party goer na mga babae, gusto ko lang ng simple." Inabutan siya nito ng bote ng beer na agad naman niyang tinanggap. "Eh ‘di sana, hindi bar ang business na itinayo mo. Duhhh!" She rolled her eyes before taking a sip on his bottled beer. Pagkatapos noon ay agad na rin siyang tumayo, "Oh siya, maiwan ko na kayong dalawa dito, hahanapin ko na muna ang boy version ko na si Scot, ciao!" At 'yun na nga lang ang sinabi niya sa mga kaibigan niya saka tuluyan nang umalis sa table nila. Kahit naman kasi magkakasama sila ay may sarili pa rin silang mga lakad at ganap sa buhay sa loob ng bar na ‘yun. They don’t really stick together while partying dahil may dalawang killjoy at may dalawang hindi killjoy. You know I mean, right? Kung aasahan niya kasi ang dalawang kaibigan niya na si Pierce at Tim na halatang mga old school na mga lalaki, ay tiyak na wala siyang mapapala sa free time niya. Kailangan din naman niyang mag-enjoy. EVERYONE WAS looking at Natalie Curtis when she arrived at the Seda Vertis North Hotel. She's late for about 5 minutes but that's not why people look at her as she entered, but more of her compelling appearance. Bago sa paningin nila ang naka-summer wave na buhok ni Natalie na talagang sinadya ng dalaga para bumagay sa suot niyang gold deep v neck glitter dress that above the knee-length na talagang fitted sa kaniya kaya naman lumabas talaga ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan. It also compliments her long legs. Kita rin ang pisngi ng kaniyang dibdib dahil deep v neck nga ang suot niyang dress ng mga sandali na ‘yon. Pero gaya nang nabanggit kanina, sinadya niya talaga 'yun upang makaagaw siya ng maraming atensyon, she likes being center of attraction, and there’s nothing wrong with it. Aside from that, inaasahan niya naman talaga na mapapatingin sa kaniya ang lahat, mapababae man o mapalalaki na modelo sa loob ng event place. Hindi nag tagal ay agad nang lumapit sa kaniya ang kaniyang manager na si Brandy na talagang pinauna niya sa hotel para malaman niya kung saan mas magandang kunin ang grand entrance niya, at tagumpay naman ang plano niya. Marami ng mga bisita ang nakatayo at naguusap-usap sa cocktail tables, may mga umiinom na rin sa kanilang mga wine glasses and champagne glasses. It was just a formal party for a model like her, walang program or anything… just simple gathering to know who is in the industry. "Bravo! Ang galing ng entrance mo, nakuha mo lahat ng atensyon nila." Masayang wika sa kaniya ni Brandy at pumapalakpak pa ito na mukhang tuwang-tuwa talaga. By the way, he's gay pero pang lalaki pa rin ito magsuot ng damit. He was just wearing a deep gray suit with a white long sleeves inside and a black slacks and a black leather shoes. Hindi na kasi halos manager ang turing ni Natalie kay Brandy kung hindi isang malapit na kaibigan na rin. Medyo lumpit sa kaniya si Brandy at saka bumulong ito sa kaniya, "Oo nga pala, nandiyan na si Mr. Fiero Elvua, kausap na niya ngayon si Mr. Guillermo, and guess what?" Parang excited na saad sa kaniya ni Brandy kaya hindi niya maiwasan na mapangiti at magalak din. Kahit hindi niya pa nakikilala si Mr. Fiero Elvua in person, alam niyang sikat ito sapagkat ilang linggo rin na naging matunog ang pangalan ng fashion producer na ‘yon sa lahat ng photoshoot niya o kahit sa loob ng agency. "What?" She asked while smiling from ear to ear. "Well, ni-request lang naman sa akin ni Mr. Guillermo na i-deliver kita sa kaniya pagkadating na pagkadating mo. Swerte mo dahil ikaw ang unang model na makikilala ni Mr. Elvua." Kuminang ang mga mata ni Natalie sa kaniyang narinig. Pakiramdam niya ay malapit niya nang maabot ang lahat ng pangarap niya dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Brandy. Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Natalie nang pasimple na silang pumuslit sa party upang makapunta na sila sa isang hotel room kung nasaan ang kanilang big boss. They have to hide it because it is consider as special treatment, you know what I mean. Marami pa namang mga modelo ang tiyak na maiingit sa kaniya kapag nalaman ng mga ito na siya ang unang model na makikilala ni Mr. Elvua. "Mr. Guillermo, Natalie is here." Rinig niyang wika ni Brandy sa kanilang big boss upang ipaalam na nakarating na nga siya. Nasa may bandang hulihan kasi siya ni Brandy kaya hindi niya pa nakikita ang kanilang big boss sa loob ng kwarto na pinuntahan nila. Mas binuksan ng mas malaki ni Brandy ang pintuan para sa kaniya at nang i-angat na nga ni Natalie ang kaniyang paningin sa mga ito ay doon naman awtomatikong gumuho ang mundo niya. Natigilan siya at napalaki pa ng konti ang mga mata niya nang mamukhaan niya kung sino ang lalaking kasama ng big boss niya. Pakiramdam niya ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig sa nakikita ng dalawang mata niya. Hindi siya pwedeng magkamali... ang lalaking 'yun! Ang lalaking ‘yun ay ang hinalikan at sinampal niya sa Paris dahil sa isang stupid dare ng kaniyang mga kaibigan. Oh no! ‘D-don’t tell me, he’s Fiero Elvua?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD