[Fireflies] MARFIE Fionna POV "Anong ginagawa mo dito rin?” Umupo siya sa tabi ko at tumigin lang sa mga alitaptap na nag sisilbing liwanag sa gabing ‘to. "Wala lang hindi rin ako makatulog.” tumingala siya at tumigin sa langit. "Walang bituin,” sabi ko kasi mahilig siyang tumigin sa langit tuwing gabi at lagi siyang naghahanap ng bituin. "Oo nga maulap kasi ngayon miske ang buwan natatakpan ng ulap.” hindi siya tumitingen sa’kin, pero iba talaga ang pakiramdam ko pag siya ang kasama ko. “twinkle twinkle little star.” napatitig ako sa kaniya at pakiramdam ko maluluha ako. "How I wonder what you are.” tinuro niya ‘yung mga alitaptap. "Wala ngang bituin pero tignan mo sila parang bituin din ‘di ba.” napatingin ako sa mga alitaptap at hindi ko alam bakit ako napaluha ng wala sa oras.

