Crizle's POV Nasa bahay na ako ngayon matapos kong tawagan ang mga magulang ng babaeng nabangga ko. Ayun sa doktor ay hindi naman daw malubha ang pasyente dahil hindi naman daw malakas ang pagkakabanga nito. Pero nagimbal ako sa taong nakita ko nung nasa hospital ako kasama ni Mang Roland na Tatay ni Marge. Nalaman ko ang mga pangalan nila kasi tinanong ko para kung may kailangan pa sila sa akin ay agad akong makatulong sa kanila. Pero agad na nakuha ng batang babae na kasama nila ang atensyon ko ng magsalita ito. **FLASHBACK** "Ate mag-ingat po kayo palagi" sabi nito sa akin habang mataimtim na nakatingin sa akin. Sa diko malaman na dahilan ay kinabahan ako sa sinabi nito. "Bakit?" Nagtatakang tanong ko rito. Hindi ito sumagot sa tanong ko sa halip hinawakan nito ang mukha mo at kin

