[The Plan] BIENNE Jacob POV Kakadating lang namin sa bahay bakasyunan nila Claire at ito nga kami ni Rin parehong hindi mapakali. Inamin niya sa’kin ‘yung nangyari kagabi sa kanila ni Marfie at talagang dinurog nun ang puso ko kasi alam ko kung hindi agad siya umalis sa lugar na ‘yun baka sila nang dalawa ngayon. "Oy mga 4pm linis tayo bahay ah.” napabangon kaming pareho ni Rin at sumagot ako kay Claire saka lumabas ng kwarto. Hindi ko kasi kayang kausapin si Rin ngayon, masakit kasi sa’kin ang katotohanan na hindi naman talaga ako ang mahal ni Marfie, na ginagawa niya lang ito para pa rin kay Rin. “Okay ka lang?” Nakatungo ako at sinisilip ni Claire ang mukha ko, nakakahiya man kasi alam kong aasarin niya ko pag nakita niya ang mukha ko pero hindi ko magawang maging masaya ngayon.

