[Octorber 27] MARFIE Fionna POV Nakaupo kami dito sa terrace ng bahay, kitang kita mo ang mga bituin at ang magandang repleksyon ng buwan sa dagat. “Bienne thank you.” ngumiti lang siya sa’kin. "Sorry din kasi ginamit kita.” umiling siya at tumayo saka humarap sa dagat at tumingala. "I don't need your sorry, una palang ginusto ko na ‘yun at pangalawa ginagawa mo lahat para maging mabuting girlfriend sa’kin." "Pero Bienne alam kong nahihirapan ka pa rin ngayon.” humarap siya sa’kin at seryosong tumigin sa’kin, iba ang tingin na ‘yun seryosong seryoso at hindi mo madaling makikita sa kaniya ‘yun. Lagi kasi siyang nakangite at palabiro pero ngayon seryosong seryoso ang mukha niya na humarap sa’kin. "If you feel guilty just go on and be happy, masaya na kami doon ni Claire itinaya na n

