Yana's POV June 3, 2019 (Monday) PAGPASOK namin sa school lahat ng estudyante nakatingin sa amin. Ang iba dahil kilala nila kami ang iba naman nakiki usyoso lang. Well yung iba swempre kinikilig dahil sa mga lalaking kasama namin. "Kyyyahhh OMG nandito na si Hell buo na ulit ang Yanell love theme." Tss, ayan na naman ang Yanell nila. Yanell short or YANa at hELLion, dahil nga close kami noon ni Hell hindi kami na pag hiwalay at palaging magkasama idagdag pa na sobrang sweet namin sa isa't isa, kaya binansagan nila kami ng ganyan. Kahit saan dito sa school palagi ko siyang kasama. Kapag nasa room ako tapos bigla kong mamiss si Hell iiyak ako bigla kaya ang ginagawa ng mga kaklase ko at teacher para na pa tahimik ako tinatawagan nila si Hell. Si Hell kasi ang nakakapagpatahan sa akin.

